Parte ng aking misyon sa buhay ay ang ibahagi ang aking pananampalatayang Islam. Ako ay isang bagong Muslim at hangad kong maging isang mabuting alipin ni Allah, ang mahalin ang aking mga kapwa kapatid na Muslim, at kung maaari ay makapagdala ng paalala sa lahat na ang buhay sa mundo ay maikli lamang kaya't ngayon pa lang ay nararapat na gawin natin ang lahat ng paghahanda para sa kabilang buhay....at Paraiso lamang ang ating nais na patunguhan. Sisimulan ko ang pagbabahagi ng Qur'an na isinalin sa sarili nating wikang Pilipino. Nawa'y gabayan tayo ni Allah, at patawan ng Kanyang biyaya, pag-ibig at kahabagan. Insha Allah Ameen....Allah hu Akbar (Ang Panginoong Allah ang Tunay na Pinakamakapangyarihan)....Allah hu Akbar!
I - Surat Al Fatiha [ Ang Pambungad]
II - Sûrat Al-Baqarah [ Ang Baka]
III - Sûrat Ãle `Imrân [ Ang Pamilya ni `Imrân]
IV - Sûrat An-Nisâ` [Ang mga Kababaihan]
V - Sûrat Al-Mâ`idah [Ang Hapag-Kainan na may mga Nakalatag na mga
Pagkain mula sa Kalangitan]
VI – Sûrat Al-An`âm [Ang mga Hayop]
VII – Sûrat Al-A`râf [Ang Mataas na Lugar]
VIII – Sûrat Al-Anfâl [Ang mga nakuha sa labanan na mga yaman]
IX – Sûrat At-Tawbah [Ang Pagsisisi]
X – Sûrat Yûnus [Si Propeta Yûnus – Jonah]
XI – Surat Hûd [Si Propeta Hud]
XII – Sûrat Yûsuf [ (Si Propeta) Joseph]
XIII – Sûrat Ar-Ra`d [ Ang Kidlat]
XIV – Sûrat Ibrâhîm [ (Si Propeta) Abraham]
XV – Sûrat Al-Hijr [Mga Malalaking Bato na Gabundok o mga Batong Bundok]
XVI – Sûrat An-Nahl [Ang mga Bubuyog]
XVII – Sûrat Al-Isrâ` [Ang Paglalakbay Sa Gabi]
XVIII – Surat Al-Kahf [Ang Yungib]
XIX – Sûrat Maryam [(Si Birheng) Maria]
XX – Sûrat Tâ-Hâ [(Mga Titik) Tâ-Hâ]
XXI – Sûrat Al-Anbiyâ` [Ang mga Propeta]
XXII – Sûrat Al-Hajj [Ang Paglalakbay (sa Banal na Tahanan ng
Pagsamba sa Allâh I)]
XXIII – Sûrât Al-Mu`minûn [Ang Mga Mananampalataya]
XXIV – Surât An-Nûr [Ang Liwanag]
XXV – Surât Al-Furqân [Ang Pamantayan]
XXVI – Surât Ash-Shu`arâ` [Ang Mga Manunula]
XXVII – Sûrat An-Naml [Ang Mga Langgam]
XXVIII – Sûrat Al-Qasas [Ang Pagsasalaysay]
XXIX – Sûrat Al-`Ankabût [Ang Gagamba]
XXX – Sûrat Ar-Rûm [Ang Mga Romano]
XXXI – Sûrat Luqmân [Si Luqmân]
XXXII – Sûrat As-Sajdah [Kabanata As-Sajdah [1] – Ang Pagpapatirapa]
XXXIII – Sûrat Al-Ahzâb [Kabanata Al-Ahzâb – Ang Mga Nagtulung-tulong
Na Grupo]
XXXIV – Sûrat Saba`[Kabanata Saba` – Sambayanan ng Saba`]
XXXV – Sûrat Fâtir [Kabanata Fâtir – Ang Nagpanimula ng Paglikha]
XXXVI – Sûrat Yâ-Sĩn [Kabanata Yâ-Sĩn – (Ang Mga Titik) Yâ-Sĩn]
XXXVII – Sûrat As-Sâffât [Kabanata As-Sâffât – Mga Nakahanay Nang
Pantay-Pantay]
XXXVIII – Sûrat Sãd [Kabanata Sãd – (Ang Titik) Sãd]
XXXIX – Surât Az-Zumar [Kabanata Az-Zumar – Ang Mga Grupo]
XL – Sûrat Ghâfir [Kabanata Ghâfir – Ang Tagapagpatawad]
XLI – Sûrat Fussilat [Kabanata Fussilat – Nilinaw At Ipinaliwanag
Ang Mga Ito Nang Ganap]
XLII – Sûrat Ash-Shûra [Kabanata Ash-Shûra – Ang Pagsangguni]
XLIII – Sûrat Az-Zukhruf [Kabanata Az-Zukhruf – Mga Palamuti]
XLIV – Sûrat Ad-Dukhân [ Ang Usok ]
XLV – Sûrat Al-Jâthiyah [Kabanata Al-Jâthiyah – Ang Paninikluhod]
XLVI – Sûrat Al-Ahqâf [Kabanata Al-Ahqâf – Mga Kurba Ng Mga Buhangin
(o Mga Lambak Na Buhangin)]
XLVII – Sûrat Muhammad [Kabanata Muhammad – (Si Propeta) Muhammad r]
XLVIII – Sûrat Fath [Kabanata Al-Fath – Ang Tagumpay o Pangingibabaw]
XLIX – Sûrat Al-Hujurât [Kabanata Al-Hujurât – Mga Tirahan]
L – Sûrat Qâf [Kabanata Qâf – (Ang Titik) Qâf]
LI – Sûrat Adh-Dhâriyât [Kabanata Adh-Dhâriyât – Ang Mga Hangin Na
Nagpapakalat Ng Mga Alikabok]
LII – Sûrat At-Tûr [Kabanata At-Tûr – (Ang Bundok ng) Tûr]
LIII – Sûrat An-Najm [Kabanata An-Najm – Ang Bituin]
LIV – Sûrat Al-Qamar [Kabanata Al-Qamar – Ang Buwan]
LV – Sûrat Ar-Rahmân Ang Pinakamahabagin
LVI – Sûrat Al-Wâqi`ah [Kabanata Al-Wâqi`ah – Ang Matinding Pangyayari]
LVII – Sûrat Al-Hadîd [Kabanata Al-Hadîd – Ang Bakal]
LVIII – Sûrat Al-Mujâdilah [Kabanata Al-Mujâdilah – Ang Babaing Sumasangguni]
LIX – Sûrat Al-Hashr [Kabanata Al-Hashr – Ang Pagtitipon]
LX – Sûrat Al-Mumtahanah [Kabanata Al-Mumtahanah – Ang Babae na Sinubok]
LXI – Sûrat As-Saff [Kabanata As-Saff – Ang Hanay o ang Hilera]
LXII – Sûrat Al-Jumu`ah [Kabanata Al-Jumu`ah – Ang (Araw ng) Jumu`ah
(Biyernes)]
LXIII – Sûrat Al-Munâfiqûn [Kabanata Al-Munâfiqûn – Ang Mga Mapagkunwari]
LXIV – Sûrat At-Taghâbun [Kabanata At-Taghâbun – Ang Pagiging Talunan
(ng mga papasok sa Impiyerno)]
LXV – Sûrat At-Talâq [Kabanata At-Talâq – Ang Paghihiwalay (o Diborsiyo)]
LXVI – Sûrat At-Tahrîm [Kabanata At-Tahrîm – Ang Pagbabawal o Pagpipigil]
LXVII – Sûrat Al-Mulk [Kabanata Al-Mulk – Ang Kaharian]
LXVIII – Sûrat Al-Qalam [Kabanata Al-Qalam – Ang Panulat]
LXIX – Sûrat Al-Hâqqah [Kabanata Al-Hâqqah – Ang Pangyayari Na Hindi
Maaaring Pigilin]
LXX – Sûrat Al-Ma`ârij [Kabanata Al-Ma`ârij – Ang Mga Daan Ng
Pag-Akyat o Pag-angat]
LXXI – Sûrat Nûh [Kabanata Nûh – (Si Propeta) Nûh (Noah)]
LXXII – Sûrat ‘Al-Jinn’ [Kabanata ‘Al-Jinn’ – Ang ‘Jinn’]
LXXIII – Sûrat Al-Muzzammil [Kabanata Al-Muzzammil – Ang Nagtalukbong
ng Buong Katawan]
LXXIV – Sûrat Al-Muddaththir [Kabanata Al-Muddaththir – Ang
Nagbalabal (o Nagtakip Ng Katawan)]
LXXV – Sûrat Al-Qiyâmah [Kabanata Al-Qiyâmah – Ang Pagkabuhay Na Mag-uli]
LXXVI – Sûrat Al-Insân o Ad-Dahr [Kabanata Al-Insân o Ad-Dahr – Ang
Tao o Ang Panahon]
LXXVII – Sûrat Al-Mursalât [Kabanata Al-Mursalât – Yaong Mga
Ipinapadala (Na Mga Hangin O Mga Anghel)]
LXXVIII – Sûrat An-Naba` [Ang Dakilang Balita]
LXXIX – Sûrat An-Nâzi`ât [Yaong Mga Humahablot (Ng Mga Kaluluwa)]
LXXX – Sûrat `Abasa [Nagkunot ng Noo]
LXXXI – Sûrat At-Takwîr [Ang Pagpulupot]
LXXXII – Sûrat Al-Infitâr [Ang Pagkakabiyak (Ng Mga Kalangitan)]
LXXXIII – Sûrat Al-Mutaffifîn [Mga Mandaraya]
LXXXIV – Sûrat Al-Inshiqâq [Ang Pagkakahiwa-hiwalay]
LXXXV – Sûrat Al-Burûj [Ang mga Dakilang Bituin]
LXXXVI – Sûrat At-Târiq [At-Târiq – Bituin na Naglalagos ang Liwanag
nito sa Kaningningan]
LXXXVII – Sûrat Al-A`lã [Ang Kataas-Taasan]
LXXXVIII – Sûrat Al-Ghâshiyah [Ang Kagimbal-gimbal]
LXXXIX – Sûrat Al-Fajr [Ang Pamimitak ng Liwanag]
XC – Sûrat Al-Balad [Ang Lungsod (ng Makkah)]
XCI – Sûrat Ash-Shams [Ang Araw]
XCII – Sûrat Al-Layl [Ang Gabi]
XCIII – Sûrat Adh-Dhuhâ [Ang Umaga]
XCIV – Sûrat Ash-Sharh [Ang Kaginhawahan]
XCV – Sûrat At-Tîn [Ang Igos]
XCVI – Sûrat Al-`Alaq [Ang Namuong Dugo]
XCVII – Sûrat Al-Qadr [(Ang Gabi Ng) Qadr]
XCVIII – Sûrat Al-Bayyinah [Ang Malinaw Na Palatandaan]
XCIX – Sûrat Az-Zalzalah [Ang Pangingisay o Kombulsiyon]
C – Sûrat Al-`Âdiyât [Yaong Mga Rumaragasa (Tumatakbo)]
CI – Sûrat Al-Qâri`ah [Ang Malagim Na Pangyayari]
CII – Sûrat At-Takâthur [Ang Paligsahan Hinggil Sa Makamundong Bagay]
CIII – Sûrat Al-`Asr [Ang Panahon]
CIV – Sûrat Al-Humazah [Ang Naninira Ng Kapwa]
CV – Sûrat Al-Fîl [Ang Elepante]
CVI – Sûrat Quraysh [(Angkan ng) Quraysh]
CVII – Sûrat Al-Mâ`ûn [Ang Mga Maliliit Na Mga Kabutihan]
CVIII – Sûrat Al-Kawthar [Isang Ilog Sa Al-Jannah Na Al-Kawthar]
CIX – Sûrat Al-Kâfirûn [Ang mga Walang Pananampalataya]
CX – Sûrat An-Nasr [Ang Tulong]
CXI – Sûrat Al-Masadd [Ang Hibla ng Palmera]
CXII – Sûrat Al-Ikhlâs [Ang Kadalisayan]
CXIII – Sûrat Al-Falaq [Ang Pagbubukang-Liwayway]
CXIV – Sûrat An-Nâs [Ang Sangkatauhan]
1
I – Sûrat Al-Fâtihah
[Al-Fâtihah – Ang Pambungad]
Ito ay pinangalanang ‘Al-Fâtihah’ dahil sa ito ang pinakapambungad ng
Dakilang Qur’ân. Gayon pa man, tinatawag din itong ‘Al-Mathâni’ (na
ang ibig sabihin ay ang inuulit-ulit) dahil sa ito ay palaging
binabasa sa bawa’t ‘raka`ah’ [2] o yunit ng ‘Salâh’ (pagdarasal); at
maliban sa mga ito, mayroon pa rin itong iba’t ibang pangalan.
1. “Bis-mil-lâh” - magsisimula ako sa Ngalan ng Allâh (I), bilang
paghahangad ng tulong, gabay at katugunan Niya. Ang salitang “Allâh”
ay Pangngalang Pantangi ng “Rabb” [3] na Tagapaglikha (Tabâraka wa
Ta`ala), na Siya lamang ang nararapat na sambahin at wala nang iba pa.
Ito ay bukod-tangi sa Kanyang mga Pangalan, at ito ay hindi maaaring
ipangalan sa iba.
“Ar-Rah-mâ-nir Ra-heem” – ang salitang “Ar-Rahmân” --- saklaw ng
Kanyang habag ang lahat ng Kanyang mga nilikha. Ang “Ar-Raheem” ---
Labis-Labis ang Kanyang awa at pagmamahal nang ganap sa mga
mananampalataya. Na ang dalawang ito (ang “Ar-Rahmân” at “Ar-Raheem”)
ay kabilang sa Kanyang mga Pangalan.
2. “Al-ham-du-lil-lâ-hi Rab-bil `Â-la-mîn” – ang lahat ng papuri ay
nararapat lamang sa Allâh (I) na “Rabb” na Tagapaglikha ng lahat ng
mga nilalang. Ito ay papuri ng Allâh (I) sa Kanyang Sarili, na kalakip
ang Kanyang pag-uutos sa Kanyang mga alipin (na Siya ay purihin nila).
Na Siya lamang ang karapat-dapat (sa mga papuring) ito dahil sa Siya
lamang ang Lumikha ng lahat, ang Tagapangasiwa nito, ang Tagapangalaga
sa lahat ng Kanyang mga nilikha sa pamamagitan ng Kanyang mga biyaya;
at pamamatnubay Niya sa Kanyang tunay at minamahal na mga alipin tungo
sa ‘Eemân’ (Pananampalataya) at paggawa ng mabuti.
3. “Ar-Rah-mâ-nir Ra-heem” – ang salitang “Ar-Rahmân” --- saklaw ng
Kanyang habag ang lahat ng Kanyang mga nilikha. Ang “Ar-Raheem” ---
Labis-Labis ang Kanyang awa at pagmamahal nang ganap sa mga
mananampalataya. Na ang dalawang ito (ang “Ar-Rahmân” at “Ar-Raheem”)
ay kabilang sa Kanyang mga Pangalan.
4. “Mâ-li-ki yaw-mid dîn” – Siya (Luwalhati sa Kanya) lamang ang
Bukod-Tanging Nagmamay-ari at Mangangasiwa sa Araw ng Muling
Pagkabuhay, at ito ang Araw ng pagbibigay ng kabayaran sa lahat ng mga
gawain. At ang Kanyang pagiging bukod-tangi sa Pagmamay-ari at
Pangangasiwa sa Araw ng Paghuhukom, dahil walang sinuman ang
mag-aangkin nito sa Araw na yaon, at walang sinuman ang magsasalita,
maliban sa kung ito ay Kanyang pahihintulutan.
Sa pagbibigkas ng isang Muslim sa ‘Âyah’ o talatang ito sa bawa’t
‘raka`ah’ ng Salâh’ ay magpapaalaala sa kanya hinggil sa Huling Araw,
nag-uutos na paghandaan ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kabutihan
at pag-iwas sa mga kasalanan at mga kasamaan.
5. “Iy-yâ-ka na`a-bu-do wa iy-yâ-ka nas-ta-`în” – Ikaw lamang ang
aming susundin at sasambahin, at Ikaw lamang ang aming hihingian ng
tulong sa lahat ng aming mga pangangailangan. Lahat ng bagay ay nasa
Iyong Kamay, walang sinuman ang nagmamay-ari ng anuman na kahit na
katiting-na-katiting na bagay, kundi Ikaw lamang.
At narito sa talatang ito ang katibayan na ang anumang uri ng
‘Ibâdah’ o pagsamba ay hindi maaaring ituon ng alipin ng Allâh (I)
kaninuman kundi sa Kanya (Allâh I) lamang. At narito rin (sa talatang
ito) ang lunas sa puso mula sa sakit ng pagsasalig ng labis na
atensiyon sa iba bukod sa Allâh (I), pagmamalabis, pagkukunwari,
pagmamayabang at pagmamataas.
6. “Ih-di-nas si-râ-tal mus-ta-qîm” – turuan Mo kami, patnubayan at
gabayan patungo sa Matuwid na Landas. Patatagin Mo kami (sa Landas na)
yaon hanggang sa Ikaw ay aming makatagpo, at ito ang ‘Islâm’ --- ang
maliwanag na Daan patungo sa pagmamahal ng Allâh (I) at tungo sa
Kanyang ‘Al-Jannah’ (Hardin, isinaling Paraiso). Ito ang itinuro ng
Huling Sugo at Propetang si Propeta Muhammad (r), at ang lahat ng mga
Propeta at Sugo na nauna kaysa sa kanya. Katiyakan, walang anumang
daan patungo sa tunay na kaligayahan ng isang alipin kundi ang
pagiging nasa Matuwid sa Islâm.
7. “Si-râ-tal la-dhî-na an-`am-ta `a-lay-hîm” – daan ng mga
pinagkalooban Mo ng biyaya --- ang mga Propeta, mga matatapat, mga
namatay nang ‘Shaheed’ – nagpunyagi sa Daan ng Allâh (I) o
nakipaglaban nang alang-alang sa Allâh (I), at mga mabubuti; silang
mga pinatnubayan at matutuwid.
“Ghay-ril magh-dhû-bi `a-lay-him wa ladh-dhãl-lîn” – at huwag Mo
kaming ihanay sa mga nagtungo sa daan ng mga isinumpa --- yaong mga
nakaaalam ng katotohanan subali’t ito ay kanilang tinanggihan - ang
mga Hudyo at ang mga gumaya sa kanila. Ganoon din ang mga naligaw ---
yaong mga tumanggi at nawala nang pagkalayu-layo mula sa katotohanan -
ang mga yaong nag-aangking tagasunod ni `Îsã (Hesus u) [4] na nasa
labas ng ‘Islâm,’ at sa sinumang sumunod sa kanila.
At narito sa panalanging ito (na ‘Al-Fâtihah’) ang lunas sa puso ng
isang ‘Muslim’ mula sa sakit ng pagtanggi, kamangmangan at pagkaligaw.
Ito rin ang katibayan, na ang pinakadakilang biyaya sa lahat ay ang
‘Islâm;’ na kung kaya, sinuman ang nakaaalam ng katotohanan at
pagkatapos ito ay sinunod niya; samakatuwid, siya ang karapat-dapat sa
Matuwid na Landas.
Kung gayon, walang pag-aalinlangan na ang mga ‘Sahâbah’ (kasamahan) ng
‘Rasulullâh’ (Sugo ng Allâh) ang karapat-dapat sa pagiging nasa
Matuwid na Landas, kasunod ng mga Propeta. Ang talata ring ito ang
nagpapatunay hinggil sa katangian nila at ang dakilang antas na
kanilang kinabibilangan, na sila ay kinalugdan ng Allâh (I). Maging
ang pagbigkas ng salitang ‘Âmeen’ pagkatapos bigkasin ang
‘Al-Fâtihah,’ ay isang kaugalian o ‘Sunnah’ na dapat bigkasin, na ang
ibig sabihin ay “Dinggin Mo, O Allâh ang aming panalangin.”
Magkagayunpaman, ito ay hindi kabilang sa mga talata ng ‘Surâtul
Fâtihah.’ Napagkasunduan ng mga ‘Ulama’ (Paham o Iskolar) at silang
lahat ay sumang-ayon na ito (ang salitang ‘Âmeen’) ay hindi naisulat
sa mga ‘Masâhif ’ o kopya ng Qur’ân.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment