Sunday, May 16, 2010

Sûrat An-Nasr

110
CX – Sûrat An-Nasr [Ang Tulong]

بسم الله الرحمن الرحيم

[Bismillâhir Rahmânir Rahîm]
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1. Kapag naganap na, O Muhammad, ang iyong pagkapanalo laban sa mga walang pananampalataya na mga Quraysh, at naganap na sa iyo, ang tagumpay sa pamamagitan ng pagpasok mo sa Makkah.

2. At nakita mo ang maraming tao na papasok sa Islâm na Relihiyon ng Allâh (I), nang grupu-grupo.

3. Kapag ito ay naganap, samakatuwid ay ihanda mo na ang iyong sarili sa pakikipagharap sa iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha sa pamamagitan ng patuloy na pagpuri bilang pasasalamat sa Kanya, at patuloy na paghingi ng kapatawaran, dahil walang pag-aalinlangan, Siya ay Ganap na Mapagpatawad sa mga pumupuri at humihingi ng kapatawaran sa Kanya, na pinatatawad sila at minamahal, at tinatanggap ang kanilang pagbabalik-loob.

No comments: