Sunday, May 16, 2010

Sûrat Al-Qadr

97
XCVII – Sûrat Al-Qadr [(Ang Gabi Ng) Qadr]

بسم الله الرحمن الرحيم
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1. Katiyakan, ibinaba Namin ang Qur’ân sa gabi ng ‘Qadr’ – na ito ay gabi ng karangalan, na ito ay sa buwan ng Ramadhan.

2. At ano ang makapagpapabatid sa iyo, O Muhammad, kung ano ang gabi ng ‘Qadr,’ na dakila at pinarangalan na gabi?

3. Ang gabi ng ‘Qadr’ ay gabi na biniyayaan, na ang katangian nito ay higit pa kaysa sa isang libong buwan na pagsamba, na wala sa ibang gabi ang ganitong katangian.

4. Na sa gabing yaon ay bumababa ang maraming mga anghel at si Jibril sa kapahintulutan ng kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha upang gawin ang anumang pinagpasiyahan ng Allâh (I) sa taong yaon.

5. Na ang gabing yaon ay punung-puno ng kapayapaan, na walang anumang hindi kanais-nais na mangyayari hanggang sa pagsikat ng ‘Fajr.’

No comments: