88
LXXXVIII – Sûrat Al-Ghâshiyah [Ang Kagimbal-gimbal]
بسم الله الرحمن الرحيم
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Mayroon bang dumating sa iyong kuwento hinggil sa kagimbal-gimbal na Araw, na ito ay Araw ng Muling Pagkabuhay?
2-7. Ang mga mukha ng walang pananampalataya sa Araw na yaon ay kaawa-awa dahil sa kaparusahan, na nagpakahirap nang labis sa makamundong buhay (sa pagsamba ng iba bukod sa Allâh), na hapung-hapo sa pagpapahirap sa kanya sa Kabilang-Buhay na siya ay susunugin sa naglalagablab na apoy at paiinumin mula sa kumukulong bukal na napakatindi ang init nito, walang anumang pagkain ang mga nasa Impiyerno kundi mula sa ‘Dharee`’ – matinik na halaman na nakalalason na ito ay napakasamang pagkain at napakarumi, at hindi ito makapagbibigay ng kapakinabangan sa katawan at hindi makapapawi ng gutom at uhaw.
8-16. At ang mga mukha ng mananampalataya sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay masayang-masaya; dahil sa kanyang ginawang pagpunyagi sa daigdig sa mga pagsunod sa kautusan na naging kalugud-lugod sa kanya sa Kabilang-Buhay, na nasa mataas na antas at lugar ng ‘Al-Jannah’ (Hardin), na kung saan doon ay wala siyang maririnig ni anumang salita na walang kabuluhan, na nandoroon ang umaagos na mga tubig mula sa bukal, na naroroon ang matataas na mga trono at mga nakahain na mga inumin na nasa mga kopita, at mga ‘Namâriq’ (mga malalambot na unan o natatangi), na nakahelera na magkakatabi sa isa’t isa, at mga magagarang alpombra na nakalatag.
17-20. Hindi ba pinagmasdan ng mga walang pananampalataya ang mga kamelyo; kung paano ito nilikha sa kamangha-manghang pagkalikha? At sa kalangitan kung paano ito itinaas na pagkakaganda-gandang pagkakataas? At sa mga kabundukan kung paano itinalusok sa kalupaan upang magpatatag at magpanatili nito? At sa kalupaan kung paano itong ginawang palatag at madaling pamuhayan?
21-22. Kung gayon, paalalahanan mo, O Muhammad, ang mga tumanggi sa mensaheng dala-dala mo sa kanila, at huwag kang malungkot sa kanilang pagtanggi, dahil ikaw, ang tungkulin mo ay tagapagpaalaala lamang, at wala kang karapatan na pilitin o puwersahin sila para maniwala.
23-24. Subali’t ang sinumang tumanggi sa pagpapaalaala at pagpapayo at nagpumilit sa di paniniwala, ay walang pag-aalinlangang parurusahan siya ng Allâh (I) nang matinding kaparusahan sa Impiyerno.
26-25. Katiyakan, sa Amin sila magbabalik pagkatapos ng kamatayan, pagkatapos ay walang pag-aalinlangang Kami ang magtutumbas para sa kanila at pagbabayarin sila sa anuman na kanilang nagawa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment