107
CVII – Sûrat Al-Mâ`ûn [Ang Mga Maliliit Na Mga Kabutihan]
بسم الله الرحمن الرحيم
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Nakita mo ba ang kalagayan niya na pinasinungalingan ang Pagkabuhay na Mag-uli at Pagbabayad?
2. Na siya ay matinding nagtataboy sa mga ulila mula sa kanilang karapatan dahil sa katigasan ng kanyang puso.
3. At hindi niya hinihimok ang iba na magpakain ng mahihirap, na kung kaya, paano pa kaya niya ito ipatutupad sa kanyang sarili?
4-5. Samakatuwid, matinding kaparusahan at kapahamakan sa mga yaong nagsasagawa ng ‘Salâh’ nang may pagkukunwari na wala sa pagiging taimtim nito, na hindi nila ito ginagawa sa tamang kaparaanan at wala ito sa tamang oras na itinakda.
6. Sila ang mga yaong nagsasagawa ng kabutihan nang lantaran para lamang makita ng tao.
7. Ipinagkakait nila ang pagpapahiram ng mga maliliit na bagay na hindi naman nakakaapekto sa kanila kapag ito ay kanilang ipinahiram (na katulad ng kagamitang pambahay), at iba pa, na kung kaya, hindi sila naging mabuti sa pagsamba sa kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha at hindi rin sila naging mabuti sa mga nilikha ng Allâh.
Sunday, May 16, 2010
Sûrat Al-Mâ`ûn
Sûrat Quraysh
106
CVI – Sûrat Quraysh [(Angkan ng) Quraysh]
بسم الله الرحمن الرحيم
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1-2. Bilang dakilang kagandahang-loob mula sa Allâh (I), hinangaan ang pagkakaisa ng mga Quraysh at ang kanilang banayad at patuloy na masaganang pamumuhay, at ang kanilang kaparaanan na paglalakbay sa taglamig patungong timog – Yemen, at sa tag-init pahilaga – Sham, nang walang anumang pinangangambahan, at sa pamamagitan nito ay naging madali para sa kanila ang pagkamit ng anumang kanilang pangangailangan.
3. Na kung kaya, nararapat sa kanila na tumanaw ng utang na loob, at sambahin ang ‘Rabb’ na Tagapaglikha na Nagmamay-ari ng Tahanang ito – ang Ka`bah sa Makkah. Na ito ay bilang parangal para sa kanila, upang sambahin nila nang taimtim ang Allâh (I) na Bukod-Tangi.
4. Na Siya ang nagpakain sa kanila upang hindi sila mangagutom at ginawa silang ligtas mula sa pagkatakot at mga panganib.

Sûrat Al-Fîl
105
CV – Sûrat Al-Fîl [Ang Elepante]
بسم الله الرحمن الرحيم
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Hindi mo ba nabalitaan, O Muhammad, kung ano ang ginawa ng iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, sa mga nagmamay-ari ng Elepante: na si Abrahah Al-Ashram na taga-Abysinnia at ang kanyang mga sundalo, na ang hangarin nila ay wasakin ang Ka`bah sa Makkah?
2. Hindi ba ginawa Niya ang kanilang masamang balakin na hindi maganap?
3-4. At nagpadala Siya laban sa kanila ng mga ibon, na napakarami, na pinagbabagsakan sila ng mga batong ‘Sijjeel’ na gawa sa matitigas na luwad.
5. At para silang nagmistulang mga nawasak na mga pananim sa bukirin na ang mga bunga nito ay parang kinain ng mga hayop at itinapon ang tangkay.

Sûrat Al-Humazah
104
CIV – Sûrat Al-Humazah
[Ang Naninira Ng Kapwa]
بسم الله الرحمن الرحيم
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Kapighatian at kapahamakan sa sinumang naninira sa mga tao at nanlalait sa kanila.
2. Na siyang nag-ipon ng yaman at wala siyang ginawa kundi bilangin ito.
3. Iniisip niya na may katiyakan sa kanyang sarili na ang kanyang mga kayamanan na kanyang nilikom, na ito ay makapagpapanatili sa kanya rito sa daigdig magpasawalang-hanggan at ligtas siya sa paghuhukom.
4. Ang katotohanan ay hindi ang yaong kanyang iniisip! Kundi walang pag-aalinlangan, itatapon siya sa Apoy na nilalamukos nito ang anumang inihahagis dito.
5. At ano ang makapagpapabatid sa iyo, O Muhammad, sa pagiging totoo ng Apoy na ito na nilalamukos nito ang anumang inihahagis dito?
6-7. Katotohanan, ito ay sinilaban na Apoy ng Allâh, na sa sidhi ng paglalagablab nito ay umaabot ang sidhi ng init nito sa mga katawan (ng tao) na nanunuot patungo sa mga puso.
8-9. Katiyakan, ito ang magpipinid sa kanila, na nagtataasang mga haligi ng Apoy na hindi na sila makalalabas pa roon.

Sûrat Al-`Asr
103
CIII – Sûrat Al-`Asr [Ang Panahon]
بسم الله الرحمن الرحيم
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1-2. Sumumpa [68] ang Allâh (I) sa pamamagitan ng panahon na walang pag-aalinlangang ang lahi ni Âdam ay nasa pagkawasak at pagkatalo.
3. Maliban sa kanila na naging mananampalataya at gumawa ng mabubuting gawa, at nagpayuhan sila sa isa’t isa sa pananatili sa katotohanan, at pagsunod sa kagustuhan ng Allâh (I), at pagtitiis para rito.

Sûrat At-Takâthur
102
CII – Sûrat At-Takâthur [Ang Paligsahan Hinggil Sa Makamundong Bagay]
بسم الله الرحمن الرحيم
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Nalinlang kayo sa pagsunod sa Allâh (I) ng inyong pagmamayabang sa pamamagitan ng pagpaparami ng kayamanan at mga anak.
2. At patuloy kayo sa kahibangan at pagkalinlang na ito hanggang sa kayo ay makarating sa mga libingan, at inilibing kayo roon.
3. Hindi ganito ang nararapat, na kayo ay magpalinlang sa pamamagitan ng pagpaparami ng inyong kayamanan, walang pag-aalinlangan, mapapatunayan ninyo, na ang buhay sa Kabilang-Buhay ang mas higit na makabubuti para sa inyo.
4. Muli, hindi ganito ang nararapat, na kayo ay magpalinlang, bagkus ay mag-ingat kayo dahil walang pag-aalinlangang mapapatunayan ninyo ang masamang bunga ng pagkalinlang sa inyo.
5-8. Hindi ganito ang nararapat, na kayo ay magpalinlang sa pamamagitan ng pagpaparami ng inyong kayamanan, kung batid lamang ninyo ang tunay na kaalaman ay lalayo kayo mula rito, at kaagad ninyong ililigtas ang inyong mga sarili mula sa pagkawasak, at walang pag-aalinlangang makikita ninyo ang naglalagablab na Apoy ng Impiyerno. At muli, walang pag-aalinlangan na ito ay katiyakang makikita ninyo! Pagkatapos, katiyakang tatanungin kayo sa Araw ng Muling Pagkabuhay sa lahat ng uri ng mga biyaya na ipinagkaloob sa inyo.

Sûrat Al-Qâri`ah
101
CI – Sûrat Al-Qâri`ah
[Ang Malagim Na Pangyayari]
بسم الله الرحمن الرحيم
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. ‘Al-Qâri`ah’ – ang oras ng pagkagunaw ng daigdig, na kakalabugin ang mga puso ng mga tao sa pamamagitan ng kalagiman ng pangyayaring ito.
2. Ano bang bagay itong magpapakalabog sa mga puso ng mga tao?
3. Ano ba ang magpapabatid sa iyo hinggil dito?
4. Sa Araw na yaon ay napakarami ng mga tao na sila ay parang nagkalat na mga gamugamo na nagkakandalaglagan sa apoy.
5. At ang mga kabundukan ay magiging katulad ng mga nagliliparang balahibo na iba’t ibang kulay, na kapag ito ay napunta sa iyong kamay at iyong hihipan, ito ay magiging parang mga bula na maglalaho.
6-7. Pagkatapos, ang para sa kanya na naging mabigat ang timbangan ng kanyang kabutihan, ay magiging kalugud-lugod ang kanyang pamumuhay sa ‘Al-Jannah.’
8-9. Subali’t siya naman na naging magaan ang timbangan ng kanyang kabutihan at naging mas mabigat ang timbangan ng kanyang mga kasalanan, ang kanyang patutunguhan ay Impiyernong-Apoy.
10. At ano ang magpapabatid sa iyo, O Muhammad, kung ano ang kaila-ilaliman na ito na tinatawag.
11. Ito ay apoy na pinainit nang sukdulan sa pamamagitan ng paggagatong sa ibabaw nito.

Subscribe to:
Posts (Atom)