Sunday, May 16, 2010

Sûrat Az-Zalzalah

99
XCIX – Sûrat Az-Zalzalah
[Ang Pangingisay o Kombulsiyon]

بسم الله الرحمن الرحيم
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1-3. Kapag niyanig ang kalupaan ng matinding pagkayanig at inilabas nito ang anumang nilalaman na mga patay at mga kayamanan ay magtatanungan na ang mga tao sa isa’t isa bilang pagkagulat: “Ano ba ang nangyayari sa kanya (sa kalupaang ito)?”

4-5. Sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay mag-uulat ang kalupaan hinggil sa anumang ginawa sa ibabaw nito, mabuti man o masama, dahil katiyakang ang Allâh (I) ay uutusan itong mag-ulat.

6. Sa Araw na yaon ay tutungo ang mga tao mula sa lugar ng paghuhukom na hiwa-hiwalay na grupo at tutungo sila sa grupo na nararapat nilang paglagyan; upang ipakita ng Allâh (I) kung ano ang kanilang ginawa na mga kasamaan at mga kabutihan, at ayon dito sila ay tutumbasan.

7-8. Na kung kaya, ang sinumang gumawa ng kahit na katiting na kating na kabutihan, ay makikita niya ang kanyang gantimpala sa Kabilang-Buhay, at sino naman ang gumawa ng kahit na katiting na katiting na kasamaan ay makikita (rin) niya ang kanyang parusa sa Kabilang-Buhay.

No comments: