114
CXIV – Sûrat An-Nâs [Ang Sangkatauhan]
بسم الله الرحمن الرحيم
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Sabihin mo, O Muhammad: “Nagpapakupkop ako at hinihingi ko ang kalinga ng Allâh (I) na ‘Rabb’ na Tagapaglikha ng sangkatauhan, na Bukod-Tanging Makapangyarihan na pigilin ang kasamaan ng sinumang nanlilinlang.
2. “Ang ‘Malik’ – Hari ng mga tao na Siyang Bukod-Tanging Tagapangasiwa sa lahat ng kanilang mga kalagayan, na Malaya at hindi nangangailangan sa kanila,
3. “Ang ‘Ilâh’ o Diyos na sinasamba ng sangkatauhan na Siya lamang ang Bukod-Tangi na may karapatan at karapat-dapat na sambahin.
4. “Mula sa kapinsalaan ni ‘Shaytân’ na nambubuyo sa oras ng pagkalimot ng tao sa pagkakaalaala sa Allâh (I) at naglalaho kapag naalaala ang Allâh (I).
5. “Na siya ang nambubuyo ng kasamaan at naglalagay ng pag-aalinlangan sa mga dibdib ng mga tao.
6. “Mula sa mga ‘Shaytân’ na nagmula sa lahi ng ‘jinn’ at nagmula sa lahi ng tao.”
~TALATINIGAN~
ANG KAHULUGAN NG
MGA PANG-ISLAMIKONG TERMINO
Â-dhã Ang anumang uri ng mga nakasasakit na salita o gawaing nagpapahiwatig na siya ay nakahihigit sa iba, o kabilang sa mga maruruming bagay. Mangyari lamang ay tingnan ang karagdagang paliwanag nito sa mga talata 262-264 ng ‘Sûratul Baqarah.’
Ahlul Kitâb Nagtatangan ng mga Kasulatan, bilang pagkilala, bilang pagpapa-alaala sa kanila, tinawag ang mga Kristiyano at mga Hudyo sa Banal na Qur’ân na mga ‘Ahlul Kitâb’ – “O kayo na nagtatangan ng mga naunang Kasulatan.”
Al-`Âlamîn Mga tao, mga ‘Jinn’ at ang lahat ng mga nilalang.
(u) ‘`Alayhis Salâm’ – mga salitang binibigkas pagkatapos banggitin ang sinumang Propeta ng Allâh bilang pagbibigay-galang, na ang ibig sabihin ay: “Nawa’y pagkalooban siya ng Allâh ng kaligtasan sa bawa’t kasamaan, paninirang-puri o di-kaganapan.”
Âmeen Dinggin mo, O Allâh ang aming panalangin.
`Arafat ‘`Arafat’ o ‘`Arafah’ – Isang kilalang lugar na malapit sa Makkah na kung saan ang lahat ng mga ‘Hujaj’ o nagsasagawa ng ‘Hajj’ ay karapat-dapat na manatili roon sa ika-9 ng ‘Dhul Hijjah.’
Asbât ‘Al-Asbât’ – Sila ang mga Propetang ipinadala sa labindalawang Angkan ni Isrâ`îl mula sa mga anak ni Ya’qûb (Jacob u).
Âyât o Âyah Mga katibayan, mga pagpapatotoo, mga babala, mga talata, mga aral, mga rebelasyon, mga palatandaan; at yaong dinala ng Huling Sugo na si Propeta Muhammad (r).
Badr Isang lugar na ang layo ay humigit-kumulang sa 150 Kilometro mula sa timog ng lunsod ng Al-Madinah (Medina). Sa lugar na ito naganap ang kauna-unahang dakilang labanan sa kasaysayan ng Islâm, noong kapanahunan ng Huling Propeta at Sugo na si Muhammad (r), sa pagitan ng mga mananampalataya at mga walang pananampalataya na mga Quraysh.
Barzakh Ang ‘Barzakh’ ay isang partisyon, tabing o harang na nasa pagitan ng ‘Buhay sa Daigdig’ at ‘Buhay sa Araw ng Muling Pagkabuhay.’ Sa katunayan, lima ang yugto na madaraanan sa buhay ng isang tao: Una, ang buhay sa loob ng sinapupunan (o isang ligtas na lugar); Ikalawa, ang buhay dito sa daigdig; ang Ikatlo, ang buhay sa ‘Barzakh;’ ang Ika-apat, ang Buhay sa Araw ng Muling Pagkabuhay; at ang Ikalima, ang Buhay na Walang-Hanggan – sa ‘Al-Jannah’ (Hardin) o sa Impiyernong-Apoy (‘Jahannam’).
Ang ikatlong yugto na buhay sa ‘Barzakh,’ ay nagsisimula sa ‘Oras ng Kamatayan hanggang sa dumating ang Araw ng Muling Pagkabuhay.’ Ang lahat ng taong namatay ay naroon sa lugar na yaon ng ‘Barzakh.’ Naroroon sila hanggang sa dumating ang Araw na ang lahat ay Bubuhayin na Mag-uli. Ito ay isang espirituwal na daigdig, sa lugar na ito, nangingibabaw ang espirituwal nating katauhan kaysa pisikal nating katauhan.
Samantalang habang tayo ay naririto pa sa daigdig, ang pisikal nating katauhan ang siyang nangingibabaw kaysa espirituwal, at sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay bubuhayin tayong muli at ibabalik ang ating kaluluwa sa ating pisikal na katawan, at pantay na iiral ang ating pisikal at espirituwal na katauhan, at wala na tayong kamatayan pagkatapos nito. Kung sino tayo rito sa daigdig ay yaon din tayo sa Kabilang-Buhay.
Bid`ah Mga ginawang pagbabago sa katuruan at pananampalataya ng ‘Deen Al-Islâm’ nang walang pinagbabatayan.
Deen Batas, sistema o pamamaraan ng pamumuhay. Isinalin bilang ‘Relihiyon,’ na kung kaya nabigyan ito ng maling pakahulugan. Sapagkat ang salitang ‘Deen’ ay hindi lamang tumutukoy sa relasyon o pakikipag-ugnayan ng tao sa Lumikha sa kanya, kundi kasama rin sa kahulugan nito ang relasyon o pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa at sa kanyang kapaligiran. Samakatuwid, ito ay isang batas, sistema o pamamaraan ng pamumuhay na ipinagkaloob ng Allâh (I) para sa lahat ng mga nilalang. Ito ang katuruan na dinala ng lahat ng mga Propeta at mga Sugo sa bawa’t henerasyon upang maging pamantayan sa pamumuhay ng tao. Tinatawag ito sa wikang Arabic na ‘Deen Al-Islam:’ ‘Deen’ – na ang ibig sabihin ay batas, sistema o pamamaraan ng pamumuhay, ‘Al-Islâm’ – na ang ibig sabihin ay pagsamba, pagtalima at pagsuko sa Allâh (I); at pagsunod sa Kanyang kautusan. ‘Deen Al-Islâm’ – batas o pamamaraan ng pamumuhay na nababatay sa pagsamba, pagtalima at pagsuko sa Allâh (I); at pagsunod sa Kanyang kautusan.
Sa madaling salita, ang anumang batas, sistema o pamamaraan ng pamumuhay na kaiba kaysa rito, na ang ibig sabihin ay hindi nagmula sa Tagapaglikha, na tao na lamang ang gumawa at nagbalangkas; o katuruan man ng mga naunang Propeta at Sugo subali’t wala na ang mga ito sa orihinal na kaanyuan, dahil sa ito ay binago at dinumihan na; na kung kaya, ang mga ganitong katuruan ay tinatawag nang ‘Deen’ o ‘Relihiyon’ na Gawa ng Tao – ‘Man-made Religion.’ Na ang lahat ng batas o pamamaraan ng pamumuhay na umiiral sa lipunan na salungat sa ‘Deen Al-Islâm’ ay tinatawag na ‘Deen’ o ‘Relihiyon’ na ginawa na lamang ng Tao. Samakatuwid, dalawa ang uri ng ‘Deen:’ ang nagmula sa Tagapaglikha na siyang dinalang katuruan ng lahat ng mga Propeta at Sugo; at ang isa ay ang batas o uri ng pamumuhay na tao na lamang ang siyang nagbalangkas o gumawa nito, na ang ganitong panuntunan ang siyang pinili at pinaiiral ng karamihan ng mga tao sa kanilang lipunan at tunay na iniisang-tabi na lamang ang binalangkas ng Allâh (I) na para sa kanila.
At kapag ang batas na gawa ng tao ang ginagamit na panuntunan sa pamumuhay, ay lalabas na mas matalino pa ang tao kaysa sa Lumikha sa kanya, dahil sa hindi niya pagtangkilik sa “Deen ng Allâh (I)” bilang pamamaraan ng pamumuhay na binalangkas para sa kanya. At sa ganitong kadahilanan, minaliit mismo ng tao ang kanyang sarili at inalisan niya ito ng karapatan; dahil ipinantay niya ang batas na gawa ng tao sa batas ng Allâh (I), na isang kahiya-hiya at paghamak sa bahagi ng tao.
Dhãt Ang pagiging mismo ng Allâh (I) sa Kanyang Sarili ayon sa Kanyang Kamaharlikaan at Kadakilaan.
Dîyah Isang sapat na halaga, bilang kabayaran ng nakapatay sa mga kamag-anak ng napatay, sa kaso na hindi sinasadyang pagpatay; o kapag nagpatawad ang pamilya ng biktima sa kaso na pagpatay nang sadya.
Dzâlimin ‘Dzâlimin’ o ‘Dzâlimun’ – Pang-aapi sa kapwa, sumamba sa mga idolo, rebulto, mga diyus-diyosan at sa iba pa bukod sa Allâh (I); nagsagawa ng mga kasamaan, lumabag sa hangganan, dinaya ang mga sarili sa pamamagitan ng paggawa nila ng mga kasalanan. At ang pinakasukdulan na ‘Dhulm’ (kasamaan) ay ang pagsamba sa iba bukod sa Allâh (I) o paglalagay ng katambal sa pagsamba sa Allâh (I), na tinatawag na ‘Shirk.’
Fitrah Ang ‘Fitrah’ ay tumutukoy sa pang-Islam na Monoteismo –ang dalisay na pagsuko at namumukod-tanging pagsamba sa Kaisahan ng Allâh (I). Inilagay ng Allâh (I) sa bawa’t tao ang ‘Fitrah’ na ito. Sinabi ni Propeta Muhammad (r), (batay sa pagkakasalin ng kahulugan): “Ang lahat ng mga sanggol ay isinilang na nasa kalagayan ng ‘Fitrah,’ pagkatapos ay ginawa lamang sila ng kanilang mga magulang na Kristiyano, Hudyo at Zoroastrianismo.” Sa pagkakapahayag na ito, pinatutunayan na ang bawat isa ay nagtataglay ng likas na katangian sa kanyang sarili – na pagkakakilala at pagkakaalam na mayroong Nag-iisa at Tanging Tagapaglikha ayon sa tamang konsepto nito. Batid ng bawat isa sa atin ang dalisay na pagsamba sa Kaisahan ng Allâh (I). Ang ‘Fitrah’ na ito ay ang likas na ‘Deen’ (o Relihiyon) ng tao, na kasingkahulugan ng salitang Islâm: “Kaya, ituon mo ang iyong mukha (buong sarili) sa tunay na ‘Deen.’ Ang ‘Fitrah’ ng Allâh (I), na sa ‘Fitrah’ na ito ginawa Niya ang tao. Walang pagbabago sa Deen ng Allâh (I): ito ang matuwid na ‘Deen,’ subali’t karamihan sa mga tao ay hindi nakababatid.” Ang Pagkakasalin ng Kahulugan, Qur’ân 30:30.
Fum Mga halaman na ang mga buto o butil ay ginugulay, kinakain o niluluto na tulad ng trigo, bawang at iba pa.
Ghanîmah ‘Ghanîmah’ o ‘Ghanâim’ (Pangmaramihan) – Mga bagay na nakuha sa panahon ng digmaan.
Hadi Isang uri ng hayop (maging ito man ay kamelyo, baka, tupa o kambing) na inaalay sa Allâh (I) ng mga nagsasagawa ng ‘Hajj.’
Hajj Ang literal na kahulugan ng salitang ‘Hajj’ ay ang magtungo sa isang lugar, subalit ang Islamikong kahulugan nito ay paglalakbay sa Makkah [ang kauna-unahang lugar na itinayo nang alang-alang sa Pagsamba sa Allâh (I), isang banal na lugar, tinatawag din itong Tahanan ng Pagsamba sa Allâh I], na nasa kalagayan o pagkakasuot ng ‘Ihrâm’ sa mga buwan ng ‘Hajj’ (ang mga buwan ng ‘Shawwal,’ ‘Dhul Qa`dah’ at ‘Dhul Hijjah’) at pagsasagawa doon ng mga pangrelihiyon na gawain batay sa pamamaraang ipinaliwanag at isinagawa ni Propeta Muhammad (r).
Halal Naaalinsunod sa batas, ipinahihintulot.
Haram Ipinagbabawal, labag sa batas.
Haydh ‘Al-Haydh’ – Buwanang dalaw, ito ay dugong lumalabas sa mga kababaihan, isang natural at likas na nangyayari sa takdang panahon.
Hijrah Ang literal na kahulugan nito ay ‘pangingibang-bayan.’ Ito ay ginagamit sa mga sumusunod:
1.) Ang pangingibang-bayan o ‘hijrah’ ng mga Muslim mula sa bayan ng mga kaaway patungo sa ligtas na lugar dahil sa pang-relihiyon na kadahilanan;
2.) Ang mga kauna-unahang Muslim na nangibang-bayan noong kapanahunan ni Propeta Muhammad (r) mula sa Makkah patungong Abysinnia (na ngayon ay tinatawag itong Ethiopia), na pagkatapos nilang mamalagi roon ng ilang taon na mapayapa ay nagtungo sila sa Al-Madinah;
3.) Ang pangingibang-bayan ni Propeta Muhammad (r) mula sa Makkah patungong Al-Madinah;
4.) At tumutukoy din ito sa taon ng Islamikong kalendaryo, na ang pagbilang nito ay nagsimula mismo sa araw ng pangingibang-bayan ni Propeta Muhammad (r) mula sa Makkah patungong Al-Madinah.
Hudhaybiyyah Isang kilalang lugar na ang layo ay humigit-kumulang sa 16 na kilometro mula Makkah sa daan patungong Jeddah. Sa lugar na ito naganap ang ‘Dhul Hudhaybiyyah’ (ang kasunduan sa lugar ng Hudhaybiyyah), noong ika-6 na taon ng ‘Hijrah’ sa pagitan ni Propeta Muhammad (r) at ng mga ‘Quraysh,’ na siya at ang kanyang mga ‘Sahâbah’ (kasamahan) ay hindi pahihintulutang magsagawa ng ‘`Umrah’ sa taon na yaon.
Ibâdah Isinalin sa wikang Filipino na ‘Pagsamba,’ subali’t napakalawak ang kahulugan nito, saklaw nito ang lahat ng bagay na minamahal ng Allâh (I) at kalugud-lugod sa Kanyang paningin, maging ito man ay sa pamamagitan ng mga pananalita o mga pagkilos, isinasagawa man ito nang lantaran o palihim. Mula sa pagsa-‘Salâh’ hanggang sa pagbibigay ng ‘Zakâh,’ pag-aayuno, pagsasagawa ng ‘Hajj,’ pagiging matapat sa pananalita, pagtupad sa ipinagkatiwala sa iyo; sa pagiging mabuti sa mga magulang, pamilya, asawa at mga anak; sa pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa mga kamag-anak, pagtupad sa pangako, pag-uutos sa pagsagawa ng kabutihan at pagbabawal sa pagsagawa ng kasamaan, pakikipaglaban sa daan ng Allâh (I) laban sa mga walang pananampalataya at mapagkunwari; pagiging mabait at mapagbigay sa mga kapitbahay, mga ulila, mga mahihirap, pulubi at mga taong nangangailangan, sa mga manlalakbay, at maging sa mga hayop; pananalangin, pag-aalaala sa Allâh (I), pagbabasa ng Qur’ân at iba pang mga katulad nito – ang lahat ng mga ito ay mga uri o halimbawa ng mga ‘Ibâdah,’ na tanging isinasagawa nang alang-alang lamang sa Allâh (I), nang walang halong pag-iimbot at pagkukunwari, at hindi pakitang-tao lamang.
Iddah Ang ipinag-utos ng Allâh (I) na itinakdang paghihintay na gagawin ng isang babaing hiniwalayan (diniborsiyo) o nabiyuda (namatayan ng asawa), at pagkatapos ng palugit na ito ay maaari na siyang mag-asawang muli.
Ihrâm Dalawang pirasong kasuotan – damit o telang walang-tahi: ang pang-ibaba ay tinatawag na ‘Izâr,’ ibinabalot ito sa palibot ng baywang (matatakpan ang bahaging itaas ng pusod hanggang sa pababang bahagi ng lampas sa tuhod – ito ang awrah ng mga kalalakihan); at ang pang-itaas naman ay tinatawag na ‘Ridâ`,’ na ibinabalabal sa katawan. Ang kasuotang ito ang isinusuot ng isang magsasagawa ng ‘Hajj’ o ‘`Umrah;’ at nararapat na kasama ang intensiyon sa gagawin niyang pagsusuot ng ‘Ihrâm.’
I ’itikaf Ito ay ang pananatili sa loob ng ‘Masjid’ sa nakatakdang panahon, na kusa at sariling kagustuhan, para sa pagsasagawa ng mga ‘Salâh’ at mga panalangin, na pansamantalang iiwanan ang mga makamundong gawain, nang sa gayon ay mapalapit sa Allâh (I).
Imân ‘Imân’ o ‘Eemân’ – paniniwala at tamang konsepto hinggil sa Kaisahan ng Allâh (I) at sa Kanyang mga Kautusan.
Islâm Ito ang pangalan ng ‘Deen’ (na isinalin bilang Relihiyon) na ipinagkaloob ng Allâh (I) sa lahat ng mga nilikha. Ito ang ipinadala Niya sa bawa’t Propeta at Sugo, sa bawa’t henerasyon, sa bawa’t lipi; na ang kahulugan nito ay pagpapasailalim, pagpapasakop, pagtalima, pagsuko at pagsamba sa Nag-iisang Tunay at Tanging Diyos – ang Allâh (I); at pagsunod sa Kanyang mga kautusan. Ito ang ‘Deen’ ng kauna-unahang taong nilikha Niya, ang ating ninunong si Âdam (u), at ng lahat ng mga Propetang isinugo Niya. Sa Katunayan, ang lahat ng mga isinugo ng Allâh (I) na nauna kay Propeta Muhammad (r), ay Islam din ang kanilang pamamaraan at pamamahayag; at kumikilos din sila nang naaayon sa katuruan ng Islam. Ito ang ginagamit nila bilang uri ng kanilang pamumuhay sa lahat ng antas, situwasyon at aspekto ng kanilang buhay. Hindi lamang ito nauukol sa pakikipag-ugnayan ng tao (o nilikha) sa Lumikha sa kanya, na tinatawag nilang espirituwal na aspekto ng pamumuhay; kundi sakop din nito ang pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa, sa kanyang sarili at sa kanyang kapaligiran: isang kumpletong uri ng pamumuhay, na tinataglay ang batas o sistema sa lahat ng larangan o aspekto ng buhay ng tao (mapa-espirituwal man ito o mapa-materyal), na ang Allâh (I) ang Siyang nagpanukala at naghayag nito sa Kanyang mga Sugo. “Deen Al-Islâm,’ o Relihiyong Islam – ang katawagang nakagawian ng tao.
Jamarah ‘Jamarah’ o ‘Jamarat’ (pangmaramihan) – Ang tatlong nakatayong mga haliging bato, na matatagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Mina. Ang isa sa mga ritwal na gawain sa ‘Hajj’ ay ang pagbabato sa mga nakatayong haliging ito. Ito ay isinasagawa bilang pagsunod sa ipinag-utos ni Propeta Muhammad (r). Sa lugar na ito ng Mina, isinakripisyo ni Ibrâhim (u) ang kanyang anak na si Ismâ`îl (u). Noong sila ay papunta na sa lugar na kung saan niya isasaganap ang pag-aalay sa kanyang anak, nagpapakita ang ‘Shaytân’ sa kanilang dinaraanan at binubuyo silang huwag itong isagawa, at sa tuwing ito ay nagpapakita sa kanila ay binabato ito ni Ibrâhim (u). Eksakto sa lugar na kung saan nagpakita ang ‘Shaytân’ ay matatagpuan ang tatlong nakatayong mga haliging bato; at sa buwan ng ‘Hajj,’ isinasagawa ang pagbabatong ito bilang paggunita sa katapatan at taimtim na pagsunod ni Ibrâhim (u) sa mga ipinag-utos ng Allâh (I). Batid nating sa halip na si Ismâ`îl (u) ang naisakripisyo, ang Allâh (I) ay nagbaba ng tupa upang ito ang maialay ni Ibrâhim (u).
Jannah ‘Al-Jannah’ o ‘Al-Jannât’ (pangmaramihan) – isinalin bilang ‘Paraiso’ subali’t ito ay tumutukoy sa mga hardin o hardin na may mga ilog na umaagos sa ilalim ng mga nagtataasang palasyo at ng mga punong may mga lilim. Ang gantimpalang walang-hanggan sa Kabilang Buhay.
Jinn Kung ang tao ay nilikha sa alabok at ang mga anghel ay nilikha sa liwanag, ang mga ‘Jinn’ naman ay nilikha mula sa apoy. Sila ay hindi nakikita ng mga tao, mayroong mga kalalakihan sa kanila at mayroon ding mga kababaihan, may mga masasama sa kanila at mayroon ding mga mabubuti. Kabilang sa lahi ng mga ‘Jinn’ ay si Iblis (‘Shaytân’) na sumuway sa Allâh (I) – Qur’ân 18:50; na kung kaya, siya ay isinumpa ng Allâh (I). Si Iblis at ang kanyang mga tagasunod ang mga nambubuyo sa puso ng tao, na ang Allâh (I) ay nagbigay ng babala laban sa kanila na sila ang lantarang kaaway ng mga tao. Na gagawin nila ang lahat ng paraan upang maisama nila ang mga tao sa Impiyernong-Apoy, subali’t ang mapupunta lamang sa Impiyerno na kasama nila ay yaong susunod sa panlilinlang ni Iblis (Satanas) at ng kanyang mga tagasunod.
Ka`bah Isang simpleng kubikong (anim na magkakasinglaking gilid na kuwadrado) istraktura, ang pinakauna o pinakamatandang istrakturang itinayo nang alang-alang sa pagsamba sa Allâh (I). Tinatawag din itong ‘Baytullâh’ – ang Tahanan ng Pagsamba sa Allâh (I).
Khâsi`in ‘Al-khâsi`in’ o ‘Al-khâsi`un’ – ang mga tunay na mananampalataya sa Allâh (I), yaong mga sumunod sa Allâh (I) na may ganap na pagsuko at pagtalima, na hinahangad ang mga biyaya at kagandahang-loob mula sa Kanya, na may labis na pagkatakot mula sa Kanyang kaparusahan, at naniniwala sa Kanyang Pangako na ‘Al-Jannah’ (Hardin) at sa Kanyang babala na Impiyernong-Apoy.
Kufr Ang pagtanggi sa katotohanan, ang pagtanggi sa Allâh (I), at sa Kanyang mga Propeta at Sugo, sa lahat ng mga Anghel, sa lahat ng mga Banal na Aklat, sa Araw ng Muling Pagkabuhay at sa ‘Al-Qadar’ – ang pagkakatakda ng lahat ng bagay sa tamang sukat.
Mahr Isinalin bilang dote, na ibinibigay sa mapapangasawang babae bilang regalo at pagpapahalaga sa kanya sa oras ng kanilang kasal. Ito ay hindi para sa mga magulang o kapatid kundi para sa babaing pakakasalan, gayon pa man, kung nais niya itong ibigay sa kanyang mga magulang o di kaya ito ay itabi niya, walang sinuman ang maaaring manghimasok dahil sa ito ay karapatan niya.
Manâsik Ang mga gawain sa ‘Hajj’ at ‘`Umrah’ na tulad halimbawa ng pagsusuot ng ‘Ihrâm’ – dalawang uri ng kasuotang pang-ibaba at pang-itaas na kadalasan ay kulay puti at walang tahi; pagsasagawa ng ‘Tawâf’ o pag-ikot sa ‘Ka`bah;’ pagsasagawa ng ‘Sa`ey’ o paglalakad (pagpaparoon at pagpaparito) sa dalawang maliliit na bundok ng ‘As-Safa’ at ‘Al-Marwah;’ pananatili sa lugar ng ‘`Arafat,’ ‘Muzdalifah’ at ‘Mina;’ ‘Ramy’ o pagbabato sa mga ‘Jamarat;’ pagkatay ng ‘Hadi’ o pagsasakripisyo ng hayop; at iba pa.
Mash`ar Al-Harâm (Muzdalifah) – Isang kilalang lugar na malapit sa Makkah, na kung saan ang mga ‘Hujaj’ o nagsasagawa ng ‘Hajj’ ay tumitigil at nananatili sa lugar na yaon nang magdamagan (natutulog sa lugar na yaon) o mahabang bahagi ng gabi sa ika-10 ng buwan ng ‘Dhul Hijjah.’
Maqâm Ibrâhîm Ang batong pinagtuntungan ni Propeta Ibrâhîm (u) habang itinatayo nila noon ng kanyang anak na si Propeta Ismâ`îl (u) ang ‘Ka`bah,’ na bumakat doon ang mga bakas ng kanyang mga paa. Ito ay matatagpuan sa ngayon, ilang agwat sa harapan ng pintuan ng ‘Ka`bah.’
Maytah ‘Al-Maytah’ – mga hayop na hindi kinatay ayon sa batas ng Islam. ‘Double-dead Animal’ – patay na hayop, at pagkatapos ay kinatay pa rin para kainin.
Mihrâb ‘Al-Mihrâb’ – isang lugar na dasalan o isang pribadong silid.
Mina Isa sa mga lugar na tinitigilan ng mga nagsasagawa ng ‘Hajj.’ Ang lugar na yaon ay matatagpuan sa labas ng Makkah patungong ‘`Arafat,’ walong kilometro mula sa Makkah at labing-anim na kilometro naman mula sa ‘`Arafat.’ Sa lugar na yaon isinakripisyo ni Ibrâhîm (u) ang kanyang anak na si Ismâ`îl (u), na kung saan ginugunita ng mga Muslim ang kanyang katapatan at pagiging masunurin sa Allâh (I), taun-taon sa buwan ng ‘Hajj.’
Muhâjirin Ang sinuman sa mga naunang Muslim na nangibang-bayan mula sa alinmang lugar patungong Al-Madinah, noong kapanahunan ni Propeta Muhammad (r) bago nasakop ang Makkah; kabilang din sa kahulugan nito ang isa na nangibang-bayan nang alang-alang sa Allâh (I), at ang isa na tinalikuran ang lahat ng bagay na ipinagbawal ng Allâh (I).
Mushrikûn ‘Mushrikin’ o ‘Mushrikûn’ (mga kababaihan at kalalakihan), ‘Mushrik’ (isang lalaki), ‘Mushrikah’ (isang babae), ‘Mushrikât’ (mga kababaihan) – ang nakagawa ng pagkakasala na ‘Shirk;’ naglagay ng katambal sa pagsamba sa Allâh (I); sumamba sa mga idolo, santo, rebulto, imahen, mga diyus-diyosan, mga inanyuang bagay, mga tao, mga propeta at iba pa; mga pagano; hindi naniwala sa Kaisahan ng Allâh (I) at sa Kanyang Sugong si Propeta Muhammad (r). Lahat ng mga nagsagawa ng ‘Shirk,’ na namatay nang hindi nakapagsisi at hindi itinuwid ang mga sarili mula sa mga ‘dhulm’ (sukdulang kasamaan) na ito, ay mananatili sa Impiyernong-Apoy magpasawalang-hanggan.
Muslim Sinuman ang naniwala sa mensaheng dinala ng Propeta o Sugo, sa kapanahunang siya ay nasasakupan ng Propeta o Sugong yaon, na ang ibig sabihin ay naniwala siya at gumawa ng kabutihan, na isinuko niya ang kanyang buong sarili sa kagustuhan ng Allâh (I), na ang Allâh (I) lamang ang bukod-tangi niyang sinamba at pinaglingkuran at hindi siya naglagay ng katambal sa pagsamba sa Kanya (Allâh I), at sinunod niya ang Sugong ipinadala sa kanila sa kanyang kapanahunan – ang taong gagawa o gumawa nito ay tatawaging isang ‘Muslim.’ Ito ang talagang kahulugan ng salitang ‘Muslim’ – isinuko ang buong sarili sa Allâh I at gumawa ng kabutihan.
Hindi tao ang siyang nagpangalan nito, kundi ang Nag-iisang Tagapaglikha, ang Allâh (I) mismo ang Siyang nagbigay ng katawagan na ‘Muslim’ sa lahat ng mga mananampalataya, kahit na noong una pa man, batay sa pagkakasaad ng huling Aklat na Qur’ân: “Walang iba kundi Siya (Allâh I) ang nagpangalan sa inyo na mga Muslim noon at sa (Qur’ân) na ito, upang ang Sugo (na si Muhammad r) ang maging saksi sa inyo at kayo (naman) ay maging mga saksi sa sangkatauhan! ” (Ang pagkakasalin ng kahulugan, Qur’ân 22:78).
Sa madaling salita, ang lahat ng sumunod sa mga naunang Propeta at Sugo ay tinatawag na mga ‘Muslim,’ maging ang mga Propeta at Sugo ay ‘Muslim’ din ang katawagan sa kanila. Samakatuwid, ang salitang ‘Muslim’ ay hindi lamang patungkol sa henerasyon sa ngayon; kundi ito ay patungkol din sa lahat ng naunang mga taong sumunod sa kani-kanilang mga Propeta at Sugo sa kani-kanilang kapanahunan. Ang salitang ‘Muslim’ ay hindi maaaring itawag sa mga hindi nagsa-Salah at hindi sumusunod sa kautusan ng Allâh (I) at sa katuruang dinala ng Kanyang Sugo.
Hindi dahil sa ‘Muslim’ ang mga magulang nila ay ‘Muslim’ na silang matatawag, gayong gumagawa naman sila ng kasamaan at lumalabag sa katuruan --- hindi! Upang maging ‘Muslim’ ang isang tao, ay isasagawa niya ito at ipamumuhay. Isusuko niya ang kanyang buong sarili sa kagustuhan ng Allâh (I) (na ang ibig sabihin ay maniniwala siya sa Tunay na ‘Deen’) at gagawa siya ng mga kabutihan – ito ang ganap na kaligtasan.
Muttaqûn ‘Al-Muttaqûn’ o ‘Al-Muttaqin’ – mga taong matatapat, relihiyoso/relihiyosa, na kinakatakutan nang labis ang Allâh (I) sa pamamagitan ng pag-iwas sa lahat ng uri ng mga kasalanan at masasamang gawain na Kanyang ipinagbawal, at labis-labis na minamahal ang Allâh (I) sa pamamagitan ng paggawa sa lahat ng mga uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-utos.
Qadar, Layl ‘Laylatul Qadar’ – Ang gabi ng ‘Al-Qadar’ ay tumutukoy sa pinakadakilang gabi, pinili, pinarangalan at katangi-tanging gabi mula sa buwan ng Ramadhan. Ang gabi ng ‘Al-Qadr’ ay higit pa kaysa sa isang libong buwan – (ang pagsamba sa Allâh I sa gabing yaon ay higit pa ang katumbas kaysa sa isang libong buwan ng pagsamba sa Kanya – mga 83 taon at 4 na buwan). Sa gabing yaon ay bumaba ang mga anghel at ang ‘Ruh’ (si Anghel Jibril u) sa kapahintulutan ng Allâh I kasama ang lahat ng mga kapasiyahan sa taong yaon.
Qiblah Ang dako o direksiyon na kung saan humaharap ang mga Muslim sa tuwing sila ay magsasagawa ng Salah.
Rabb Ang salitang ‘Ar-Rabb’ ay isa sa mga katangian ng Allâh (I), at ito talaga ang aktuwal na salitang ginamit sa Banal na Qur’ân. Magkagayunpaman, sa lengguwaheng Filipino, walang angkop na salita ang maaaring itumbas upang maging kasingkahulugan ng salitang ‘Rabb.’ Ito ay mangangailangan pa ng lubos na pagpapaliwanag upang maunawaan ito at di-mabigyan ng limitadong kahulugan. Ang ibig sabihin nito: ang Allâh (I), Siya ang Nag-iisa at Tanging Panginoon ng lahat ng bagay, ng mga kalangitan at kalupaan, at ang lahat ng nasa pagitan ng mga ito, Siya ang Tagapaglikha, ang Nagmamay-ari ng lahat, ang Hari, ang Pinakama-kapangyarihan, ang Tagapamahala, ang Tagapangalaga, ang Tagapagkaloob, ang Tagapagpanatili, ang Tagapagtustos, ang Tagapagtatag, ang Pinakamapagmahal, ang Tagapagbigay ng kasiguruhan at iba pa. Kung kaya, hindi makatarungang isalin lamang ito sa salitang ‘Panginoon’ o ‘Lord ’ dahil sa mag-iiba ang kahulugan nito, na nagiging sanhi tuloy ng pagsamba ng ibang tao sa hindi talagang tunay na dapat sambahin. Kaya’t iminumungkahi sa lahat na panatilihin ito sa orihinal nitong salita.
Raka`h Ang ‘Salâh’ (o pagdarasal) ng mga Muslim ay binubuo ng mga ‘Raka`t.’ Sa Singgular o Pang-isahan, ito ay tinatawag na ‘Raka`h’– isang yunit ng ‘Salâh’ na binubuo ng isang pagtayo, isang pagyuko at dalawang pagpapatirapa.
Sahâbah Ang mga taong nakaharap at nakasama ni Propeta Muhammad (r), sumunod at naniwala sa kanya at namatay bilang isang mananampalataya.
Salâh Ang salitang Arabic na ‘Salâh’ (na isinalin sa wikang Filipino na Pagdarasal), sa literal na kahulugan nito ay ‘panalangin’ o ‘paghingi ng kahilingan.’ Ang Islamikong kahulugan nito ay ang pagsamba at pagluwalhati sa Allâh (I) sa pamamagitan ng partikular na mga salita at mga pagkilos, na nagsisimula sa pagsabi ng ‘Takbîr’ – ‘Allâhu Akbar’ (Ang Allâh ang Pinakadakila) at nagtatapos sa pamamagitan ng pagsabi ng ‘Taslîm’ – na ito ay ‘As-salâmu `alaykum wa rahmatullâhi wa barakâtuh.’ (ang kapayapaan, habag at mga biyaya ng Allâh ay sumainyo). Ang mga pagsa-‘Salâh’ na ito ay para lamang sa Allâh (I), na tanging ang Allâh (I) lamang ang Siyang may karapatan sa mga panalangin, na ang hangarin ay upang Luwalhatiin Siya. Ang lahat ng ating mga ginagawa ay para lamang sa Kanya: ang pag-aalay o pagsasakripisyo ay nararapat na gawin lamang para sa Pangalan ng Allâh, ang kawanggawa na ginagawa natin ay para lamang sa kaluguran ng Allâh (I), at ang pagpupunyagi o pakikipaglaban sa daan patungo sa Allâh (I) ay para lamang sa ‘Deen’ ng Allâh (I).
Salâtul Khawf Isang uri ng ‘Salâh’ na isinasagawa sa oras ng labanan o pagkatakot.
(r) Sal-lal-lâ-hu ‘a-lay-hi wa sal-lam: Ang ‘Salâh’ at ‘Salâm’ ng Allâh (I) sa Kanyang Propetang si Muhammad (r) – ang ‘Salâh’ ng Allâh (I) para kay Propeta Muhammad (r) ay ang Pagpuri Niya sa Propeta sa mga anghel na malalapit sa Kanya; na Siya, ang Allâh (I) ang Kataas-taasan, ay nasa ibabaw ng Kanyang ‘Arsh (ang Trono ng Allâh na angkop sa Kanyang Kamaharlikaan), na nasa itaas ng ikapitong kalangitan. At gayundin ang mga anghel, siya (r) – ang Propeta ay pinupuri rin ng mga ito. At ang hinggil naman sa ‘Salâm’ ng Allâh (I) ay ang Kanyang pangangalaga sa Propeta (r) mula sa kakulangan at anumang uri ng kasamaan. At kapag sinabi ng isang Muslim na (r) (Sal-lal-lâ-hu ‘a-lay-hi wa sal-lam), hinihiling niya sa Allâh (I) na ipagkaloob ang Kanyang Pagpuri at Katiwasayan kay Propeta Muhammad (r).
Shahid Namatay nang alang-alang sa Allâh (I).
Shirk Ang paglalagay ng katambal sa pagsamba sa Allâh (I) o paglalagay ng mga banal na katangian sa iba bukod sa Allâh (I), gayong ang mga banal na katangiang ito ay nauukol lamang sa Allâh (I). Sumamba sa mga idolo, santo, rebulto, imahen, mga diyus-diyosan, mga inanyuang bagay, mga tao, mga propeta at iba pa; mga pagano; nagturing na ang Allâh (I) ay mayroong anak, o kabilang sa tatlong persona, o may asawa; gumamit ng agimat, naniwala sa mga pamahiin, nagsagawa ng ‘magic’ o salamangka, naniwala sa mang-huhula, ‘horoscope,’ guhit ng palad, ‘chain letters,’ naniniwala na ang galaw ng mga bituin ay may kinalalaman o nakaka-apekto sa buhay ng tao at iba pa na mga katulad nito.
Nag-alay ng pagkain sa mga diyus-diyosan, rebulto, santo at iba pa na mga katulad nito – ang tinatawag na pag-aatang. Gumagamit ng tagapamagitan na tulad ng: pangungumpisal; o di kaya ay pinapadaan sa mga rebolto, santo, o imahen, o sa mga patay, ang mga kahilingan o panalangin; o di kaya ay kapag nagdarasal sinasabi sa duluhan ng panalangin na, sa pamamagitan o pangalan ni ganito o ganoon.
Paniniwala na ang pinagmumulan ng kapangyarihan, kapinsalaan, kagandahang-loob at mga biyaya ay mula sa iba bukod sa Allâh (I).
Lahat ng mga nagsagawa ng ‘Shirk,’ na namatay nang hindi nakapagsisi at hindi itinuwid ang mga sarili mula sa mga ‘dhulm’ (sukdulang kasamaan) na ito, ay mananatili sa Impiyernong-Apoy magpasawalang-hanggan.
Sihr Tumutukoy ito sa lahat ng mga sangay ng madyik (mahika), kasama rito ang pagsasalamangka, panggagayuma, pangkukulam, panghuhula at iba pa na mga kauri nito.
(I) ‘Sub-hâ-na-hu wa ta’âla’– Luwalhati sa Allâh (I) ang Ligtas sa lahat ng mga di-kaganapan, at ang Kataas-Taasan.
Sujud ‘As-Sujud’ – isang kaayusang nakapatirapa, na ang noo, ilong, mga palad ng dalawang kamay, ang mga tuhod at ang mga daliri ng dalawang paa ay nakalapat sa lapag.
Sunnah Mga naaalinsunod na pamamaraan o mga pamamaraan, mga pag-aatas, mga sinang-ayunan, mga uri ng pagsamba at mga pananalita ni Propeta Muhammad (r) na naging pamantayan ng mga Muslim sa pagsunod.
Tabâraka Ang Kabanal-Banalan at ang Kataas-Taasan.
wa Ta`ala
Talbîyah “Lab-bay-kal lâ-hum-ma lab-bayk! Lab-bay-ka lâ sha-ree-ka laka lab-bayk. In-nal ham-da wan-ni`mata, laka wal mulk, lâ sha-ree-ka lak.” Ang pagkakasalin ng kahulugan: “Narito ako bilang pagtugon sa ipinag-utos Mo, O Allâh; Narito ako bilang pagtugon sa Iyong panawagan at Narito ako na hindi nagtatambal sa pagsamba ng sinuman sa Iyo, naririto ako; katiyakan ang pagpupuri, ang biyaya at ang kaharian ay sa Iyo lamang; at wala Kang katambal sa pagsamba sa Iyo.”
`Uhud Isa sa mga kilalang bundok sa Al-Madinah, na kung saan sa paanan ng bundok na ito naganap ang dakilang labanan sa kasaysayan ng Islamiko. Ang labanang ito ay tinawag na ‘Ghaswah `Uhud’ – ang labanan sa `Uhud.
`Umrah Ang paglalakbay patungong Makkah – ang banal na lugar, upang isagawa ang ‘Tawâf’ o pag-ikot sa paligid ng ‘Ka`bah’ at pagsasagawa ng ‘Sa`ey’ o paglalakad (pagpaparoon at parito) sa dalawang maliliit na mga bundok ng ‘As-Safa’ at ‘Al-Marwah.’ Ito ay isinasagawa sa anumang oras sa buong taon. Ang ‘`Umrah’ ay tinatawag ding ‘Lesser Pilgrimage’ sa wikang Inggles.
Zakâh Sa Islamikong kahulugan, ang ‘Zakâh’ ay karapatan ng Allâh (I) sa kayamanan ng mga Muslim. At kung sa pang-agham na wika naman, ito ay may dalawang kahulugan. Kapwa ito nangangahulugan ng pagpapakadalisay at pagpapaunlad. Pagpapakadalisay, sapagkat ang ating mga kayamanan ay nililinis sa pamamagitan ng paglalaan ng bahagi nito para sa mga dukha at sa mga nangangailangang itinakda ng Islâm. Pagpapaunlad, sapagkat ang kahalintulad nito ay ang pagtagpas sa sanga ng halaman na nagiging sanhi ng pag-usbong ng panibagong mga sanga upang ito ay lalong yumabong, sa kapahintulutan ng Allâh (I), ang Kataas-taasan at malaya mula sa lahat ng di-kaganapan.
________________________________________
[1]‘As-Sajdah’ – Isinaling pagpapatirapa na ito ay binubuo ng paglapat ng noo sa lapag kasama ang dulo ng ilong, mga palad ng dalawang kamay, dalawang tuhod at mga daliri ng magkabilang paa.
[2]Upang mapanatili ang tunay na kahulugan nito at ng ilan pang mga salita, minabuti namin na panatilihin ang mga ito sa orihinal na ‘Arabic’ at ipinaliwanag na lamang namin ang ibig sabihin ng mga ito; na kung kaya, mangyari lamang na tingnan ang kahulugan ng salitang ito at ng iba pa, sa Talatinigan na nasa duluhan ng babasahing ito o di kaya ay nasa ikalawang tomo (vol. II).
[3]Tulad halimbawa ng salitang ‘Rabb’ – Ang salitang ‘Ar-Rabb’ ay isa sa mga katangian ng Allâh (I), at ito talaga ang aktuwal na salitang ginamit sa Banal na Qur’ân. Magkagayunpaman, sa lengguwaheng Filipino, walang angkop na salita ang maaaring itumbas upang maging kasingkahulugan ng salitang ‘Rabb.’ Ito ay mangangailangan pa ng lubos na pagpapaliwanag upang maunawaan ito at di-mabigyan ng limitadong kahulugan. Ang ibig sabihin nito: ang Allâh (I), Siya ay Nag-iisa at Bukod-Tanging Panginoon ng lahat ng mga nilalang, ng mga kalangitan at kalupaan, at ang lahat ng nasa pagitan ng mga ito, Siya ay Tagapaglikha, ang Nagmamay-ari ng lahat, ang Hari, ang Pinakamakapangyarihan, ang Tagapamahala, ang Tagapangalaga, ang Tagapagkaloob, ang Tagapagpanatili, ang Tagapagtustos, ang Tagapagtatag, ang Pinakamapagmahal, ang Tagapagbigay ng kasiguruhan at iba pa. Kung kaya, hindi makatarungang isalin lamang ito sa salitang ‘Panginoon’ o ‘Lord ’ dahil sa mag-iiba ang kahulugan nito, na nagiging sanhi tuloy ng pagsamba ng ibang tao sa hindi talagang tunay na dapat sambahin. Kaya’t iminumungkahi sa lahat na panatilihin ito sa orihinal nitong salita.
[4]Ang nakapaloob sa panaklong na pangalan – (Hesus u) – ay ginamit upang maipabatid at maging malinaw sa mga mambabasa na ang tinutukoy sa paksang ito ay siya na kagalang-galang. Sa katotohanan, walang layunin na isalin o baguhin ang orihinal niyang pangalan (`Isã u) dahil sa ito ay isang Banal na Kapahayagan, na ang mismong nagpangalan nito sa kanya ay ang Tagapaglikha, na ito ay bilang dakilang pagpaparangal sa kanya ng Allâh (I); at ganoon din, bilang labis-labis na paggalang ng mga Muslim sa kanya, sa paghirang sa kanya ng Allâh (I) at pagpili sa kanya bilang isa sa mga dakilang Sugo Niya, at sa mataas na antas na kanyang kinabibilangan sa Pananampalatayang Islâm; at maging ng kanyang kagalang-galang na ina at ng kanyang lahi na pinagmulan.
Bagama’t hindi ito ang nakasanayan na katawagan sa kanya sa labas ng Islâm at hindi rin ito batid ng halos lahat ng hindi Muslim sa buong daigdig, subali’t dapat isaalang-alang na hindi maaaring baguhin ang isang tunay na pangalan at Banal na Kapahayagan lalo pa’t ang nagpangalan nito sa kanya ay ang mismong Tagapaglikha, dahil ito’y mangangahulugan ng pagbabago at paglabas sa Tunay na Katuruan; kawalan ng tunay na paggalang sa dakilang Sugong nabanggit at isang malaking pagkakasala dahil paglapastangan sa Salita ng Tagapaglikha na hahantong sa masidhi at walang-hanggang kaparusahan sa Kabilang-Buhay.
Samakatuwid, gayundin ang ginawang panuntunan sa lahat ng pangalan ng mga Propeta at Sugo, at sa iba pang pangalan; matutunghayan kung gayon na may kasunod din itong pangalan na nakapaloob sa panaklong.
[5]Isa pang halimbawa, ‘Al-Jannah’ – isinaling Paraiso na ito ay tumutukoy sa Hardin na may umaagos na mga ilog sa ilalim ng nagtataasang Palasyo at mga punungkahoy na may malawak na mga lilim.
5Ang naunang nasyon - Ang naunang Nasyon ay tumutukoy sa mga Hudyo.
6Ang sumunod - Ang sumunod na Nasyon pagkatapos nila ay tumutukoy sa mga nag-aangking tagasunod ni `Îsã (u) na nasa labas ng Islâm.
[8]Mangyari lamang ay tingnan ang mga kapaliwanagan ng salitang ito sa talatinigan na nasa duluhan ng Aklat na ito.
7Sa simula kasi, ang mga Muslim noong kapanahunan ni Propeta Muhammad (r), sa tuwing sila ay magsa-‘Salâh,’ nakaharap sila sa direksiyon (‘Qiblah’) tungo sa ‘Baytul Maqdis’ (Falisteen). Subali’t noong ibinaba ang Rebelasyon hinggil sa direksiyon ng pagharap patungo sa Makkah ay ibinaling nila ang ‘Qiblah’ na kanilang hinaharapan patungo sa direksiyon ng Makkah.
8Ang ibig sabihin nito, yaong nag-utos sa kanila na sumamba sa iba bukod sa Allâh (I) ay itatanggi nila ito, sasabihin nila na hindi namin sila inutusan na sumamba sa iba.
9Ang tinutukoy dito na matinding pangangailangan ay kapag ang isang tao ay nasa isang lugar o disyerto (hal.), at pagkatapos ay walang pagkain maliban sa mga ito at mamamatay siya kapag hindi siya nakakain; samakatuwid, sa ganitong kalagayan, ipinahihintulot sa kanya ang kumain ng mga ito, magkagayunpaman ang layunin ay hindi para mabusog kundi upang makaligtas lamang sa kamatayan, na hindi niya lalampasan ang hangganang ipinahintulot ng Allâh (I) sa kanya. Ito ang isa sa mga halimbawa ng ibig sabihin ng ‘kapag ang isang tao ay napaharap sa isang matinding kalagayan o pangangailangan.’
10Bawal ang makipagtalik sa asawa noon sa gabi ng buwan ng Ramadhan, subali’t ito ay nilalabag nila noong bago pa sila sa Islâm. Magkagayunpaman ay pinatawad sila ng Allâh (I) at pinagaan sa kanila ang mga bagay na ito, na kung kaya, ipinahintulot ito ng Allâh (I) [sa gabi ng pag-aayuno].
11Fitnah – Ang kahulugan ng ‘Fitnah’ sa talatang ito ay tumutukoy sa pagiging ‘Kufr’ (pagtanggi), paglabag, paglalagay ng katambal sa pagsamba sa Allâh (‘Shirk’) at pagharang sa Daan ng Katotohanan.
[14]Sa sinumang nais manalangin nito ay ganito ito bibigkasin o babasahin sa wikang ‘Arabic:’ “Rab-ba-nã a-a-tinâ fîd-dun-yâ ha-sa-nah, wa fîl-â-khi-ra-ti ha-sa-nah, wa qi-nâ a-dhâ-ban-nâr.”
15Dumating – Lahat ng inihayag sa Aklat ng Allâh (I) na Al-Qur’ân hinggil sa mga ‘siffât’ (صفات) – ‘mga katangian ng Allâh’ (تعالى - ang Kataas-taasan) – na tulad ng Kanyang pagdating, ang Kanyang pagparoon sa ibabaw ng Kanyang ‘`Arsh’ (na isinalin bilang Trono), ang Kanyang Mukha, mga Mata, mga Kamay, mga Paa, mga Lulod at iba pa bilang Kanyang mga katangian. At sa lahat ng sinabi ng Sugo ng Allâh mula sa mga tunay na mapapanaligang ‘Ahâdîth’ (mga pagsasalaysay), tulad ng Kanyang katangian na ‘Nuzûl’ (نزول ), ang Kanyang pagbaba, ang Kanyang pagtawa at iba pa. Ang mga katangiang nabanggit ay naaangkop lamang sa Kanyang Kadakilaan, Kamaharlikaan, at sa Kanyang pagiging Bukod-Tangi at Nag-iisang Tagapaglikha.
Ang lahat ng mga katangiang ito ay angkop na angkop lamang sa Allâh (I) nang wala Siyang nakakahalintulad na kahit na alinman sa Kanyang mga nilikha. Sinabi ng Allâh (I) sa Qur’ân:
“...Siya ay walang katulad at walang maihahambing sa Kanya mula sa anuman na Kanyang mga nilikha, at Siya ay ‘As-Samee`’ – ang Ganap na Nakaririnig, na ‘Al-Baseer’ – ang Ganap na Nakakikita...” (ang pagkakasalin ng kahulugan, Qur’ân 42:11); “At kailanman ay walang maihahalintulad sa Kanya.” (ang pagkakasalin ng kahulugan, Qur’ân 112:4).
Ang mga paham o pantas na pangrelihiyon ng Qur’ân at ‘Sunnah’ ay naniniwala sa mga katangiang ito at pinagtibay na ang mga ito ay tunay Niyang Katangian:
a.] Nang hindi ito binibigyan ng ‘Ta`wîl’ (تأويل) o ‘Tahrîf ’ (تحريف) - nang hindi ito pinakahuhulugan ng ibang bagay. Na tulad halimbawa ng pagkakalikha ng Allâh (I) kay Âdam (u) sa pamamagitan ng Kanyang kamay, hindi maaaring alisin ang katangian na Siya ay nagtataglay ng Kamay, at pagkatapos ay bibigyan ng ibang pakahulugan at sasabihin na ito ay sumasagisag sa kapangyarihan. Siya ay nagtataglay ng Kamay at kung papaano ito, ito ay batay sa Kanyang Kadakilaan at Kamaharlikaan.
b.] Nang hindi ito ginagawan ng ‘Tashbîh’ ( تـشـبيه) – nang hindi binibigyan ng pagkakatulad o pagkakahawig sa alinman sa Kanyang mga nilikha. Hindi maaari na ang Kanyang mga katangian ay katulad ng alinman sa Kanyang mga nilikha, sapagka’t Siya ay walang katulad: “At walang sinuman ang maihahambing sa Kanya.”
k.] Nang hindi sinasabi na ito ay ‘Ta`atil’ (تعطيل ) – ganap na ipagsasawalang-bahala ang Kanyang mga katangian na tulad halimbawa ng pagtanggi na Siya ay may Mukha at iba pa.
d.] Nang hindi tinatanong ang pagiging paano o ‘Takyîf’ (تكييف) nito, dahil kung paano ito nagaganap, ay batay lamang sa kadakilaan ng Allâh (I) at sa Kanyang kamaharlikaan.
13Ang mga Sagradong Buwan ay Buwan ng ‘Rajab,’ ‘Dhul Qa`dah,’ ‘Dhul Hijjah’ at ‘Muharram.’
[17]Na ito ay kalimutan niya sa pakahulugan na para siya ay makagawa ng kabutihan at hindi ito ang maging hadlang, at pagkatapos ay pagpupunan niya ang anumang panumpaan sa Allâh (I) na hindi niya natupad.
15Ang pagpupunan na gagawin sa hindi natupad na panumpaan sa Allâh (I) ay sa pamamagitan ng pagpapakain ng sampung mahihirap o di kaya ay ibili sila ng mga damit o di kaya ay sa pamamagitan ng pagpapalaya ng isang alipin. Gayunpaman, kung hindi niya magagawa ang alinman sa mga ito, maaari na lamang siyang mag-ayuno ng tatlong araw at mangako siya pagkatapos nito na hindi na niya ito babalikan pa.
16Hindi na siya magiging ‘Halâl’ sa kanya – na ang ibig sabihin nito ay hindi sila maaaring magkabalikan bilang mag-asawa hanggang hindi nakapag-aasawa ng iba ang babae. Ito ay bilang aral sa mga kalalakihan, nang sa gayon ay mapahalagahan nila ang mga salita na kanilang binibitiwan.
20Tumutukoy sa mga sumunod sa Allâh (I) at naniwala sa Kanya.
21Tumutukoy sa mga lumabag sa kagustuhan ng Allâh (I), nagtambal o sumamba ng iba bukod sa Kanya.
22Ang Allâh (I) ay nagtataglay ng ganitong katangian na batay sa Kanyang Kadakilaan at Kamaharlikaan. Para sa karagdagang kaalaman, mangyari lamang ay tingnan ang ilang paliwanag hinggil sa mga katangian ng Allâh (I) sa Talata bilang 210, footnote (o talababa) bilang 14, pahina 67-68.
[23]Bagama’t maaari itong sabihin sa anumang wika na nais, magkagayunpaman, sa sinumang nais itong sabihin sa wikang ‘Arabic’ ay ganito ito bibigkasin: ‘Rab-ba-nã in-na-nã â-man-nâ fagh-fer-la-nâ dhu-nu-ba-nâ wa qi-nâ `a-dhâ-ban-nâr.’
[24]Ito talaga ang tunay niyang pangalan – Maryam – subali’t nakagawian na siya ay tawaging Maria.
25Isa sa mga natatanging himala ang pagkakalikha kay `Îsã (Hesus u).
26Ang pamamaraan na ginawa nila upang mabatid kung sino ang mangangalaga kay Maryam ay nagpaligsahan sila: itinapon nila ang kanilang mga panulat na may pangalan na nakasulat sa mga ito sa ilog ng Jordan, at ang panulat na hindi aanurin ng tubig ang magwawagi, at ang hindi inanod na panulat ay ang kay Zakariyâ, na kung kaya, sa kanya napunta ang pangangalaga.
[27]Pinupuri, niluluwalhati at dinadakila.
[28] ‘Janabah’ – katulad ng nakipagtalik o kahit na hindi nakipagtalik subali’t mayroong lumabas na semilya na tulad halimbawa ng sa ‘wet dream.’
[29]Ang isang pamamaraan ng pagsasagawa nito ay idadampi ang mga palad ng kamay sa alikabok at pagkatapos ay ipapahid sa mukha ng isang beses at sa magkabilang kamay.
[30]Na ito ay ang kanyang mga naiwang batas at mga alituntunin ng buhay.
[31]Ito ay tumutukoy noong kapanahunan ni Propeta Muhammad (r) na kakaunti pa lamang sila at mahihina sa Makkah.
[32]Naitala ni Ibn Abi Hatim na sinabi ni Ahmed bin Sinan Al-Wasiti na narinig niya si Shadh bin Yahya na nagsabi hinggil sa pahayag ng Allâh (I) na: “At Kanyang Salita, na Kanyang ipinagkaloob kay Maryam at isang Espiritu na (Kanyang nilikha o) mula sa Kanya;” na ang paliwanag hinggil dito, na si `Îsã (Hesus u) ay hindi mismo ang salita, kundi dahil sa salita o pag-aatas na ‘kun fayakun,’ siya ay naging si `Îsã (u). (Tafseer Ibn Katir, Tomo (Volume) 3, pahina 58)
[33]Ang ganitong katawagan na ‘Espiritu ng Allâh’ (Ruhullâh) ay pagpaparangal ng Allâh sa bagay na yaon na Kanyang nabanggit, at hindi ito mismo ang Allâh o kabahagi Niya na tulad ng maling pag-angkin ng mga Krisitiyano. Ang ibig sabihin nito ay ‘Espiritu na pagmamay-ari o nilikha ng Allâh (I),’ na tulad halimbawa ng salitang ‘Baytullâh’ (ang Tahanan ng Allâh, na ito ay yaong nasa Makkah), hindi ibig sabihin nito na dahil sa ang Makkah ay tinawag na Tahanan ng Allâh, ay nandoon na mismo ang Allâh. Hindi! Kundi bilang pagpaparangal sa bagay na yaon, na ang ibig sabihin ay ‘Tahanan ng pagsamba sa Allâh.’ Na tulad halimbawa ng pahayag na: “Ito ay babaing-kamelyo ng Allâh na ipinagkaloob kay Propeta Saleh (u),” na ang ibig sabihin nito, ito ay babaing-kamelyo na nilikha ng Allâh o pagmamay-ari Niya, o isang palatandaan mula sa Kanya. Na samakatuwid, ang mga ganitong katawagan ay nangangahulugan ng pagpaparangal ng Allâh sa mga bagay na yaon, kung ito ay ipinatutungkol sa Kanya sa mga ganitong kaparaanan. (Tafseer Ibn Kathir, Tomo (Volume) 3, pahina 59)
[34]Na ang ibig sabihin....
[35]Naging pamahiin ng mga Arabo noon na bago sila magpasiya ng isang bagay, na tulad halimbawa ng paglalakbay – na kung ito ba ay isasagawa nila o hindi; ay ginagamitan muna nila ito ng ‘Azlâm.’ Na isinusulat nila sa mga pana ang iba’t ibang desisyon na gagawin nila, at pagkatapos ay dadamputin nila ang isa sa mga ito, at kung ano ang nakasulat sa nadampot niyang pana ay yaon ang kanyang gagawing pasiya. At iba naman ang pamamaraan na ‘Azlâm’ na isinasagawa ng mga Persiyano at mga Romano noon, ginagamitan nila ito ng mga ‘dice’ na tulad ng mga ginagamit sa pagsusugal.
[36]Hadath Akbar – malaking pangyayari
[37]Mangyari lamang ang tingnan ang karagdagang pagpapatibay….Juan 20:17…
[38]Tingnan ang karagdagang pagpapatibay…Mga Gawa 2:22…at ang Diyos ay hindi maaaring maging tao at hindi maaaring pumasok sa kanyang mga nilikha....
[39]Na ang inililigaw lamang ng Allâh (I) ay ang mga karapat-dapat na iligaw.
[40]Kung papaano ito...
[41]Na ang ibig sabihin ay baka makakuha kayo ng kayamanan na bawal o sa di makatarungang pamamaraan dahil lalabas na ito ay pandaraya.
[42]Ito ay angkaop lamang sa Kanyang Kamaharlikaan.
[43]
[44]Na ito ay noong kapanahunan ni Propeta Muhammad (r), na mga ‘Mushrikûn’ pa ang karamihan na naririrahan doon.
[45]Mangyari lamang ay tingnan ang hinggil sa paksang ito sa Qur’ân 14:48.
[46] Bilang kondisyon ng pagbibigay niya ng kabuhayan sa kanila na tulad halimbawa ng trigo at iba pa.
[47]Kabuhayan – ito ay tungkol sa mga dala-dala nilang pagkain.
[48]Isinalaysay ni `Abdulrazzaq na sinabi ni Ibn Abbas, “Noong naglakbay na ang ‘Caravan’ mula sa Ehipto, nagsimulang umihip ang hangin at dinala ang amoy ng kamiseta ni Yûsuf kay Ya`qub. Naamoy niya ito mula sa layo na walong araw na paglalakbay.” (Naitala sa mga nalikom na Aklat nina `Abdulrazzaq 2:329 at ‘At-Tabari’ 16:250, ‘Tafsir Ibn Kathir,’ tomo (‘volume’) 5, pahina 207.
[49]Ito ay patungkol sa mga walang pananampalataya noon.
[50]Ang mga Arabo noong kapanahunan ng ‘Jahiliyyah’ (kamangmangan) ay ayaw nilang magkaroon ng anak na mga kababaihan at kapag sila ay nagkaroon ng sanggol na babae ay inililibing nila ito nang buhay, ang gusto lamang nila ay mga anak na lalaki, at kung ano ang ayaw nila sa kanilang mga sarili ay ito ang itinatangi nila para sa Allâh (I), gayong ang Allâh (I) ay hindi maaaring magkaroon ng anak dahil hindi angkop sa Kanyang Kadakilaan at Kamaharlikaan ang pagkakaroon ng anak, at ang mga anghel na itinatangi nila bilang mga anak ng Allâh (I) na mga kababaihan, sa katunayan ay mga walang kasarian, hindi babae ni lalaki man.
[51]Na kung kaya, inihampas ni Mousa… (369)……volume 6...
[52]Ito ay angkop sa Kanyang Kamaharlikaan.
[53]‘As-Sajdah’ – Isinaling pagpapatirapa na ito ay binubuo ng paglapat ng noo sa lapag kasama ang dulo ng ilong, mga palad ng dalawang kamay, dalawang tuhod at mga daliri ng magkabilang paa.
[54]Na hindi maaaring tanungin kung paano Niya ito ginawa, walang paghahambing o pagtutulad sa Kanyang mga nilikha kundi ito ay batay lamang sa Kanyang Kamaharlikaan.
[55]
[56]‘Sidr’ – sa Ingles ay Lote.
[57]Ito ang katawagan nila sa mga maalam, na ang salamangkero noong panahong yaon ay iginagalang nila at kabilang sa mga matataas sa lipunan.
[58]Lahat ng sambayanan na nasakupan ng kanyang mensahe.
[59]Ang katangiang ito at pagkilos na Kanyang tinataglay ay angkop na angkop lamang sa Kanyang Kadakilaan at Kamaharlikaan, na walang paghahambing na ginagawa, na hindi binabago ang kahulugan na sinasabi halimbawa na ito ay simbolo lamang, na hindi tinatanong ang pagiging paano nito, kundi ito ay ganap na nababatay lamang sa Kanyang Kadakilaan at Kamaharlikaan.
[60]Kabalyeriya – sundalo na nakikipaglaban na nakasakay sa kabayo.
[61]‘Sâq’ – isinalin sa wikang Filipino na Binti, na ito ay walang kahalintulad kundi ayon sa angkop na Kamarlikaan ng Allâh.
[62]Kyubit – sinaunang pamamaraan ng pagsukat ng haba sa pamamagitan ng braso, mula siko hanggang pulso o galanggalangan (‘wrist’ sa wikang Ingles).
[63]Ito ang katibayan hinggil sa kakulangan sa kaalaman ng mga walang pananampalataya mula sa ‘jinn’ na itinatangi nila ang kasamaan sa Allâh (I), gayong hindi ito katangian ng Allâh (I) na tulad ng sinabi ni Propeta Muhammad, na ‘Ang kasamaan ay hindi maaaring itangi sa Iyo (Allâh I).’ Naitala sa Muslim 1:535.
[64]‘Ba-la-ghat’ – ‘Collarbone’ sa wikang Ingles, ‘Balagat’ sa wikang tagalog, na ito…..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Greeting from Malaysia =)
Salam...Thank you bro! Wishing you well and great success!
Greeting from Indonesia
Thank you bro
Post a Comment