Sunday, May 16, 2010

Sûrat Qâf

50
L – Sûrat Qâf
[Kabanata Qâf – (Ang Titik) Qâf]

بسم الله الرحمن الرحيم
[Bismillâhir Rahmânir Rahîm]
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Qãf – Ang katulad nitong titik ng ‘Arabic’ ay nauna nang naipaliwanag sa ‘Sûratul Baqarah.’ Sumumpa ang Allâh (I) sa pamamagitan ng maluwalhati at kagalang-galang na Qur’ân na nagtatangan ng kapuri-puri at mataas na karangalan.

2. Hindi ang kanilang inaakala ang katotohanan na sila ay namamangha na mga walang pananampalataya sa Sugo ng Allâh (r) na dumating na mula rin sa kanila na binabalaan sila hinggil sa kaparusahan ng Allâh (I), at sinabi ng mga walang pananamapalataya sa Allâh at sa Kanyang Sugo: “Ito ay isang bagay na kakaiba na kamangha-mangha.”

3. “Kapag namatay na ba kami at naging alikabok na kami ay maibabalik pa ba kami sa dati naming kaanyuan? Itong pagbabalik ay malayung-malayong mangyari.”

4. Katiyakan, batid Namin nang ganap ang lupang lumamon sa kanilang mga katawan noong sila ay nabulok na, at nasa Amin ang Talaan na pinangalagaan mula sa pagbabago at pagpapalit, na nandoroon ang lahat ng nangyari sa kanila habang sila ay nabubuhay pa at maging pagkatapos na ng kanilang kamatayan.

5. Subali’t sa halip ay hindi pinaniwalaan ng mga sumasamba ng iba bukod sa Allâh, ang Banal na Qur’ân noong ito ay dumating sa kanila, na kung kaya, sila ay nasa pagkalitong kalagayan at hindi sila matatag sa anumang bagay at wala silang tiyak na pagpapasiya.

6. Hindi ba sila nakauunawa noong hindi nila pinaniwalaan ang Pagkabuhay na Mag-uli at hindi ba nila napagmasdan ang kalangitan na nasa ibabaw nila, na kung paano Namin itinayo nang pantay-pantay ang mga sulok nito, na matatag ang pagkakatayo, at pinalamutian Namin ito ng mga bituin, na ito ay wala man lamang anumang pagkabiyak at kabakuan, na kung kaya, ito ay wala anumang siwang o puwang sa isa’t isa at walang anumang kapintasan?

7. At ang kalupaan ay Aming pinalawak at inilatag, at naglagay Kami rito ng mga matatag na mga kabundukan; upang hindi yumanig at gumalaw, at nagpasibol Kami rito ng iba’t ibang pananim na magkakaparis na mga magagandang tanawin na kapaki-pakinabang na magagalak ang sinumang nakakikita nito.

8. Nilikha ng Allâh (I) ang mga kalangitan at kalupaan at ang anuman na niloloob nito na mga dakilang palatandaan bilang aral sa sinumang nakakikita nito na di tulad ng sinumang mangmang na di nakababatid nito, at bilang paalaala sa lahat ng alipin na nagpapasailalim at natatakot sa Allâh (I) at nagbabalik-loob sa Kanya.

9. At ibinababa Namin mula sa kalangitan ang tubig-ulan na masagana ang kapakinabangan na nagmumula rito, at pinasibol Namin sa pamamagitan nito ang maraming puno sa mga hardin at mga butil na mga inaaning pananim.

10. At pinasibol din Namin ang mga matataas na mga puno ng palmeras ng datiles na kumpul-kumpol na mga bunga.

11. Pinasibol Namin ito bilang kabuhayan para sa Aming mga alipin na pinagmumulan ito ng kanilang ipinamumuhay ayon sa kanilang pangangailangan, at binubuhay pa rin Namin sa pamamagitan ng tubig na ito na ibinaba mula sa kalangitan ang mga bayan na sinalanta ng tagtuyot at taggutom, na wala anumang pananim at mga halamanan, at kung paano Namin binubuhay ang tuyot na kalupaan sa pamamagitan ng tubig na ito ay ganoon din Namin kayo bubuhayin na mag-uli sa Araw ng Muling Pagkabuhay pagkatapos ng inyong kamatayan.

12-14. Hindi naniwala ang mga nauna kaysa sa mga paganong Quraysh na tulad ng sambayanan ni Nûh at ang mga nanirahan sa ‘Ar-Rass’ na sambayanan ni Thamoud na kung saan nandoroon ang bukal na balon na kanilang iniinuman, at ang sambayanan ni `Âd, ni Fir`âwn at ni Lût, at ang mga nanirahan sa ‘Ayka’ na mga kakahuyan na sambayanan ni Shu`ayb, at mga sambayanan ni Tubba` Al-Himyari, lahat sila ay mga sambayanan na hindi naniwala sa kanilang mga Sugo, na kung kaya, natupad sa kanila ang mga babala na ibinabala sa kanila ng Allâh (I) dahil sa kanilang di-paniniwala.

15. Nahirapan ba Kami noong ginawa Namin ang unang paglikha na ginawa Namin mula sa wala, nang sa gayon ay mahirapan din Kami na uliting muli ang paglikha nito pagkatapos nitong maagnas? Hindi Kami nahirapan sa paglikha nito sa halip ay napakadali nito para sa Amin, subali’t sila ay nasa pag-aalinlangan hinggil sa Pagkabuhay na Mag-uli.

16. Katiyakan, nilikha Namin ang tao, at batid Namin kung ano ang ibinubuyo sa kanila ng kanilang mga sarili, at Kami ay mas malapit sa kanya (sa pamamagitan ng ganap na kaalaman) kaysa sa kanyang ugat sa leeg (na itong ugat na ito sa leeg ay karugtong ng puso).

17. Dapat na mabatid na isinusulat ng dalawang anghel na tagapagmasid sa tao sa lahat ng pagkakataon, na isa sa kanyang kanan at isa sa kanyang kaliwa ang kanyang mga gawain. At ang nasa kanan ay sumusulat ng mga kabutihan at ang nasa kaliwa naman ay sumusulat ng mga kasamaan.

18. At wala siyang binibigkas na anumang salita kundi mayroon Kaming anghel na tagapagmasid sa kanyang sasabihin at ito ay isinusulat para sa kanya, na ito ay anghel na kasama niya sa lahat ng pagkakataon na itinalaga para rito.

19. At darating ang sakit at kalanguan (pagkahilo) ng kamatayan bilang katotohanan na hindi mapipigilan at hindi matatakasan, at ito ay iyong tinatakasan, O ikaw na tao!

20. At hihipan ang trumpeta ng pangalawang pag-ihip bilang pagbubuhay na mag-uli, sa pag-iihip na ito ay sa Araw na mangyari ang ibinabala ng Allâh (I) sa mga walang pananampalataya.

21. At dumating kasama ng bawa’t tao ang dalawang anghel, na ang isa ay kinakaladkad siya tungo sa lugar ng pagtitipun-tipon, at ang isa naman ay tumitestigo sa anuman na kanyang nagawa sa daigdig, mabuti man o masama.

22. (At sasabihin sa makasalanan): “Katiyakan, ikaw ay naging pabaya hinggil sa Araw na ito na narating mo na ngayon, O ikaw na tao, at binuksan na Namin ang takip na nakatakip sa iyong puso, na kung kaya, natanggal sa iyo ang pagiging pabaya, dahil nakikita mo na ngayon ang anuman na nakikita ng isang malakas na makapangyarihan.”

23. At sinabi noong anghel na tagapagsulat na testigo laban sa kanya: “Ang mga ito na nasa akin ay talaan ng lahat ng kanyang gawa, na ito ay nakahanda na nasa akin na pinangalagaan, na ngayon ay iuulat sa kanyang harapan.”

24-26. Sasabihin ng Allâh (I) sa dalawang anghel na tagapagkaladkad at tagapagtestigo pagkatapos Niyang pagpasiyahan at hukuman ang pagitan ng mga nilikha: “Itapon na ninyong pareho sa Impiyerno ang bawa’t tumanggi sa Kaisahan ng Allâh (I) na nagpatuloy sa kanyang pagtanggi at di-paniniwala at pagmamatigas sa katotohanan, na hindi nagbabayad sa karapatan ng mga tao sa kanyang kayamanan, at nagmamalabis laban sa mga alipin ng Allâh (I) at sa Kanyang batas, at nagdududa sa pangako at babala ng Allâh (I), na siya ay sumamba ng iba bukod sa Allâh (I), na sumamba mula sa nilikha ng Allâh, kaya itapon ninyo siya sa masidhing kaparusahan ng Impiyerno.”

27. Sasabihin ng kanyang ‘Shaytân’ na kanyang kasa-kasama sa daigdig: “O Allâh (I) na aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha, hindi ko siya iniligaw kundi siya mismo ay nasa landas ng kamalian na malayo sa Landas ng Patnubay.” Sasabihin ng Allâh (I): “Huwag kayong magtalo rito sa Akin ngayon na Araw ng Pagbabayad at Paghuhukom; dahil wala kayong mapapakinabangan na anuman sa pagtatalo ninyo ngayon, dahil walang pag-aalinlangang ipinarating Ko sa inyo sa daigdig ang Aking babala hinggil sa sinumang di-maniwala at lumabag sa Akin.”

29. “Ang salita na mula sa Akin ay hindi mababago kailanman, at hindi Ko parurusahan ang sinuman sa kasalanan ng iba, na kung kaya, hindi Ko parurusahan ang sinuman maliban sa kung ano ang kanyang kasalanan na nagawa pagkatapos na ipinakita sa kanya ang katibayan.”

30. Ipaalaala mo, O Muhammad, sa iyong sambayanan, ang Araw na sasabihin Namin sa Impiyerno, na ito ay sa Araw ng Muling Pagkabuhay: “Puno ka na ba?” Sasabihin ng Impiyerno: “Bakit mayroon pa bang karagdagan mula sa mga ‘Jinn’ at mga tao?” Na kung kaya, ilalagay ng Allâh (I) na Kataas-taasan ang Kanyang Paa [59] sa Impiyerno at masisiksik ito, at sasabihin ng Impiyerno: “Husto na, Husto na!”

31. At ilalapit ang ‘Al-Jannah’ (Hardin) sa mga matatakutin sa Allâh (I) sa lugar na di kalayuan sa kanila na ito ay napagmamasdan nila bilang karagdagan sa kanilang kasiyahan.
32-33. Sasabihin sa kanila: “Ito ang ipinangako sa inyo, O kayong mga matatakutin – na ito ay para sa sinumang taimtim na nagsisi sa kanilang mga kasalanan, at isinagawa nila ang anumang gawain na magiging daan na mapalapit sila sa Allâh (I) na kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha na mga pag-uutos at mga pagsunod, at natakot sa Pinakamahabaging Allâh (I) at dala-dala ang dalisay na puso na punung-puno ng pagsisisi sa Araw ng Muling Pagkabuhay.”

34. At sasabihin sa kanila na mga mananampalataya: “Pumasok na kayo sa ‘Al-Jannah’ (Hardin) na kalakip ang kapayapaan mula sa anumang karamdaman at kasamaan, at ligtas sa lahat ng hindi kanais-nais, na ito ay Araw na ang buhay ay wala nang hanggan.”

35. Para sa kanila na mga mananampalataya sa ‘Al-Jannah’ (Hardin) ay ang lahat ng anuman na kanilang ninanais at mula pa rin sa Amin ay ipagkakaloob Namin sa kanila ang karagdagang kasiyahan, na ang pinakadakila sa lahat ng ito ay ang kanilang pagkakakita sa kagalang-galang na Mukha ng Allâh (I).

36. At pinuksa Namin ang maraming sambayanan na mga nauna kaysa sa mga Quraysh na mga sumamba sa iba bukod sa Allâh, na mas matindi ang kanilang lakas at kapangyarihan, at nakapalibot ang kanilang mga bakas na naiwan sa iba’t ibang bayan, na sila ay namuhay nang matatagal at winasak sila, na kung kaya, maaari bang matakasan ang kaparusahan ng Allâh (I) kapag ito ay dumating sa kanila?

37. Katiyakan, sa pagkawasak ng maraming naunang henerasyon na nakalipas ay aral sa sinumang mayroong pusong nakaiintindi o di kaya ay tainga na nakaririnig, na mapagsaalang-alang na puso habang siya ay nakikinig na hindi siya pabaya.

38. At katiyakan, nilikha Namin ang mga pitong kalangitan at kalupaan at ang anumang nasa pagitan nito na iba’t ibang uri ng mga nilikha sa loob ng anim na araw, at hindi Kami kailanman napagod sa paglikha nito. At dito sa dakilang kapangyarihan na ito ang katibayan na mas higit ang kapangyarihan ng Allâh (I) sa pagbuhay na mag-uli ng mga namatay

39-40. Na kung kaya, magtiis ka, O Muhammad, sa anumang sinasabi ng mga walang pananamapalataya, dahil ang Allâh (I) ay walang pag-aalinlangang nakamasid sa kanila, at magsagawa ka ng ‘Salâh’ bilang papuri sa Allâh (I) na iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha ng ‘Salâtul Fajar’ – umagang ‘Salâh’ bago sumikat ang araw, at ‘Salâtul `Asr’ – ‘Salâh’ sa hapon bago lumubog ang araw, at magsagawa ka ng ‘Salâh’ mula sa oras ng mga gabi, at purihin mo ang iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha pagkatapos ng mga ‘Salâh.’

41-42. At makinig ka sa Araw na mananawagan ang anghel sa pamamagitan ng pag-ihip ng trumpeta mula sa malapit na lugar, na Araw na maririnig nila ang sigaw ng Pagkabuhay na Mag-uli bilang katotohanan na walang pag-aalinlangan ang hinggil dito, na ito ay Pagkabuhay na Mag-uli sa libingan ng mga nasa libingan.

43-44. Katiyakan, Kami ang nagbigay ng buhay sa mga nilikha at nagsasanhi ng kanilang kamatayan sa daigdig, at sa Amin sila magbabalik lahat sa Araw ng Muling Pagkabuhay para sa pagkukuwenta at pagtutumbas, sa Araw na mabibiyak ang kalupaan dahil sa ang mga namatay na inilibing dito ay mabilisang lalabas tungo sa nananawagan sa kanila, na ito ay ang pagtitipun-tipon sa lugar ng pagbabayad, na napakadali lamang nito para sa Amin.

45. Na Kami ay Ganap na Nakababatid sa mga sinasabi ng mga ‘Mushrikûn’ – sumasamba ng iba bukod sa Allâh – na mga pagsisinungaling laban sa Allâh (I) at di-paniniwala sa Kanyang mga talata, at ikaw, O Muhammad, ay hindi tagapagpuwersa na ipipilit sa kanila ang Islâm, kundi ikaw ay ipinadala lamang para magparating ng mensahe sa kanila, na kung kaya, paalalahanan mo sa pamamagitan ng Qur’ân ang sinumang natatakot sa Aking babala; dahil sinuman ang hindi natatakot sa babala ay hindi makaaalaala.

No comments: