Saturday, May 15, 2010

Sûrat Al-An`âm

6
VI – Sûrat Al-An`âm
[Ang mga Hayop]

بسم الله الرحمن الرحيم
[Bismillâhir Rahmânir Rahîm]
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Ang lahat ng papuri ay nararapat lamang sa Allâh (I) na Siyang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan, at ng mga nilalaman nito; at Siya (rin) ang gumawa ng mga kadiliman at liwanag sa pama-magitan ng pagpapalit-palit ng gabi at araw.

At ito ang mga katibayan ng kadakilaan ng Allâh (I); at Siya lamang ang karapat-dapat na sambahin, na hindi maaaring ituon ng sinuman ang pagsamba sa iba kundi sa Kanya lamang. At kahit na ganito na kalinaw (ang lahat) ay nagagawa pa rin ng mga walang pananampalataya na ipantay ang iba sa Allâh (I) at sumamba sa iba bukod sa Kanya.

2. Siya rin ang lumikha sa inyong ama na si Âdam (u) mula sa alabok at kayo (naman) ay nagmula sa kanyang lahi; at pagkatapos ay itinakda Niya ang haba o itatagal ng inyong buhay dito sa daigdig at itinakda rin Niya ang katapusan nito (ng daigdig) at ang Araw ng Muling Pagkabuhay, na walang sinuman ang nakaaalam nito bukod sa Kanya na Kataas-taasan; subali’t pagkatapos ng lahat ng ito ay nagdududa pa rin kayo sa kakayahan ng Allâh (I) na kayo ay muli Niyang bubuhayin pagkatapos ninyong mamatay.

3. At ang Allâh (I), Siya lamang ang tunay na sinasamba sa mga kalangitan at sa kalupaan. At kabilang sa mga palatandaan ng Kanyang pagiging ‘Ilâh’ (Diyos na sinasamba), ay batid Niya ang lahat ng inyong mga inililihim at mga inihahayag, at batid Niya ang lahat ng inyong mga ginagawa, mabuti man ito o masama; at dahil sa ganitong kadahilanan Siya lamang ang Bukod-Tangi na ‘Ilâh’ na karapat-dapat sambahin.

4. Dumating sa kanila na mga walang pananampalataya na naglalagay ng katambal sa pagsamba sa Allâh (I) – ang tinatawag na mga ‘Mushrikun,’ ang malinaw na mga katibayan at mga palatandaan hinggil sa Kaisahan ng Allâh (I); at ang pagpapatunay ng pagiging Propeta ni Propeta Muhammad (r), at sa anuman na kanyang dinala. Subali’t pagkatapos nitong dumating sa kanila ay tinanggihan nila ito at hindi nila ito pinaniwalaan.

5. Katiyakan, sila na mga walang pananampalataya ay tinanggihan ang katotohanan na dinala para sa kanila ni Propeta Muhammad (r); at nilait nila ang mga tagapagpahayag nito, dahil sa hindi nila tunay na nakikilala ang Allâh (I); na dahil sa sila ay pinagbibigyan lamang ng Allâh (I) ay nalinlang na sila.

At walang pag-aalinlangan, ipamumukha sa kanila ang ginawa nilang pag-aalipusta, na yaon pala ang katotohanan na kanilang nilalait-lait; at ipakikita (rin) ng Allâh (I) ang kasinungalingan ng mga nagsinungaling at sila ay tutumbasan para rito.

6. Hindi ba batid ng mga yaong tumatanggi sa Kaisahan ng Allâh (I) at sa Kanyang karapatan bilang ‘Ilâh’ o Diyos na sinasamba at pinasisinungalingan ang Kanyang Sugo na si Muhammad (r); na kung ano ang naganap na pagkawasak sa mga nauna sa kanila na mga sambayanan dahil sa di-paniniwala ng mga ito, na kung saan ay pinagkalooban Namin sila ng kapangyarihan na hindi Namin ipinagkaloob sa inyo na mga walang pananampalataya, at biniyayaan Namin sila sa pamamagitan ng ulan at pag-agos ng mga ilog sa ilalim ng kanilang mga tahanan, subali’t hindi pa rin sila naniwala at pinasinungalingan (pa rin) nila ang mga Sugo; na kung kaya, winasak Namin sila, dahil sa kanilang mga kasalanan. At lumikha Kami pagkatapos nila ng panibagong mga sambayanan na siyang humalili sa kanila upang itaguyod ang buhay sa daigdig?

7. At kahit na magpahayag pa Kami sa iyo, O Muhammad (r) ng aklat na mula sa kalangitan na nakasulat sa mga pahina upang mapanghawakan nila, ay sasabihin pa rin nila: “Katiyakan, ang anumang dala-dala mo, O Muhammad (r), ay isang malinaw na ‘Sihr’ (salamangka).”

8. At sinabi nila na mga walang pananampalataya: “Bakit hindi magpadala ang Allâh (I) kay Muhammad (r) ng anghel mula sa kalangitan, upang mapatunayan na ang anumang dala-dala niya ay katibayan ng kanyang pagiging Propeta? At kahit na magpadala pa Kami ng anghel mula sa kalangitan, bilang tugon sa kanilang kahilingan ay magaganap pa rin ang pagkawasak nila, na pagkatapos nito ay hindi na sila pagbibigyang humingi pa ng kapatawaran, dahil nauna na sa kaalaman ng Allâh (I) na sila ay hindi maaaring maniwala.”

9. At kahit na gawin pa Naming anghel ang Sugo na ipapadala sa kanila dahil sa hindi nila pagiging kuntento kay Muhammad (r), ay gagawin pa rin Namin ang anghel na yaon na isang anyong tao, upang makayanan nila ang pakikinig sa kanya at pakikipag-usap; dahil sa wala silang kakayahan na makita ang anghel sa pinakatunay nitong kaanyuan, at kapag dumating sa kanila ang anghel na kamukha ng tao ay pagdududahan pa rin nila ito na katulad ng ginawa nilang pagdududa kay Muhammad (r).

10. At dahil sa kanilang kahilingan na magpadala ng anghel bilang pang-iinsulto kay Muhammad (r), ay ipinaliwanag ng Allâh (I) sa kanya (Muhammad r) na ang pag-iinsulto sa mga Sugo ay isang bagay na hindi bagong pangyayari, sapagka’t ito ay ginawa rin ng mga walang pananampalataya noon sa kanilang mga Propeta. At sinakluban sila ng kaparusahan na walang sinuman ang nakaligtas sa kanila, dahil sa kanilang pag-aalipusta at pagpapasinungaling.

11. Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (r): “Maglakbay kayo sa ibabaw ng kalupaan at pagmasdan ninyo kung paano winakasan ng Allâh (I) ang mga hindi naniwala, sa pamamagitan ng paghamak at pagwasak sa kanila. Na kung kaya, ingatan ninyo na huwag mangyari sa inyo ang mga nangyari sa kanila.”

12. Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga naglalagay ng katambal sa pagsamba sa Allâh (I) – ang mga ‘Mushrikin:’ “Sino ba ang nagmamay-ari ng mga kalangitan, kalupaan at ng mga niloloob nito?” Sabihin mo: “Ito ay pagmamay-ari ng Allâh (I) na katulad ng pagkakabatid ninyo at pag-amin ninyo; na kung kaya, sambahin lamang ninyo Siya nang Bukod-Tangi at Nag-iisa.” Itinakda ng Allâh (I) sa Kanyang Sarili ang pagka-awa, na kung kaya, hindi Niya minamadali ang pagpaparusa sa Kanyang mga alipin.

Walang pag-aalinlangan, titipunin Niya kayo sa Araw ng Muling Pagkabuhay, na roon ay katiyakan (na magaganap) ang pagkukuwenta (paghuhukom) at pagbabayad. Yaong mga naglagay ng katambal sa pagsamba sa Allâh (I) ay winasak nila ang kanilang mga sarili, dahil hindi nila sinamba ang Allâh (I) sa Kanyang Kaisahan, at hindi sila naniwala sa Kanyang mga pangako na tulad ng ‘Al-Jannah’ (Hardin isinaling Paraiso), at mga babala na tulad ng kaparusahan sa naglalagablab na Impiyernong-Apoy, at hindi (rin) sila naniwala sa pagiging Propeta ni Propeta Muhammad (r).

13. At bukod-tanging pagmamay-ari lamang ng Allâh (I), ang lahat ng mga nasa kalangitan at kalupaan, nakatigil man ito o gumagalaw, lihim man ito o lantad, lahat sila ay mga alipin Niya at Kanyang nilikha, at nasa ilalim ng Kanyang Kapangyarihan at Pangangalaga. At Siya ay ‘As-Samee`’ – Ganap na Nakaririnig sa mga sinasabi ng Kanyang mga alipin, na ‘Al-`Aleem’ – Ganap na Nakaaalam sa kanilang mga ikinikilos at sa kanilang mga kalooban.

14. Sabihin mo, O Muhammad (r), sa mga yaong naglalagay ng katambal sa pagsamba sa Allâh (I): “Kukuha pa ba ako ng iba bukod sa Allâh (I) bilang Tagapangalaga at Tagapagtaguyod, samantalang Siya ang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan at sa anumang mga niloloob nito; at Siya rin ang nagkakaloob ng kabuhayan sa sinuman na Kanyang nilikha at walang sinuman ang nagkakaloob nito bukod sa Kanya?”

Sabihin mo, O Muhammad (r): “Katiyakan, inutusan ako na ako ang kauna-unahang magpasailalim at sumunod sa Kanya bilang sumasamba sa Kanya nang tunay mula sa sambayanang ito, at pinagbawalan Niya ako na maging kabilang sa mga ‘Mushrikun’ – mga nagtatambal o sumasamba ng iba bukod sa Allâh.”

15. Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na sumasamba sa iba bukod sa Allâh (I): “Katiyakan, ako ay natatakot na kapag nilabag ko ang aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha (Allâh I) at hindi ko sinunod ang Kanyang kagustuhan, at sumamba ako sa iba bukod sa Kanya; ay ipapataw Niya sa akin ang Kanyang matinding kaparusahan sa Araw ng Muling Pagkabuhay.”

16. At sinuman ang iniligtas ng Allâh (I) mula sa matinding kaparusahan ay tiyak na kinaawaan Niya, at ang pagkakalayo niya mula roon ang siyang tunay na tagumpay at kaligtasan mula sa masidhing kaparusahan.

17. At kapag sinanhi ng Allâh (I) na ikaw, O tao, ay masaktan na tulad ng kahirapan at sakit, walang sinuman ang makapagbibigay ng lunas nito maliban sa Kanya, at kapag sinanhi naman Niya ang kabutihan na katulad ng yaman at kalusugan ay wala ring sinuman ang maaaring makapigil sa Kanyang kagandahang-loob at maaaring humadlang sa Kanyang pinagpasiyahan, dahil Siya ay ‘Qadeer ’– Ganap na Makapangyarihan sa lahat ng bagay.
18. At ang Allâh (I), Siya ay Tagapagpuwersa sa Kanyang mga alipin, kusang nagpapasailalim sa Kanya ang lahat, sa Kanyang Kapangyarihan, Kadakilaan at Kataas-Taasan; at nagpapakumbaba sa Kanya ang lahat ng Kanyang mga nilikha, maging ang mga mapagmataas sa ayaw at sa gusto nila. Siya ay ‘Al-Hakeem’ – Ganap na Maalam sa lahat, na inilalagay Niya ang lahat sa dapat nitong paglagyan ayon sa Kanyang karunungan; na Siya ay ‘Al-Khabeer’ – Ganap ang Kanyang Kagalingan na Nababatid at Nakikita Niya ang lahat at walang anuman ang naililihim sa Kanya.

Paliwanag: Sinuman ang nagtataglay ng ganitong katangian ay hindi karapat-dapat na tambalan ng kahit na sinuman. Ang ‘Âyah’ (o talatang) ito ay patunay ng Kanyang pagiging Kataas-taasan na wala nang tataas pa kaysa sa Kanya, na Siya ay nasa ibabaw ng lahat ng Kanyang mga nilikha na angkop-na-angkop sa Kanyang Kadakilaan at Kamaharlikaan.


19. Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na nagtatambal sa pagsamba sa Allâh (I) – na mga ‘Mushrikun:’ “Sino ba ang pinaka-dakilang testigo na magpapatunay na ako ay totoo sa aking sinasabi sa inyo, na ako ay Sugo ng Allâh?”
Sabihin mo (O Muhammad r) sa kanila: “Ang Allâh (I) ay Siyang testigo sa pagitan ko at sa inyo, na Siya ang Nakaaalam kung ano ang dinala ko sa inyo at kung ano ang itutugon ninyo sa akin. At inihayag ng Allâh (I) sa akin ang Banal na Qur’ân na ito upang sa pama-magitan nito ay mabalaan ko kayo hinggil sa Kanyang kaparusahan na magaganap sa inyo, at binabalaan ko rin sa pamamagitan nito ang sinumang sambayanan na maaabot nito. At katiyakan na kayo ay aamin na bukod sa Allâh (I) ay mayroon pa rin kayong ibang sinasamba.”

Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (r): “Katiyakan, ako ay hindi titestigo sa anumang inamin ninyo, sapagka’t ang Allâh (I) ay Bukod-Tangi na Nag-iisang ‘Ilâh’ o Diyos na sinasamba na walang katambal at katiyakan na ako ay walang pananagutan sa anumang itinambal ninyo na iba sa Allâh (I).”

20. Ang mga yaong pinagkalooban Namin ng ‘Tawrah’ at ‘Injeel,’ ay kilala nila si Muhammad (r) dahil sa kanyang mga katangian na nabanggit sa kanilang Kasulatan, na katulad ng pagkakakilala nila sa kani-kanilang mga sariling anak, na kung gaano nila kakilala ang kanilang mga anak na wala silang pag-aalinlangan ay ganoon din nila kakilala ang Propeta Muhammad (r) dahil sa ito ay ganap na nakasaad sa kanilang kasulatan; magkagayunpaman, ang sinunod pa rin nila ay ang kanilang sariling pagnanasa, na kung kaya, naging talunan ang kanilang mga sarili noong hindi nila pinaniwalaan si Muhammad (r) at ang anuman na kanyang dinala.

21. At wala nang hihigit pang pinakamasama kaysa sa isa na nag-imbento ng kasinungalingan laban sa Allâh (I), o pag-aangkin na ang Allâh (I) ay may mga kahanay sa Kanyang pagiging Bukod-Tangi na sinasamba, o di kaya ay pag-aangkin na Siya ay mayroong anak o may asawa, o di kaya ay pinasinungalingan ang mga katibayan at mga palatandaan na nagpapatunay sa Kanyang mga Sugo. Katiyakan, hindi magtatagumpay ang mga masasama, ang mga ‘dzâlimun’ na nag-imbento ng kasinungalingan laban sa Allâh (I), na hindi nila makakamtan ang anuman na kanilang hangarin dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay.

22. At mag-ingat sila na mga nagtatambal sa pagsamba sa Allâh (I) – ‘Mushrikun,’ na hindi naniniwala sa mga talata o palatandaan ng Allâh (I), sa Araw na titipunin Namin sila at pagkatapos ay sasabihin Namin sa kanila: “Nasaan ang inyong mga sinasamba, na inaangkin ninyo na sila ay mga katambal ng Allâh (I) upang sila ay mamagitan para sa inyo?”

23. Pagkatapos ay wala silang maisasagot kapag sila ay tinanong na hinggil sa kanilang mga inihanay o itinambal sa Allâh (I), bagkus ay itatanggi nila ang mga sinamba nila; at susumpa sila sa Allâh (I) na kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha, na kailanman ay hindi sila nagtambal ng iba sa pagsamba sa Allâh (I).

24. Pagmasdan mo, O Muhammad (r), kung paano sila nagsinungaling laban sa kanilang mga sarili! Na sila sa Kabilang-Buhay ay itatanggi ang ginawa nilang pagtatambal sa Allâh (I)? At maglalaho ang kanilang mga sinasamba na inaasahan nila na ito ay mamagitan sa kanila.

25. Mayroon sa kanila na mga ‘Mushrikin,’ na pinakikinggan nila sa iyo, O Muhammad (r), ang Banal na Qur’ân; subali’t hindi ito tumatalab sa kanilang mga puso, dahil sa kanilang pagsunod sa kanilang pagnanasa; na kung kaya, nilagyan Namin ng takip ang kanilang mga puso, upang hindi nila maintindihan ang Qur’ân, at sinanhi Namin na hindi makarinig ang kanilang mga tainga, kahit na makita pa nila ang maraming talata o palatandaan na nagpapatunay sa iyo ay hindi pa rin nila ito paniniwalaan, hanggang sa umabot sa punto na sila ay pupunta sa iyo, O Muhammad (r), upang makipagtalo pagkatapos nilang mapatunayan ang mga palatandaang nagpapatunay sa iyo; at sasabihin ng mga tumanggi sa mga talata ng Allâh (I): “Ito ay mga kuwento lamang na mula sa mga naunang tao na walang katotohanan.”

26. At sila na mga ‘Mushrikun’ ay pinipigilan nila ang mga tao na sumunod kay Muhammad (r) at makinig sa kanya, at sila rin mismo ay inilalayo nila ang kanilang mga sarili sa kanya; gayong sa ginagawa nilang pagpigil o pagharang sa daan patungo sa Allâh (I), ay wala silang pinipinsala o winawasak kundi ang kanila lamang mga sarili subali’t ito ay hindi nila namamalayan.

27. At kung makikita mo lamang, O Muhammad (r), ang mga ‘Mushrikin’ sa Araw ng Muling Pagkabuhay, ay makakakita ka ng kagimbal-gimbal na pangyayari, at ito ay kapag ikinulong na sila sa Impiyerno at makikita ang mga nasa loob nito na nakakadena at nakapamatok sa leeg, na nakikita ng kanilang mga sariling mata ang kagimbal-gimbal na mga pangyayari at saka pa lamang nila sasabihin: “Kung maibabalik lamang kami sa buhay sa daigdig upang mapaniwalaan namin ang mga talata ng Allâh (I) upang masunod namin at mapabilang kami sa mga mananampalataya!”
28. Subali’t ang katotohanan ay hindi ang yaong kanilang inaangkin, bagkus sa Kabilang-Buhay ay lilitaw sa kanila ang anuman na alam nila na nasa kanilang mga sarili, na ang anumang dinala ng mga Sugo sa daigdig ay katotohanan, kahit pa ang pinalilitaw nila sa kanilang mga tagasunod ay salungat hinggil dito.

At kahit na pagbigyan pa sila at pabalikin sa daigdig ay manunum-balik pa rin sila sa kanilang pagmamatigas, paglabag at pagsisi-nungaling. Na sila ay sinungaling sa kanilang mga sinasabi na: “Kung pababalikin lamang kami sa daigdig ay hindi namin pasisinu-ngalingan ang mga talata ng aming ‘Rabb’ at mapabilang kami sa mga mananampalataya.”

29. At sinabi nila na mga ‘Mushrikun’ na hindi naniniwala sa Araw ng Muling Pagkabuhay: “Walang totoong buhay kundi ang buhay lamang na ito sa daigdig, at tayo ay hindi na bubuhayin pang mag-uli pagkatapos nating mamatay.”

30. At kung makikita mo lamang, O Muhammad (r), ang mga hindi naniwala sa Araw ng Muling Pagkabuhay, kapag sila ay tumindig na sa harapan ng Allâh (I), para sa Kanyang paghuhukom sa kanila sa Araw ng Muling Pagkabuhay; katiyakan na makikita mo ang napakasama nilang kalagayan, kapag sasabihin na ng Allâh (I) na Kataas-taasan: “Hindi ba ito ang katotohanan,” na ang ibig sabihin, “Hindi ba ang Araw ng Muling Pagkabuhay na ito na inyong tinanggihan sa daigdig ay isang katotohanan?”

Sasabihin nila: “Oo nga po, O aming Rabb, ito ang katotohanan.” Sasabihin ng Allâh (I): “Kung gayon, lasapin ninyo ang kaparusahan dahil sa inyong pagtanggi,” na ang ibig sabihin, “Ang kaparusahan na hindi ninyo pinaniwalaan sa daigdig, dahil sa inyong pagtanggi sa Allâh (I) at sa Kanyang Sugo na si Propeta Muhammad (r).”

31. Katiyakan, ang talunan ay ang mga walang pananampalataya, na hindi naniwala sa Pagkabuhay na Mag-uli pagkatapos mamatay, hanggang sa ito ay maganap sa kanila at sila ay mabibigla na lamang sa masama nilang kahihinatnan, at magsisisigaw sila sa kanilang kapighatian sa kanilang mga sarili dahil sa ito ay binalewala nila noong sila ay nabubuhay pa sa daigdig, at pasan-pasan nila sa kanilang mga likuran ang kanilang mga kasalanan, at walang pag-aalinlangan na napakasama ang mabibigat nilang mga pasanin na mga kasalanan!

32. Kadalasan na ang buhay dito sa daigdig ay walang iba kundi libangan lamang, walang kabuluhan at panlilinlang; gayong ang mabuting gawa sa Kabilang-Buhay ay higit na nakabubuti sa mga yaong mayroong takot sa Allâh (I), at inililigtas nila ang kanilang mga sarili mula sa Kanyang kaparusahan sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya at pag-iwas sa mga kasalanan. Hindi ba ninyo naiisip, O kayong mga ‘Mushrikun,’ na nalilinlang sa kinang ng buhay sa daigdig, na inuuna pa ninyo ay ang anumang naglalaho kaysa sa isang nananatili magpasawalang-hanggan?

33. Katiyakan, alam Namin na nakapagpapalungkot sa iyo, O Muhammad, ang ipinakikita ng mga taong nagpasinungaling sa iyo, na kung kaya, tiisin mo ito at mapanatag ka; dahil sa katotohanan, hindi ka nila tinatanggihan sa kanilang mga sarili, bagkus dahil sa kanilang sukdulang kasamaan at paghihimagsik ay tinanggihan nila ang mga malilinaw na katibayan, na ikaw ay totoo; na kung kaya, pinasisinungalingan ka nila sa mensahe na iyong dala-dala.

34. At katiyakan, tinanggihan ng mga walang pananampalataya ang mga naunang Sugo kaysa sa iyo, na ipinadala ng Allâh (I) sa kani-kanilang mga sambayanan; at sila ay pinahirapan dahil sa kanilang pagiging Sugo, subali’t natiis nila ito at pinagpatuloy nila ang kanilang pagpapahayag at ang kanilang pakikipaglaban, hanggang dumating sa kanila ang tulong ng Allâh (I).

At walang pagbabago sa mga salita ng Allâh (I), na ito ay ang anuman na Kanyang ipinahayag sa Kanyang Propeta na si Muhammad (r) bilang pangako sa kanya na tagumpay laban sa sinuman na kakalaban sa kanya.

At katiyakan, dumating sa iyo, O Muhammad (r), ang kuwento hinggil sa mga Sugo na nauna sa iyo; at ang anumang tulong ng Allâh (I) na naganap sa kanila, at sa anuman na nangyari na kaparusahan at poot ng Allâh (I) sa mga hindi naniwala mula sa kanila; na kung kaya, sila na naunang mga Sugo ang mga halimbawa para sa iyo. Ang ‘Âyah’ o talatang ito ay bilang pampalubag-loob sa Sugo ng Allâh na si Propeta Muhammad (r).

35. At kung nahihirapan ka sa ginagawa nilang pagsalungat at pagtanggi sa iyong pamamahayag; samakatuwid, kung makakayanan mong maghanap ng ‘tunnel’ sa ilalim ng kalupaan o maglagay ng hagdan patungo sa kalangitan upang makapagdala ka ng katibayan na nagpapatunay sa mensahe mo bukod diyan sa dala-dala mong katibayan ay gawin mo, para mabigyan mo sila ng maliwanag na palatandaan na totoo ang iyong sinasabi sa kanila, at kung nanaisin lamang ng Allâh (I) na tipunin sila sa patnubay na kung saan ito ay nasa sa iyo, bilang gabay sa tunay na paniniwala ay magagawa Niya ito; subali’t hindi Niya ito ninais, dahil bilang isang ‘Hikmah’ (karunungan) na Siya lamang ang Nakaaalam; na kung kaya, huwag mong itulad ang iyong sarili sa mga walang kaalaman na nalulungkot at naghihinagpis.

36. Ang tumutugon lamang sa iyo, O Muhammad (r), sa iyong mga pamamahayag ng patnubay ay yaong pinaki-kinggan ang iyong mga salita at pinaniniwalaan, subali’t ang mga walang pananampalataya ay itinuturing na mga patay dahil sa ang tunay na pagkabuhay ay sa pama-magitan lamang ng Islâm – ang pagsamba, pagtalima sa Allâh (I) at pagsunod sa Kanyang kautusan.
At ang hinggil sa mga patay, sila ay bubuhayin na mag-uli ng Allâh (I) mula sa kanilang mga libingan, pagkatapos sila ay ibabalik sa Araw ng Muling Pagkabuhay para ipatupad sa kanila ang paghuhukom at pagbabayad.

37. At sinabi ng mga ‘Mushrikun’ bilang pagmamatigas at pagmamataas: “Bakit hindi magpadala ang Allâh (I) ng tanda bilang himala na magpapatunay kay Muhammad (r)?” Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (r): “Katiyakan, ang Allâh (I), kaya Niyang magpadala sa kanila ng tanda, subali’t ang karamihan sa kanila ay hindi nakababatid na ang pagpapadala ng mga palatandaan ay nababatay lamang sa ‘Hikmah’ (Karunungan) ng Allâh (I).”

38. At walang anumang hayop na gumagapang sa kalupaan o ibon na lumilipad sa himpapawid sa pamamagitan ng dalawa nitong pakpak, kundi ito ay mga grupo ng mga nilikha na katulad din ninyo. Wala Kaming kinaligtaan sa talaan ng ‘Al-Lawh Al-Mahfoudh’ (ang Talaan ng Pagkakatakda ng lahat) na anumang bagay nang hindi Namin itinala; pagkatapos sila ay titipunin ng Allâh (I) na kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha sa Araw ng Muling Pagkabuhay at huhukuman sila sa anuman na kanilang nagawa.

39. At yaong mga tinanggihan ang mga palatandaan ng Allâh (I) ay may kabingihan sa kanilang pandinig na hindi nila napakikinggan ang anuman na nakabubuti para sa kanila, at mga pipi na hindi nagsasabi ng katotohanan; na kung kaya, sila ay nalilito sa kadiliman, at hindi nila pinili ang Matuwid na Landas. Sinuman ang naisin ng Allâh (I) na maligaw ay maliligaw (na ang Kanyang inililigaw lamang ay ang mga karapat-dapat na iligaw), at ang sinuman ang naisin Niyang gabayan ay mapapatnubayan sa Matuwid na Landas.

40. Sabihin mo, O Muhammad (r), sa mga ‘Mushrikin:’ “Sabihin nga ninyo sa akin na kapag dumating ang kaparusahan ng Allâh (I) sa inyo dito sa daigdig o dumating sa inyo ang pagkagunaw ng daigdig na pagkatapos ay bubuhayin kayo na mag-uli; mayroong bang iba bukod sa Allâh (I) na inyong tatawagin para kayo ay iligtas sa anuman na dumating sa inyo na mga pangyayari, kung kayo ay totoo sa inyong pag-aangkin sa ginagawa ninyong pagsamba sa mga diyus-diyosan bukod sa Allâh (I), na sila ay makapagbibigay ng kapakinabangan o kapinsalaan?”

41. Hindi ang inyong inaakala ang siyang katotohanan! Katiyakan, ang tatawagin ninyo roon ay ang inyong ‘Rabb’ (Allâh I) na Lumikha sa inyo, walang iba kundi Siya at kayo ay hihingi ng saklolo sa Kanya, at kung Kanyang nanaisin ay ililigtas Niya kayo sa matinding pangyayari dahil sa Siya ay Ganap na Makapangyarihan sa lahat ng bagay; at babalewalain ninyo sa pagkakataong yaon ang inyong mga sinamba na mga rebulto at ang inyong mga sinunod na mga tao.

42. At katiyakan, nagpadala Kami, O Muhammad (r), ng mga Sugo sa mga grupo ng mga tao na mga nauna sa iyo, upang hikayatin sila patungo sa Allâh (I), subali’t hindi nila pinaniwalaan ang mga Sugo; na kung kaya, sinubok Namin sila sa kanilang mga kayamanan ng matinding kahirapan, at sinubok (din) Namin sila sa kanilang mga katawan ng mga sakit; nang sa gayon ay maniwala sila sa kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha nang may pagpapakumbaba at ituon lamang nila ang pagsamba sa Kanya.

43. Subali’t noong dumating sa kanila ang mga ganitong pagsubok, bakit hindi sila nagpakumbaba sa kanilang mga sarili, kung gayon? Bagkus ay mas lalo pang tumigas ang kanilang mga puso at ginawa ni ‘Shaytân’ (Satanas) na maging kaigaya-igaya sa kanila ang kanilang mga masasamang gawain, at ang ginagawa nilang pagsamba sa iba.

44. Samakatuwid, noong kinalimutan nila ang pagsagawa ng mga ipinag-uutos ng Allâh (I) at ito ay kanilang tinanggihan, ay binuksan Namin sa kanila ang mga pintuan ng lahat ng kabuhayan at pinalitan Namin ang kanilang paghihirap ng kaginhawahan sa buhay, ang kanilang mga karamdaman ng kalusugan; upang pabayaan sila pansamantala sa kanilang mga ginagawa hanggang sa kalagitnaan ng kanilang kasiyahan at pagkalulong sa anumang ipinagkaloob Namin sa kanila na kabutihan at biyaya, ay biglang-bigla na lamang Namin silang pinarusahan, na sila ay inilublob sa pagkawasak na may kasamang matinding pagsisisi at pagdadalamhati.


45. Samakatuwid, pinutol (Namin) ang mga ugat ng kasamaan ng mga tao at sila ay pinuksa dahil sa kanilang paglabag sa Allâh (I) at di-paniniwala sa Kanyang mga Sugo, walang sinuman ang nalabi sa kanila (sila ay lubusang winasak). Na kung kaya, ang pasasalamat at papuri ay sa Allâh (I) lamang na Siyang Lumikha at Nagmamay-ari ng lahat ng bagay, sa Kanyang pagtulong sa Kanyang mga ‘Awliyâ`’ (mga alipin Niya na malalapit sa Kanya) at pagwasak sa kalaban.
46. Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Sabihin ninyo nga sa akin, kapag inalis ng Allâh (I) sa inyo ang inyong mga pandinig at naging bingi kayo; at ganoon din ang inyong mga paningin at hindi na kayo makakikita, at isasara ang inyong mga puso at wala na kayong maiintindihan, sino pa kaya ang ‘ilâh’ (diyos na sinasamba) bukod sa Allâh (I) na Kataas-taasan, ang may kakayahan na ibalik ito sa inyo? Na kung kaya, pagmasdan mo, O Muhammad, kung paano Namin ipinaliliwanag sa iba’t ibang paraan ang mga katibayan sa kanila, subali’t pagkatapos nito ay tumatalikod pa rin sila at hindi nila ito iniintindi at hindi ito nagsilbing aral sa kanila?”

47. Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Sabihin ninyo nga sa akin, kapag biglaang dumating sa inyo ang kaparusahan ng Allâh (I) nang wala kayong kamalay-malay, o di kaya ay maliwanag na kitang-kita ninyo ito sa pamamagitan ng inyong mga mata, mayroon kayang mawawasak maliban sa kanila na mga dzâlimûn – taong sukdulan ang kasamaan, dahil sa pagtuon nila ng kanilang pagsamba sa iba bukod sa Allâh (I) at sa pagtanggi nila sa mga Sugo ng Allâh?”

48. At hindi Kami nagpapadala ng mga Sugo kundi bilang tagapagbigay ng magandang balita, sa mga susunod sa Amin, na sila ay magkakamit ng walang hanggang kaligayahan; at bilang tagapagbabala sa mga makasalanan hinggil sa masidhing kaparusahang naghihintay sa kanila.

Samakatuwid, sinuman ang maniwala at sumunod sa Kanyang mga Sugo at gumawa ng kabutihan, ay wala silang dapat na ipangamba sa kanilang pakikipagharap sa kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha at wala silang dapat na ikalungkot sa anuman na hindi nila nakamtan na makamundong buhay.

49. Subali’t ang mga yaong tumanggi sa Aming mga talata mula sa Banal na Qur’ân at mga himala, ay ipapataw sa kanila ang kaparusahan sa Kabilang-Buhay dahil sa kanilang pagtanggi at paglabag sa pagsunod sa Allâh (I).

50. Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Katotohanan na hindi ko inaangkin na pagmamay-ari ko ang mga kayamanan sa mga kalangitan at kalupaan, na ito ay aking pinangangasiwaan; at hindi ko rin inaangkin na ako ang nakaaalam ng mga bagay na lihim, at hindi ko rin inaangkin na ako ay anghel. Kundi ako ay Sugo lamang na nagmula sa Allâh (I), sinusunod ko ang anumang ipinahayag ng Allâh (I) sa akin at ipinararating ko ang kapahayagan ng Allâh (I) sa mga tao.”

Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Maaari ba na maging magkaparehas ang walang pananampalataya na bulag, na hindi niya nakikita ang mga talata ng Allâh (I) at hindi niya ito pinaniniwalaan; at ang mananampalataya na nakikita niya ang mga talata ng Allâh (I) at ito ay kanyang pinaniniwalaan? Hindi ba ninyo pinagtutuunan ng pansin ang mga talata ng Allâh (I) upang makita ninyo ang katotohanan at nang sa gayon ito ay inyong mapaniwalaan?”

51. Balaan mo, O Muhammad (r), sa pamamagitan ng Banal na Qur’ân, ang mga yaong batid nila sa sila ay titipunin sa harapan ng kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha, at pinaniniwalaan nila ang Pangako ng Allâh (I) at ang Kanyang babala, na sila ay walang tagapangalaga na tutulong sa kanila bukod sa Allâh (I), na walang sinuman ang maaaring mamagitan sa kanila sa Allâh (I) – maliban sa sinumang pahintulutan ng Allâh (I) – upang sila ay iligtas sa Kanyang kaparusahan; nang sa gayon ay magkaroon sila ng takot sa Allâh (I) sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga ipinag-uutos at pag-iwas sa mga ipinagbabawal.

52. At huwag mong ilayo sa iyo, O Muhammad (r), ang mga mahihinang Muslim na sinasamba nila ang kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha sa umaga’t hapon, na dahil sa kanilang mga mabubuting gawa ay naghahangad silang makaharap ang Allâh (I) (sa Kabilang-Buhay). Hindi ka mananagot sa kanila na mga mahihirap sa anumang bagay, subali’t ang bahala sa kanila ay ang Allâh (I); at ganoon din sila sa iyo, wala rin silang pananagutan sa iyo, nguni’t kapag inilayo mo sila sa iyo ay magiging kabilang ka sa mga taong sukdulan ang kanilang paglabag sa batas ng Allâh (I).

53. Sa ganito Namin sinu-subukan ang iba’t iba sa kanila dahil sa iba’t iba nilang katayuan sa buhay, kaya’t ginawa Niyang mayaman ang iba at ang iba naman ay mahirap, ang iba’y malakas at ang iba nama’y mahina; at nangangailangan ang iba sa kanila sa iba, bilang pagsubok sa kanila; at upang masabi ng mga walang pananampalataya na mayayaman: “Iyan ba ang mga mahihina na pinag-kalooban ng Allâh (I) ng gabay tungo sa Islâm mula sa atin?” Hindi ba ang Allâh (I) ay Ganap na Nakaaalam sa mga tumatanaw ng utang na loob sa Kanyang biyaya, at ginagabayan sila tungo sa Kanyang Relihiyon?
54. At kapag dumating sa iyo, O Muhammad (r), ang mga yaong naniwala sa mga talata ng Allâh (I), na nagpapatunay sa iyo mula sa Banal na Qur’ân at iba pa, na nagtatanong hinggil sa kung paano sila mapapatawad sa kanilang mga nagawang kasalanan, igalang mo sila sa pamamagitan ng pagtugon ng ‘Salâm’ sa kanila, at ibalita mo sa kanila ang magandang balita hinggil sa napakalawak na habag ng Allâh (I); at katiyakan, itinala ng Allâh (I) na Kataas-taasan sa Kanyang Sarili ang habag para sa Kanyang mga alipin bilang kagandahang-loob na ang sinumang nakagawa ng kasalanan na may kamangmangan na hindi niya alam ang magiging bunga nito ay magiging sanhi ng pagkapoot ng Allâh (I), na pagkatapos ay nagbalik-loob siya sa Allâh (I), at nagpatuloy sa pagsasagawa ng mabubuting gawa; katiyakan, patatawarin siya ng Allâh (I) sa kanyang mga kasalanan, dahil Siya ay ‘Ghafour’ – Ganap na Mapagpatawad sa Kanyang mga alipin na nagsisisi, na ‘Raheem’ – Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal sa kanila.

[Ang sinumang nagkasala sa Allâh (I), sinadya man ito o hindi, dahil sa kanyang kamangmangan hinggil sa kaparusuhan nito at sa pagdudulot nito ng poot sa Allâh (I), ay ituturing siyang mangmang kung hindi niya alam ang kaparusahan nito, kahit na ito pa ay alam niya na ipinagbabawal.]

55. At sa ganitong pamamaraan ng pagpapahayag Namin sa iyo, O Muhammad (r), ipinaliliwanag ang mga malilinaw na katibayan sa lahat ng katotohanan, na tinatanggihan ng mga nasa kamalian; nang sa gayon ay lumitaw ang katotohanan at lumantad ang daan ng mga gumagawa ng mga kasamaan na lumalabag sa mga Sugo.

56. Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Katiyakan, ang Allâh (I) na Kataas-taasan, ay pinagbawalan ako na sumamba sa mga rebultong inyong sinasamba bukod sa Kanya.” At sabihin mo sa kanila: “Hindi ako susunod sa inyong mga walang kabuluhan na pagnanasa. Dahil kapag sinunod ko ang inyong kagustuhan, katiyakan na maliligaw ako mula sa Tamang Landas, at hindi ako mapapabilang sa mga ginabayan.”

57. Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Ako ay nasa malinaw na katibayan, bilang batas ng Allâh (I) na ipinahayag sa akin, na ito ay bukod-tangi na pagsamba lamang sa Kanya subali’t ito ay inyong tinanggihan, at wala akong kakayahan na ibaba sa inyo ang kaparusahan na inyong minamadali, at walang sinuman ang nagpasiya ng pag-aantala nito kundi ang Allâh (I), sapagka’t ang pagpapasiya ay sa Allâh (I) lamang, inihahayag Niya ang katotohanan at Siya ay ‘Khayrul Fâsileen’ - Pinakamagaling sa mga hukom na nagpapahiwalay ng tama sa kamalian.”

58. Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Kung kaya ko lamang na ibaba sa inyo ang kaparusahan na inyong minamadali ay gagawin ko at nang sa gayon ay tapos na ang anumang namamagitan sa akin at sa inyo, kaya nga lamang ang Tagapagpasiya nito ay ang Allâh (I) lamang, at Siya ay Ganap na Nakaaalam sa sinumang sukdulan ang kasamaan at sa kanila na mga ‘Mushrikun’ - nagtambal sa pagsamba sa Allâh o sumamba sa iba bukod sa Allâh (I).”

59. At nasa Allâh (I) na Kataas-taasan ang mga susi ng lahat ng lihim, at walang sinuman ang Nakaaalam nito bukod sa Kanya, at kabilang sa mga kaalamang ito ay ang kaalaman hinggil sa ‘As-sa`ah’ (ang katapusan ng sandaigdigan), ang pagpapababa ng tubig-ulan, at kung ano ang katayuan ng mga sanggol na nasa mga sinapupunan ng ina, at kung ano ang iyong kikitain at mangyayari kinabukasan, at ang lugar na kung saan ang tao ay mamamatay, alam Niya kung ano ang nasa kalupaan at nasa karagatan, at walang anumang dahon na nalalagas nang hindi Niya ito nalalaman, maging ang lahat ng butil na nasa ilalim ng kalupaan, at ang lahat ng sariwa at tuyo; ay nakatala sa Kanyang Aklat, na isang Malinaw na Talaan na ito ay tinatawag na ‘Al-Lawh Al-Mahfoudh.’

60. At Siya, ang Allâh (I) – Luwalhati sa Kanya at Kataas-Taasan, ang kumukuha ng mga kaluluwa sa gabi (kapag kayo ay natutulog) na katulad ng pagkuha nito sa oras ng kamatayan, at batid Niya kung ano ang inyong kikitain at kung ano ang inyong ginagawa sa araw; pagkatapos ay ibinabalik Niya ang inyong mga kaluluwa sa inyong mga katawan pagkagising ninyo mula sa pagtulog, na katulad ng magaganap sa Araw ng Muling Pagkabuhay pagkatapos ninyong mamatay; upang mabuo ninyo ang itinakdang buhay dito sa daigdig, pagkatapos (sa dakong huli) sa Allâh (I) kayo ay magbabalik pagkatapos kayong buhaying muli mula sa inyong mga libingan. Pagkatapos sasabihin Niya sa inyo kung ano ang inyong ginawa sa buhay dito sa daigdig, pagkatapos kayo ay tutumbasan ayon doon.

61. At ang Allâh (I), Siya ay ‘Al-Qâhir’ – ang Ganap na Tagapagpuwersa sa Kanyang mga alipin, na Siya ay Ganap na Nangingibabaw sa lahat na angkop-na-angkop sa Kanyang Kadakilaan. Lahat ng bagay ay nagpapasailalim sa Kanyang Kadakilaan at Kamaharlikaan, at nagpapadala Siya sa Kanyang mga alipin ng mga anghel na siyang nagtatala ng kanilang mga gawain, hanggang sa kapag naganap ang kamatayan sa isa sa kanila ay kukunin ng anghel-ng-kamatayan at ng mga kasamahan nito ang kanyang kaluluwa, at hindi nila ipinagsasawalang-bahala ang ipinag-utos sa kanila.

62. Pagkatapos sila na mga namatay ay ibabalik sa Allâh (I), ang tunay na ‘Mawlâ’ – ang Tagapangalaga, ang Makatarungang ‘Rabb’ na Tagapaglikha. Na Karapat-dapat mabatid na walang pag-aalinlangang Siya lamang ang Maghuhukom sa Araw ng Muling Pagkabuhay sa pagitan ng Kanyang mga alipin, at Siya ay ‘Asra`ul Hâseeb’ – Pinakamabilis sa pagsasagawa ng paghahatol.

63. Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Sino ba ang nagligtas sa inyo mula sa mga nakatatakot na kadiliman sa kalupaan at karagatan? Di ba Siya, ang Allâh (I) ang inyong dinadalanginan, sa mga oras ng inyong kagipitan na may pagpapakumbaba, lantad man ito o lihim?” Sinasabi ninyo: “Kapag iniligtas kami ng aming ‘Rabb’ sa mga nakatatakot na ito ay magiging kabilang kami sa mga tumatanaw ng utang na loob, sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya na Kataas-taasan, na Bukod-tangi na walang katambal.”

64. Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Ang Allâh (I) ay Siyang Bukod-Tangi na magliligtas sa inyo mula sa mga nakatatakot na ito at sa lahat ng kagipitan, samantalang kayo ay naglalagay (pa rin) ng katambal sa pagsamba sa Allâh (I).”

65. Sabihin mo (pa rin), O Muhammad (r), sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Ang Allâh (I) na Kataas-taasan na Siyang Bukod-Tangi na Makapangyarihan ang magpapadala sa inyo ng kaparusahan mula itaas ninyo na tulad ng pagbagsak ng mga bato, o pagbagsak ng malakas na ulan o anupamang mga katulad nito, o di kaya ay mula sa ilalim ng inyong mga paanan na katulad ng lindol o paglamon ng kalupaan, o di kaya ay magkagulu-gulo kayo at magiging mga grupo na hindi nagkakasundo’t nagpapatayan, o di kaya ay ipatitikim sa inyo ang karahasan ng isa’t isa.”

Pagmasdan mo, O Muhammad (r), kung paano Namin ipinakikita sa iba’t ibang pamamaraan ang mga malilinaw na katibayan, sa kanila na mga ‘Mushrikin’ upang ito ay kanilang maintindihan at mapagkunan ng aral.

66. At tinanggihan ng mga walang pananampalataya, O Muhammad (r), mula sa iyong sambayanan ang Banal na Qur’ân; samantalang ito ay dalisay na Aklat at totoo sa lahat ng ipinahahayag nito. Sabihin mo sa kanila: “Hindi ako ang tagapangalaga sa inyo at tagapagmasid, kundi ako ay Sugo lamang ng Allâh (I) na ipinararating sa inyo ang anuman na mensahe na ipinag-utos sa akin.”

67. Lahat ng balita ay mayroong hangganan bilang katotohanan na kung saan ito na ang pagpapanatilihan nito; na kung kaya, lilitaw ang katotohanan mula sa kamalian; at walang pag-aalinlangang ito ay mababatid ninyo, O kayong mga walang pananampalataya, bilang bunga ng kung ano ang inyong ginawa kapag dumating ang kaparusahan ng Allâh (I) sa inyo.

68. At kapag nakita mo, O Muhammad, ang mga ‘Mushrikin,’ na nagsasalita laban sa mga talata ng Banal na Qur’ân na mga kasinungalingan at pag-alipusta, ay lumayo ka sa kanila hanggang sa ibahin nila ang kanilang usapan, at kung sinanhi ni ‘Shaytân’ na makalimutan mo ang bagay na ito, subali’t pagkatapos ay naalaala mo ito, samakatuwid ay huwag ka nang umupo sa mga taong mga ‘dzâlimin’ (masasama), mga nagsasalita laban sa mga talata ng Banal na Qur’ân ng mga kasinungalingan.


69. Walang anumang pananagutan ang mga mananampalatayang natatakot sa Allâh (I), sinusunod nila ang Kanyang mga ipinag-uutos at iniiwasan nila ang Kanyang ipinagbabawal, sa mga taong nagsasalita laban sa talata ng Banal na Qur’ân at hinahamak ito, samantalang ang dapat nilang gawin ay pagpayuhan ang mga ito na tumigil sa mga maling paratang nila, upang sila ay matakot sa Allâh (I).
70. Pabayaan mo, O Muhammad (r), sila na mga ‘Mushrikin,’ na nagtuturing sa Relihiyon (‘Deen’) ng Islâm bilang laruan at libangan, at kanilang hinahamak ang mga talata ng Allâh (I), na kung saan sila ay nalinlang ng makamundong buhay at ng mga kinang nito, at paalalahanan mo sa pamamagitan ng Banal na Qur’ân ang mga yaong ‘Mushrikin’ at iba pa; upang hindi mawasak ng sinuman ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsagawa ng kasalanan at paglabag sa Kanyang ‘Rabb’ na Tagapaglikha, at walang sinuman ang makatutulong sa kanya kundi ang Allâh (I), na ililigtas siya mula sa kaparusahan, at walang sinumang tagapamagitan ang maaaring mamagitan sa kanya, at kahit na anumang bagay ang kanyang ipantubos ay hindi ito tatanggapin sa kanya.

Sila ang mga yaong winasak dahil sa kanilang mga kasalanan, at ang para sa kanila sa Impiyerno bilang inumin ay kumukulong tubig at masidhing kaparusahan; dahil sa kanilang paglabag sa Allâh (I) at sa Kanyang Sugo na si Muhammad (r) at sa Relihiyong Islâm.

71. Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Sasamba ba tayo sa iba bukod sa Allâh (I), ng mga rebulto na hindi man lamang makapagbibigay ng kapakinabangan at walang maidudulot na anumang pinsala? At babalik ba tayo sa pagtanggi pagkatapos tayong gabayan ng Allâh (I) tungo sa Islâm? Ang magiging katulad natin sa ating pagbabalik sa pagtanggi ay katulad ng iniligaw ng mga ‘Shaytân,’ na kung kaya, siya ay gagala-gala nang nasa kalituhan sa ibabaw ng kalupaan, at mayroon siyang mga kasamahan na mga matitino na naniniwala sa Allâh (I) at nag-aakay tungo sa Matuwid na Landas na kanilang tinatahak, magkagayunpama’y siya ay tumanggi.”

Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Katiyakan, ang patnubay ng Allâh (I) na kung saan ako ay Kanyang ipinadala para rito, ang Siyang tunay na patnubay, at inutusan tayong lahat na sumuko sa Allâh (I) na ‘Rabbul `Âlamin,’ sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya nang Bukod-Tangi na walang katambal, dahil Siya ang ‘Rabb’ ng lahat ng mga nilikha at Nagmamay-ari ng lahat.”

72. At ganoon din, inutusan din Niya tayo na isagawa ang kabuuan ng ‘Salâh’ at maging matatakutin sa Kanya sa pamamagitan ng pagsasagawa sa Kanyang ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang ipinagbabawal. At Siya na Kataas-taasan ay sa Kanya titipunin ang lahat ng mga nilikha sa Araw ng Muling Pagkabuhay.

73. At ang Allâh (I) na Luwalhati sa Kanya, ay Siyang lumikha ng mga kalangitan at ng kalupaan nang makatotohanan; na kung kaya, alalahanin mo, O Muhammad (r), ang Araw ng Muling Pagkabuhay, na kung saan, sasabihin ng Allâh (I) na: ‘Kun fayakûn!’ – mangyari at kaagad na mangyayari ang Kanyang kagustuhan sa isang iglap lamang o mas mabilis pa kaysa rito. Ang Kanyang Salita ay Ganap na Katotohanan.

Siya lamang ang Bukod-Tanging Nagmamay-ari ng lahat, sa Araw na hihipan ng anghel ang ‘As-Sur’ (Trumpeta), sa ikalawang pag-ihip na kung saan kapag ito ay naganap ay magbabalikan ang mga kaluluwa sa kani-kanilang mga katawan.

At Siya na Luwalhati sa Kanya, ay ‘Al-Hakeem’ – ang Ganap na Maalam, O mga tao, kung anuman ang bagay na hindi ninyo alam at maging ang mga bagay na inyong nakikita, na inilalagay Niya ang lahat ng bagay sa tamang dapat nitong paglagyan; na Siya ay ‘Al-Khabeer’ – Ganap ang Kanyang Kagalingan na Nababatid Niya ang lahat sa Kanyang mga nilikha.

At ang Allâh (I), Siya lamang ang Bukod-Tanging nagtatangan ng mga bagay na ito at ng iba pang mga katangian na angkop-na-angkop lamang sa Kanya, sa simula at sa katapusan, at Siya ay Bukod-Tangi na karapat-dapat lamang na sambahin; at nararapat na sundin ang Kanyang batas, na ang pagsunod sa Kanyang batas ay pag-aasam ng Kanyang Pagmamahal at Kapatawaran.

74. At alalahanin mo, O Muhammad (r), ang pakiki-pagtalo ni Ibrâhim sa kanyang ama na si Âzar, noong sinabi niya sa kanya: “Itinuturing mo ba ang mga idolo bilang ‘âlihah’ (mga diyos) na sinasamba bukod sa Allâh (I)? Dahil nakikita kita at ang inyong mga kasamahan na nasa malinaw pagkaligaw at pagkalihis mula sa Matuwid na Landas.”

75. At katulad ng paggabay Namin kay Ibrâhim tungo sa katotohanan hinggil sa pagsamba, ay ipinakita (rin) Namin sa kanya ang anumang mga nasa kalangitan at kalupaan, bilang dakilang kaharian at kamangha-manghang kapangyarihan, upang siya ay maging kabilang sa mga matatag at may katiyakang Pananampalataya.

76. Noong dumilim na ang gabi kay Ibrâhim at hindi na siya nakikita ng kanyang sambayanan; na upang mapatunayan niya sa kanila na ang kanilang relihiyon ay mali at sila ay sumasamba sa mga bituin. Nang nakita ni Ibrâhim (u) ang bituin ay sinabi niya sa kanyang sambayanan – upang patunayan niya nang paunti-unti ang hinggil sa Kaisahan ng Allâh (I): “Ito ang aking ‘Rabb,’” subali’t noong lumubog (o naglaho na) ang bituin, kanyang sinabi: “Hindi ko gusto sa mga sinasamba ang mga lumulubog.”

77. Noong nakita ni Ibrâhim ang buwan na lumitaw, sabi niya sa kanyang sambayanan, para lamang pagbigyan sila: “Ito ang aking ‘Rabb.’” Subali’t noong ito ay lumubog na, sinabi niya, bilang pag-aasam sa gabay ng Kanyang ‘Rabb:’ “Kung hindi ako gagabayan ng aking ‘Rabb’ tungo sa katotohanan sa Kanyang Kaisahan ay magiging kabilang ako sa mga taong naligaw mula sa Tamang Daan na sumamba ng iba bukod sa Allâh (I).”

78. Noong nakita niyang sumikat ang araw, sinabi niya sa kanyang sambayanan: “Ito ang aking ‘Rabb,’ ito ay mas malaki kaysa sa bituin at buwan,” subali’t noong lumubog na ang araw, sinabi niya sa kanyang sambayanan: “Katiyakan, ako ay walang pananagutan sa anumang mga itinatambal ninyo na iba sa pagsamba sa Allâh (I), na mga rebulto, mga bituin at mga imahen.”

79. Katiyakan, iniharap ko ang aking mukha sa pagsamba sa Allâh (I) na Kataas-taasan na Bukod-Tangi at Nag-iisa, na Siyang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan bilang pagdadalisay (paglilinis) mula sa ‘Shirk’ (pagtatambal o pagsamba ng iba), at ako ay hindi kabilang sa mga sumasamba sa iba bukod sa Allâh (I).

80. At nakipagtalo ang kanyang sambayanan sa kanya hinggil sa Kaisahan ng Allâh (I), sinabi niya: “Nakikipagtalo ba kayo sa akin hinggil sa pagsamba ko sa Allâh (I) na Bukod-Tangi at Nag-iisa, samantalang ginabayan Niya ako tungo sa pagkakakilala sa Kanyang Kaisahan?

“At kung tinatakot ninyo ako na kaya akong ipahamak ng inyong mga sinasamba, walang pag-aalinlangan na hindi ako natatakot, at ito ay hindi makapagpapahamak sa akin, maliban na lamang kung gugustuhin ng aking ‘Rabb’ na mangyari ang anumang bagay. Saklaw ng aking ‘Rabb’ sa Kanyang Kaalaman ang lahat ng bagay. Hindi ba kayo nakaaalaala kung gayon, nang sa gayon ay malaman ninyo na Siya lamang ang Bukod-Tangi na karapat-dapat sambahin?”

81. “At paano ako matatakot sa mga rebulto na inyong sinasamba samantalang kayo ay hindi natatakot sa aking ‘Rabb’ na Siyang Lumikha sa inyo at sa inyong mga rebulto na inyong itinatambal sa pagsamba sa Kanya, gayong wala naman kayong anumang katibayan? Sino ba sa dalawang grupo – ang grupo ng mga sumasamba ng iba bukod sa Allâh (I) at ang grupo na tanging sumasamba lamang sa Allâh (I), sino ba ang mas may karapatan na maging mapanatag, mapayapa at ligtas sa kaparusahan ng Allâh (I)? Kung alam ninyo na kayo ay totoo sa inyong sinasabi ay sabihin ninyo sa akin.”


82. Ang mga yaong naniwala sa Allâh (I) at sumunod sa Kanyang Sugo, na hindi nila hinaluan ang kanilang paniniwala ng ‘Shirk’ o pagtatambal, ang para sa kanila ay kapanatagan at kapayapaan, at sila ang ginabayan tungo sa Matuwid na Landas.
83. At yaon ang katibayan na Aming ipinagkaloob kay Ibrâhim na siyang ginawa niyang katwiran sa kanyang pakikipagtalo sa kanyang mga sambayanan, hangang sa nagapi niya ang kanilang katibayan.

Iniaangat Namin ng antas ang sinuman na Aming nais mula sa Aming mga alipin, dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay. Katiyakan, ang iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha ay ‘Hakeem’ – Ganap na Maalam sa pangangasiwa sa Kanyang mga nilikha, na ‘`Aleem’ – Ganap na Nakababatid sa kanila.

84. At biniyayaan Namin si Ibrâhim sa pamamagitan ng pagkakaloob Namin sa kanya ng anak na si Ishâq at inapo na si Ya`aqûb (Jacob), at silang dalawa ay ginabayan ng Allâh (I) sa Daan ng Patnubay; at bago kay Ibrâhim, Ishâq at Ya`aqûb, ay ginabayan din Namin si Nûh (Noah); at ganoon din, kabilang sa kanyang inapo na ginabayan ay sina Dâwood (David), Sulaymân (Solomon), Ayyûb (Job), Yûsuf (Joseph), Mousâ (Moises) at Hâroun (Aaron) (‘`Alayhimus salâm’). At ganoon ang paggantimpala Namin sa kanila na mga Propeta sa kanilang kabutihan, na ginagantimpalaan Namin ang lahat ng mabubuti.

85. At ginabayan din Namin sina Zakariyâ (u), Yahyâ (Juan u), `Îsã (Hesus u) at Ilyâs (u), na lahat sila ay mga Propeta (‘`Alayhimus salâm’) na kabilang sa mga matatapat.

86. At ginabayan din Namin sina Ismâ`îl (Ishmael u), Al-Yasa` (Elisha u), Yûnus (Jonah u) at saka si Lût (Lot u); at lahat sila ay mga Sugo mula sa mga Propeta, na mas pinili Namin kaysa sa ibang mga tao, sa kani-kanilang kapanahunan.

87. At ginabayan din Namin sa katotohanan ang sinuman na Aming nais na gabayan mula sa kanilang mga magulang, sa kanilang mga pamilya at sa kanilang mga kapatid; at pinili Namin sila sa Aming Relihiyon (‘Deen’) para sila ang magparating ng Aming mensahe sa mga tao na kung saan sila ay ipinadala, at ginabayan Namin sila sa Tamang Landas nang walang kamalian, na ito ay hinggil sa Kaisahan ng Allâh (I) at paglalayo sa Kanya mula sa lahat ng uri ng ‘Shirk’ (pagtatambal o pagsamba ng iba).

88. At ang patnubay na ito ay ang Patnubay ng Allâh (I), na iginagabay Niya sa sinuman na Kanyang nais mula sa Kanyang mga alipin. At kahit na sila pa ay mga Propeta, kung sakali na sila ay sasamba ng iba bukod sa Allâh (I) ay mawawalan ng saysay ang lahat ng kanilang ginawa; sapagka’t ang Allâh (I), hindi Niya tinatanggap ang anumang gawa na may kahalong ‘Shirk.’

89. Sila na mga Propeta, na biniyayaan Namin ng patnubay at pagiging Propeta, na sila ang mga yaong pinagkalooban Namin ng Aklat na katulad ng ‘Suhuf’ ni Ibrâhim, ‘Tawrah’ ni Mousâ, ‘Zabour’ ni Dâwood (David) at ‘Injeel’ ni `Îsã (Hesus); at pinagkalooban Namin sila ng kagalingan sa pagkakaunawa sa mga Aklat na ito, at pinili Namin sila para iparating ang Aming ‘Wahi’ (o Rebelasyon).

Na kung kaya, kung lalabagin ng mga walang pananampalataya mula sa iyong sambayanan ang mga talata ng Banal na Qur’ân, O Muhammad (r), katiyakan ipinagkatiwala Namin ito sa ibang mga tao – ang ibig sabihin ay sa mga ‘Muhâjireen’ at mga ‘Ansar,’ at ang mga tagasunod nila hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay – na sila ay hindi lalabag, kundi ito ay paniniwalaan nila at tutuparin nila kung anuman ang kanilang pinaniwalaan.

90. Sila na mga Propetang nabanggit ay ang mga yaong ginabayan ng Allâh (I) tungo sa Kanyang tunay na Relihiyon; na kung kaya, tahakin mo ang kanilang mga Daan, O Muhammad (r).

Sabihin mo sa mga ‘Mushrikin:’ “Hindi ako humihingi sa inyo ng kapalit na makamundong bagay sa aking pagpaparating sa inyo ng Islâm, dahil ang aking gantimpala ay mula lamang sa Allâh (I). At walang anumang mensahe ang Islâm kundi hikayatan ang lahat ng tao tungo sa Matuwid na Daan, at paalalahanan kayo at lahat ng katulad ninyo na nananatili sa kamalian; nang sa gayon, ay makaalaala kayo sa anumang bagay na kapaki-pakinabang sa inyo.”
91. Hindi nila iginalang ang Allâh (I) nang karapat-dapat na paggalang para sa Kanya, noong sila ay hindi naniwala na ang Allâh (I) ay nagpahayag ng anumang kapayahagan sa sinumang tao.

Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (r): “Kung ang katulad ng inyong inaangkin ay katotohanan, sino kung gayon, ang nagpahayag ng Aklat na dala-dala ni Mousâ sa kanyang sambayanan bilang Liwanag sa sangkatauhan at Gabay sa kanila?” Pagkatapos ay inihayag niya ang mga salita sa mga Hudyo para pigilan sila sa kanilang maling gawain, sa pagsasabi sa kanila ng: “Pinaghiwa-hiwalay ninyo ang Aklat sa pira-pirasong pahina, at pagkatapos inilantad ninyo ang iba at ang karamihan dito ay inilihim ninyo, at kabilang sa inyong inilihim ay ang kapahayagan hinggil sa katangian ni Muhammad (r) at ang kanyang pagiging Propeta.

“At tinuruan kayo ng Allâh (I), O kayong mga Arabo, ng Banal na Qur’ân, na Kanyang ipinahayag sa inyo, na kung saan nandoroon ang mga kuwento ng mga nauna sa inyo at ng mga susunod pa sa inyo pagkatapos ninyong mamatay, na ito ay wala kayong kaalam-alam, kayo at ang inyong mga ninuno.” Sabihin mo: “Ang Allâh (I) ay Siyang nagpahayag nito.” Pagkatapos ay pabayaan mo na sila sa kanilang mga walang kabuluhan na sinasabi at pakikipagtalo.

92. At ang Aklat na ito na Qur’ân na Aming ipinahayag sa iyo, O Muhammad (r), ay isang mabiyayang Aklat, na nagpapatunay sa mga naunang Aklat kaysa rito, na ipinahayag Namin ito upang balaan ang mga taga-Makkah mula sa kaparusahan ng Allâh (I) at ang mga nasa palibot doon na mula sa iba’t ibang dako ng daigdig. At ang yaong mga naniwala sa Kabilang-Buhay, na pinaniniwalaan nila na ang Banal na Qur’ân na ito ay salita ng Allâh (I), at pinangangalagaan ang pagsagawa ng ‘Salâh’ sa tamang oras.

93. At sino pa ba ang higit na di-makatarungan kaysa sa isa na nag-iimbento ng kasinungalingan laban sa Allâh (I), at inaangkin niya na walang sinuman ang ipinadala sa mga tao bilang Sugo; o inaangkin niya bilang pagsisinungaling laban sa Allâh (I), na ang Allâh (I) ay nagpahayag sa kanya, gayong walang anumang ipinahayag sa kanya; o inaangkin niya na kaya niyang magpahayag na tulad ng ipinahayag ng Allâh (I) na Qur’ân?

At kung makikita mo, O Muhammad (r), sila na mga sukdulan ang kanilang kasamaan, habang sila ay naghihirap sa oras ng kanilang kamatayan, at ang mga anghel na humahablot ng kanilang mga kaluluwa ay nakalahad ang kanilang mga kamay sa pagpaparusa, na kanilang sinasabi sa kanila (na masasama): “Ilabas ninyo ang inyong mga kaluluwa, dahil ngayon ay ipapahamak kayo nang matinding pagkahamak, na katulad ng ginawa ninyo noon na pagsisinungaling laban sa Allâh (I); at ang kinagawian ninyong pagtanggi at pagmamataas sa pagsunod sa mga talata ng Allâh (I) at sa Kanyang mga Sugo.”

94. At katiyakan, dumating na kayo sa Amin para sa paghuhukom at pagbabayad na isa-isa; na katulad ng pagkakalikha Namin sa inyo dito sa daigdig sa unang pagkakataon, na mga nakayapak at wala na kahit na anumang kasuotan.

At iniwanan na ninyo ang anumang Aming ipinagkaloob sa inyo na inyong ipinagmamalaki na yaman dito sa daigdig, at hindi na Namin nakikita na kasama ninyo sa Kabilang-Buhay ang inyong mga rebulto o mga imahen na inyong pinananiwalaan na siyang (inaasahan ninyong) magliligtas sa inyo, at inaangkin ninyo na ito ay mga katambal na sinasamba ninyo kasama sa Allâh (I).

Katiyakan, na nawala na ang inyong kumunikasyon sa kanila na katulad ng ginawa ninyong pakikipag-kumunikasyon sa kanila sa daigdig, at naglaho na sa inyong mga sarili ang mga dati ninyong inaangkin at sinasamba na mga diyus-diyosan, at pinaniniwalaan ninyo na ang mga ito ay katambal ng Allâh (I) sa pagsamba sa Kanya; at naging malinaw na sa inyo na kayo ay talunan na wala nang pakinabang sa inyong mga sarili, sa inyong mga pamilya at mga kayamanan.


95. Katiyakan, ang Allâh (I), sinasanhi Niya na mabiyak ang butil, upang sumibol mula roon ang punla, at sinasanhi rin Niya na mabiyak ang buto upang sumibol mula roon ang puno, at inilalabas (Niya) ang buhay mula sa walang buhay na katulad ng tao at hayop na mula sa semilya; at inilalabas Niya ang walang buhay mula sa buhay na bagay, na katulad ng semilya mula sa tao at hayop.
At ganito ang Allâh (I), na ang ibig sabihin: “Ang gumagawa nito ay ang Allâh (I) lamang na Bukod-Tangi na walang katambal, na Siya lamang ang karapat-dapat na sambahin, kung gayon paano ninyo iniligaw ang inyong mga sarili mula sa katotohanan tungo sa kamalian at sumamba kayo ng iba bukod sa Kanya?”

96. Ang Allâh (I) ay Siyang nagsasanhi na pumitak ang liwanag ng umaga mula sa kadiliman ng gabi. At ginawa Niya ang gabi bilang pahingahan, tumitigil ang lahat ng mga gumagalaw at nananahimik, at ginawa Niya ang araw at buwan na tumatakbo sa mga ‘orbit’ (landas o ligiran) nito sa pinakaangkop na ayos na hindi nababago at hindi nagkakagulu-gulo.

Ganito ang pagkakatakda ng Allâh na ‘Al-`Azeez’ – ang Kataas-Taasan at Punung-Puno ng Karangalan na Ganap na Makapangyarihan sa Kanyang mga Kaharian, na ‘Al-`Aleem’ – ang Ganap na Nakaaalam sa anumang nakabubuti sa Kanyang mga nilikha at Tagapangasiwa sa kanila. Ang ‘Al-`Azeez’ at ‘Al-`Aleem’ ay kabilang sa mga magagandang Pangalan ng Allâh (I) na tumutukoy sa kaganapan ng Kanyang pagiging Kataas-Taasan at Punung-Puno ng Karangalan na Makapangyarihan at pagiging Nakaaalam.

97. At ang Allâh (I) na Siyang gumawa para sa inyo, O kayong mga tao, ng mga bituin bilang mga palatandaan, na sa pamamagitan nito ay nababatid ninyo ang inyong mga pinagdaraanan sa gabi, kapag kayo ay naligaw dahil sa matinding kadiliman sa kapatagan o sa karagatan, katiyakang ipinaliliwanag Namin sa inyo nang ganap ang mga malilinaw na palatandaan; upang ito ay mawari ng mga maaalam mula sa inyo, ang hinggil sa Allâh (I) at sa Kanyang batas.

98. At ang Allâh (I) na Siyang nagpanimula ng paglikha sa inyo, O kayong mga tao, mula kay Âdam (u), noong siya ay nilikha mula sa alabok, at pagkatapos kayo naman ay nanggaling sa kanyang lahi, ginawa Niya na kayo ay malagak sa isang ligtas na lugar, na pansamantalang inyong pinanatilihan, na ito ay sinapupunan ng mga kababaihan at ang lugar ng imbakan na kung saan kayo ay pinangalagaan na ito ay sa ‘sulb’ o gulugod (o ‘backbone’) ng mga kalalakihan.

Katiyakan, Aming ipinaliliwanag ang mga katibayan at ginawa Naming daan sa mga taong nakaiintindi ng mga katibayan at mga aral.

99. At ang Allâh (I) ay Siyang nagbaba mula sa mga ulap ng mga tubig-ulan at sa pamamagitan nito ay sumisibol ang mga halamanan at ang lahat ng mga uri ng pananim; at sumisibol mula sa mga pananim na ito ang mga gulay, mga puno, mga halamanan at mga punong luntian, pagkatapos ay sumisibol mula sa mga halamanan ang mga butil na makakapal, mga butil trigo, palay at iba pa; at sumisibol mula sa ubod ng ‘Tamr’ (‘datiles’) ang bunga nito na nakalaylay at madaling pitasin.

At pinasisibol din ng Allâh (I) ang mga halamanan ng mga ubas, at ganoon din ang mga puno ng oliba (‘olives’) at ‘rumman’ (granada o ‘pomegranates’); magkakatulad na mga dahon subali’t magkakaiba ang mga bunga, hitsura at lasa, at ang katangian nito. Pagmasdan ninyo, O kayong mga tao, ang bunga ng mga pananim kapag ito ay namumunga na, at ang paghinog nito pagdating ng panahon ng taghinog nito.

Katiyakan, sa mga bagay na ito, O kayong mga tao, ay may masasaganang palatandaan sa ganap na kapangyarihan ng Lumikha ng mga bagay na ito. At ang Kanyang karunungan at awa sa mga taong naniniwala sa Kanya.

100. Magkagayupaman, inihanay pa rin ng mga ‘Mushrikun’ ang mga ‘Jinn’ bilang mga katambal sa pagsamba sa Allâh (I); sa paniniwala na ang mga ito ay nagdudulot ng pakinabang o kapinsalaan.

Walang pag-aalinlangan na nilikha sila ng Allâh (I) at ang kanilang mga sinasamba mula sa wala, na Siya lamang ang tanging Tagapaglikha; na kung kaya, nararapat lamang na Siya ay sambahin nang walang katambal.

At katiyakan, nagparatang ang mga ‘Mushrikun’ ng kasinungalinang laban sa Allâh (I), na itinatangi nila sa Allâh (I) ang mga anak na mga kalalakihan at mga kababaihan; dahil sa kanilang kamangmangan sa ganap na katangian ng Allâh (I). ‘Subhânahu wa Ta`âlâ’ – Luwalhati sa Kanya at Kataas-taasan, na malayo sa anumang itinatangi ng mga ‘Mushrikun’ sa Kanya na mga kasinungalingan at pang-iimbento.
101. Ang Allâh (I), Siya ay ‘Badi`’ – Nagpasimula ng paglikha ng mga kalangitan at ang kalupaan at ang anuman na nilalaman ng mga ito, nang wala Siyang pinanggayahan; kung gayon, paano Siya magkakaroon ng anak samantalang wala naman Siyang asawa? Lubusan na Napakataas ng Allâh (I) hinggil sa mga maling pag-aangkin ng mga ‘Mushrikûn,’ dahil Siya ang Lumikha ng lahat ng bagay mula sa wala, at ‘`Aleem’ – Ganap na Nakaaalam na walang anumang bagay ang naililihim sa Kanya hinggil sa Kanyang mga nilikha.
102. Ganito ang Allâh (I), O kayong mga ‘Mushrikun,’ na inyong ‘Rabb’ na Kataas-taasan, walang may karapatan at karapat-dapat na sambahin bukod sa Kanya, nilikha Niya ang lahat ng bagay. Kung gayon, magpakumbaba kayo sa Kanya bilang pagsunod at pagsamba. Siya ay ‘Wakeel’ – ang Tagapangalaga ng lahat ng bagay na Nangangasiwa sa Kanyang mga nilikha.

103. Ang Allâh (I) ay hindi maaarok ng lahat ng uri ng paningin, dito sa daigdig, subali’t sa Kabilang-Buhay ay makikita ng mga mananampalataya ang kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha (Allâh I); at Ganap na Nakikita Niya ang lahat ng paningin at Nababatid Niya ito, at Ganap na Nakaaalam ng lahat ng bagay na kanilang tinataglay; Siya ay ‘Al-Latif’ – ang Pinakadalubhasa, ang Ganap na Tagapangalaga sa mga malalapit sa Kanya, na ‘Al-Khabeer’ – Ganap ang Kanyang Kagalingan na Nakababatid sa lahat ng mga bagay, di man ito kayang abutin ng kaisipan ng tao.

104. Sabihin mo, O Muhammad, sa mga ‘Mushrikun’ na nagtatambal sa pagsamba sa Allâh (I): “Katiyakan, dumating sa inyo ang mga malilinaw na palatandaan, na sa pamamagitan nito ay makikita ang patnubay mula sa pagkaligaw, na ito ay ang anumang niloloob ng Banal na Qur’ân at ang dala-dala ng Sugo (na si Muhammad).

“At sa sinuman na naging malinaw sa kanya ang mga palatandaan at pagkatapos ito ay kanyang pinaniwalaan, walang pag-aalinlangan na siya ay nakagawa ng kabutihan sa kanyang sarili; at sino naman ang hindi nakita ang patnubay pagkatapos naging malinaw sa kanya ang katibayan ay katotohanan na hinamak niya ang kanyang sarili.

“At hindi ako ang tagapagmasid sa inyong mga ginagawa, kundi ako ay tagapagpahayag lamang, at ang Allâh (I) ay Siyang gumagabay sa sinuman na Kanyang nais at inililigaw ang sinuman na Kanyang nais ayon sa Kanyang Ganap na Kaalaman, pagiging Ganap na Makatarungan at Ganap na Karunungan.”
105. At sa ganito Namin ipinaliliwanag sa Banal na Qur’ân, ang mga malilinaw na palatandaan, sa mga ‘Mushrikin’ hinggil sa Kaisahan ng Allâh (I) at pagka-Propeta ni Propeta Muhammad (r) at sa kanilang patutunguhan.

Nililiwanag Namin sa kanila ang mga palatandaan sa lahat ng bagay na hindi nila alam, subali’t sinasabi nila bilang pagsisinungaling: “Ito ay natutunan mo lamang mula sa ‘Ahlul Kitâb’ – mga nagtatangan ng Kasulatan na mga Hudyo at mga Kristiyano,” at upang maipahayag Namin ang katotohanan sa mga taong nakaiintidi nito, at pagkatapos ay kanilang tatanggapin at susundin; na kung kaya, sila ang mga naniwala sa Sugo ng Allâh (I) na si Propeta Muhammad (r) at ang anumang ipinahayag sa kanya.

106. Sundin mo, O Muhammad (r), ang anumang Aming ipinahayag sa iyo na batas na pag-uutos at pagbabawal, na ang pinakadakila sa lahat ng ito ay ang hinggil sa Kaisahan ng Allâh (I) at ang paghihikayat sa iba hinggil dito, at hayaan mo na ang pagmamatigas ng mga ‘Mushrikun’ at ang kanilang mga maling paratang.

107. At kung nanaisin lamang ng Allâh (I) sa mga ‘Mushrikin,’ na hindi sila sasamba ng iba bukod sa Kanya ay hindi mangyayari na sila ay sasamba roon, subali’t ang Allâh (I) ay Siyang Ganap na Nakaaalam sa anumang mangyayari na pagpili nila nang mali at sa kanilang pagsunod sa kanilang maling sariling kagustuhan.

At hindi ka Namin ginawa, O Muhamamd, na tagapagmasid o kanilang tagapangalaga upang sila’y pangalagaan sa kanilang mga ginagawa o anumang kanilang ikabubuti.

108. O kayong mga Muslim! Huwag ninyong kutyain (insultuhin) ang mga rebulto o anumang sinasamba ng mga ‘Mushrikun,’ upang hindi ito ang maging dahilan ng kanilang pangungutya (pang-iinsulto) sa Allâh (I) dahil sa kanilang kamangmangan o pagbibigay ng paratang sa Kanya na wala naman silang kaalaman.

At kung paano Namin ginawa na maging kaiga-igaya sa kanila ang kanilang mga masasamang gawa bilang kaparusahan sa kanilang maling pagpili, ay ginawa rin Naming kaiga-igaya sa bawa’t sambayanan ang kanilang mga ginagawa; pagkatapos sila ay magbabalik lahat sa kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha, at sasabihin sa kanila kung ano ang kanilang ginawa dito sa daigdig, at pagkatapos ay tutumbasan sila ayon sa mga gawaing ito.

109. At sumumpa sila na mga ‘Mushrikun’ nang matibay na panunumpa: “Na kung magdadala sa amin si Muhammad (r) ng tanda ng himala, ay walang pag-aalinlangan na maniniwala kami sa kanyang dala-dala,” sabihin mo sa kanila, O Muhammad (r): “Ang himala na nangyayari ay mula lamang sa Allâh (I), na Siya lamang ang may kakayahan na gawin ito, kung ito ay Kanyang nais. At ano ang magpapabatid sa inyo, O kayong mga mananampalataya, na kapag dumating sa kanila ang mga himalang ito ay hindi pa rin sila maniniwala?”

110. At Aming ibabaling ang kanilang mga puso at mga paningin, at ilalayo Namin sila at hindi na sila makikinabang pa sa mga palatandaan ng Allâh (I) at sa mga talata ng Banal na Qur’ân; na kung kaya, hindi na sila maniniwala na katulad ng hindi nila paniniwala noong una itong ipinahayag, at pababayaan Namin sila sa kanilang paglabag sa Allâh (I) na hindi na sila mapapatnubayan pa tungo sa katotohanan, na sila ay parang mga gumagala-gala na bulag.

111. At kahit na tugunan pa Namin ang kanilang kahilingan at magpadala Kami sa kanila ng mga anghel mula sa kalangitan, at buhayin pa Namin para sa kanila ang mga namatay at makipag-usap ang mga ito sa kanila, at pagsama-samahin pa Namin ang lahat ng kanilang mga kahilingan, at ito ay makita nila sa kanilang mga harapan, ay hindi pa rin sila maniniwala sa paghahayag mo ng mensahe, O Muhammad (r); at hindi rin nila ito susundin maliban na lamang sa sinuman na ninais ng Allâh (I) na mapatnubayan, subali’t ang karamihan sa kanila na mga walang pananampalataya ay walang kaalam-alam hinggil sa katotohanan na dala-dala mo mula sa Allâh (I).

112. At kung paano ka Namin sinubukan, O Muhammad, dahil sa iyong mga kalaban na ‘Mushrikin;’ ay sinubok din Namin ang lahat ng mga Propeta sa kanilang mga kalaban mula sa mga lumabag o naghimagsik mula sa kanilang mga sambayanan; at mga kalaban na nagmula sa mga masasamang ‘Jinn,’ na nag-uudyukan sila sa isa’t isa (o nagbibigay ng inspirasyon sa isa’t-isa) na mga pinagagandang salita ng kamalian; upang malinlang ang sinumang makarinig nito, at mailigaw mula sa Daan ng Allâh (I).

Kung ninais lamang ng iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha ay haharangan sila at hindi sila makikipaglaban, subali’t ito ay mga pagsubok na mula sa Allâh (I); na kung kaya, pabayaan mo na sila sa kanilang mga maling paratang at kasinungalingan.

113. At nang sa gayon ay kumiling (o bumaling) sa ganito ang mga puso ng mga walang pananampalataya na hindi naniniwala sa Kabilang-Buhay at hindi naghahanda para rito, at upang maging kaiga-igaya sa kanilang mga sarili ang kamalian, at upang tuluyan nilang magawa ang kasamaan na kanilang ginagawa. Na samakatuwid, ito ang matinding babala para sa kanila.

114. Sabihin mo, O Muhammad, sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Ako ba ay maghahangad pa ng ibang hukom bukod sa Allâh (I) na aking ‘Ilâh’ (Diyos na sinasamba) at inyong ‘Ilâh’ para maging hukom sa pagitan natin, samantalang ang Allâh (I) ay Siyang nagpadala sa inyo ng Banal na Qur’ân, na ganap na naglilinaw ng batas hinggil sa kung ano ang pinagtatalunan ninyo patungkol sa akin at sa inyo?”

At ang mga angkan ni Isrâ`îl na pinagkalooban ng ‘Tawrah’ at ‘Injeel,’ ay batid nila na ang Banal na Qur’ân ay ipinahayag sa iyo, O Muhammad, mula sa iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha bilang katotohanan; na kung kaya, huwag na huwag kang pabibilang sa mga yaong nag-aalinlangan sa anuman na Aming ipinahayag sa iyo.

115. At ang salita ng iyong ‘Rabb’ na Banal na Qur’ân ay nabuo, sa pagiging totoo nito sa ibinabalita at inihahayag at sa pagiging makatarungan sa Kanyang batas; na kung kaya, walang sinuman ang magkakaroon ng kakayahan na baguhin ang Kanyang mga salita at ganap na batas. At ang Allâh (I) ay ‘As-Samee’ – Ganap na Nakaririnig sa sinasabi ng Kanyang mga alipin, na ‘Al-`Aleem’ – Ganap na Nakaaalam sa anuman na nakalantad o lihim hinggil sa kanila.

116. At kung sakali man na sinunod mo, O Muhammad, ang karamihan na mga tao sa daigdig, ay tiyak na ililigaw ka nila mula sa ‘Deen’ ng Allâh (I); at wala silang sinusunod kundi haka-haka bilang panggagaya sa kanilang mga ninuno at wala silang ginagawa kundi pag-iisip lamang ng mga haka-haka at pagsisinungaling.

117. Katiyakan, ang Allâh (I) na iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, Siya ay ganap na Nakaaalam ng mga naligaw mula sa Matuwid na Landas, at Ganap na Nakaaalam kung sinuman sa inyo o kanila ang nasa Matuwid na Landas at Patnubay, walang anuman ang naililihim sa Kanya hinggil sa kanila.

118. Na kung kaya, kumain kayo mula sa mga kinatay sa Pangalan ng Allâh (I), kung kayo ay naniniwala sa malilinaw na mga palatandaan ng Allâh (I).
119. At ano ba ang nagbabawal sa inyo, O kayong mga Muslim, na kumain sa anumang kinatay sa Pangalan ng Allâh (I), saman-talang ipinahayag ng Allâh (I) ang lahat ng mga ipinagbabawal sa inyo? Magkagayunpaman, ang anumang bagay na napilitan kayo dahil sa kagutuman mula sa mga ipinagbabawal sa inyo na katulad ng ‘Maytah,’ ay ipinahihintulot sa inyo (sa ganitong pagkakataon). Subali’t karamihan sa mga naligaw ay nililihis nila mula sa Daan ng Allâh (I) ang kanilang mga tagasunod, sa pagpapahintulot ng ‘Harâm’ at pagbabawal ng ‘Halâl,’ dahil sa kanilang sariling kagustuhan, na kanilang kamang-mangan.

Katiyakan, ang iyong ‘Rabb,’ Siya ay Ganap na Nakaaalam sa sinumang lumabag sa Kanyang batas (na pagpapahintulot at pagbabawal) at Siya rin samakatuwid ang huhukom at magtutumbas.

120. At iwasan ninyo, O kayong mga tao, ang lahat ng uri ng kasalanan, maging ito man ay nakalantad o lihim. Katiyakan, ang mga yaong gumagawa ng kasalanan ay parurusahan sila ng kanilang ‘Rabb’ dahil sa mga kasamaang ito na kanilang ginawa.

121. At huwag kayong kumain, O kayong mga Muslim, mula sa mga kinatay na hindi sa Pangalan ng Allâh (I); o namatay na hindi binanggit ang Pangalan ng Allâh (I), na katulad ng ‘Maytah’ at anumang kinatay bilang pag-aalay sa mga rebulto, pag-aatang (pag-aalay) sa mga ‘Jinn’ at iba pa.

At katiyakan, ang pagkain ng mga ganoong uri ng kinatay ay paglabag sa kagustuhan ng Allâh (I). At katiyakan, iniuudyok ito ng mga masasamang ‘Jinn’ sa kanilang mga kaibigan na taong ‘shaytân,’ upang lituhin sila hinggil sa pagbabawal ng pagkain ng ‘Maytah,’ na kung kaya, uutusan sila (ng mga masasamang ‘Jinn’) na sabihin sa mga Muslim sa pamamagitan ng pakikipagtalo sa kanila (bilang panlilinlang): “Katiyakan, dahil sa pagbabawal ninyo ng pagkain ng ‘Maytah’ ay hindi ninyo kinakain ang pinatay ng Allâh (I), samantalang ang kinatay ninyo ay kinakain ninyo.”

Samakatuwid, kung susunod kayo sa kanila, O kayong mga Muslim, sa pagpapahintulot ng ganitong pagkain ay magiging katulad kayo nila sa pagiging ‘Mushrik’ [nagtambal sa pagsamba o sumamba ng iba bukod sa Allâh (I)].

122. O siya ba na namatay dahil sa pagkaligaw at nawasak sa matinding pag-aalinlangan; at pagkatapos ay binuhay Namin ang kanyang puso sa paniniwala, at ginabayan Namin tungo rito, at pinatnubayan sa pagsunod sa Kanyang mga Sugo at siya ay nabuhay sa mga liwanag ng patnubay; magiging katulad ba siya ng mga nasa kamangmangan at pagtanggi, na gumagala-gala na ligaw, na hindi na nagabayan tungo sa kaligtasan at wala nang makapagliligtas pa sa kanyang kinaroroonan? Hindi maaaring sila ay magkatulad!

Sa ganoon nalinlang ang walang pananampalatayang ito, na nakikipagtalo sa inyo na mga mananampalataya, na naging kaiga-igaya sa kanya ang kanyang masamang gawain, na ang tingin niya, ito ay mabuti. Na kung kaya, pinaganda sa mga walang pananampalataya ang kanilang mga masasamang gawain upang maging karapat-dapat sila sa kaparusahan.

123. At ganoon ang ginawa (noon) ng mga pinuno ng mga walang pananampalataya sa Makkah, na pagpigil sa ‘Deen’ o Relihiyon ng Allâh (I), na Kami ay naglalagay sa bawa’t bayan ng mga masasama na sila ay pinamunuan ng mga nakaaangat sa kanila sa kasamaan upang gumawa ng pakana para pigilan ang Relihiyon ng Allâh (I), subali’t wala silang pinipinsala kundi ang kanilang mga sarili lamang; magkagayunpaman ay hindi nila ito namamalayan.

124. At kapag dumating sa kanila na mga ‘Mushrikin’ sa Makkah (noon) ang malinaw na katibayan sa pagiging Propeta ni Muhammad, sasabihin ng ilan sa kanila na nakatataas: “Kailanman ay hindi kami maniniwala sa kanyang pagiging Propeta hangga’t hindi kami pinagkakalooban ng Allâh (I) ng katibayan at mga himala na katulad ng Kanyang ipinagkaloob sa mga naunang mga Sugo.” At sinagot sila ng Allâh (I) at Kanyang sinabi: “Ang Allâh (I) ay Siyang Ganap na Nakaaalam kung kanino Niya dapat ipagkaloob ang Kanyang mensahe, na ang ibig sabihin ay sa mga yaong karapat-dapat sa pagpapahayag ng mensahe at sa pagpaparating nito sa mga tao.”

Walang pag-aalinlangan, makakamtan ng mga sukdulan ang kasamaan ang kapahamakan; at para sa kanila ang masidhing kaparusahan sa Impiyernong-Apoy, dahil sa kanilang mga pakana laban sa Islâm at sa mga tagasunod nito.


125. At sinuman ang ninais ng Allâh (I) na gabayan upang tanggapin ang katotohanan, ay bubuksan Niya ang kalooban nito sa Islâm; at sinuman ang naisin Niya na maligaw ay gagawin Niya ang kalooban nito na sarado at masikip na siya ay mahihirapan sa pagtanggap ng patnubay, na ang katulad niya ay ang isa na umaakyat paitaas, na nagka-karoon ng paninikip sa kanyang paghinga.
At ganoon ang ginagawa ng Allâh (I) sa mga kalooban ng mga walang pananampalataya na paninikip, na naninikip ang kanilang dibdib sa paghinga; na ganoon ang ginawang parusa sa mga walang pananampalataya.

126. At ang ipinahayag Naming ito sa iyo, O Muhammad, ang siyang Matuwid na Landas na nag-aakay tungo sa pagmamahal ng iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha at sa Kanyang ‘Al-Jannah’ (Hardin). Katiyakan, nililinaw Namin ang mga katibayan sa sinumang nakaaalaala mula sa mga nagmamay-ari ng mga matitinong pag-iisip.

127. Para sa mga nakaaalaala sa kanilang ‘Rabb,’ sa Araw ng Muling Pagkabuhay ang tahanan ng kaligtasan, kapanatagan mula sa anumang hindi kanais-nais, na ito ay ‘Al-Jannah’ (Hardin). Ang Allâh (I) ay Siyang kanilang magiging Tagapagtaguyod at Tagapangalaga bilang gantimpala sa kanila dahil sa kanilang mga mabubuting gawa.

128. At alalahanin mo, O Muhammad (r), ang Araw na titipunin ng Allâh (I) ang mga walang pananampalataya kasama ang kanilang mga kaibigan na mga ‘Shaytân’ na mga ‘Jinn’ at Kanyang sasabihin: “O Kayong mga ‘Jinn!’ Katiyakan, iniligaw ninyo ang maraming tao.” At sasabihin ng kanilang mga kaibigan mula sa mga walang pananampalataya na mga tao: “O aming ‘Rabb!’ Nakinabang sa amin ang isa’t isa, subali’t ngayon ay narating na namin ang hangganang itinakda Mo para sa amin na katapusan ng aming buhay sa daigdig.”

Sasabihin ng Allâh (I) sa kanila: “Ang Impiyerno ang patutunguhan ninyong lahat, na kayo ay mananatili roon magpasawalang-hanggan, maliban sa sinumang naisin ng Allâh (I) na hindi manatili roon mula sa mga makasalanan na sumamba sa Kanya nang Bukod-Tangi at Nag-iisa.

“Katiyakan, ang Allâh (I) na inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha ay ‘Hakeem’ – Ganap na Maalam sa Kanyang Pangangasiwa at Ginagawa, na ‘`Aleem’ – Ganap na Nakaaalam sa lahat ng bagay sa Kanyang mga alipin.”

129. At kung paano Namin ginawa na maakit ng mga ‘Shaytân’ ang mga walang pananampalatayang tao, hanggang sa ang mga ito ay ginawa nilang mga ‘awliyâ`’ (tagapangalaga bukod sa Allâh I); ay ganoon din Namin ginawa na maakit ng mga masasamang tao ang isa’t isa mula sa kanila dito sa daigdig, dahil sa kanilang mga ginagawang kasamaan.

130. O kayong mga ‘Mushrikun’ na mga ‘Jinn’ at mga tao! Hindi ba dumating sa inyo ang mga Sugo mula sa inyong lahi, na tagapaghatid sa inyo ng Aking mga malilinaw na mga talata, na nagsasaad hinggil sa mga ipinag-uutos at ipinagbabawal – mabuti at masama; at binabalaan kayo hinggil sa pakikipagharap sa Aking kaparusahan sa Araw ng Muling Pagkabuhay? Sasabihin ng mga ‘Mushrikun’ na mga tao at mga ‘Jinn:’ “Tumestigo kami laban sa aming mga sarili, na ang Iyong mga Sugo ay ipinarating sa amin ang Iyong mga talata, at binalaan nila kami hinggil sa pagdating ng Araw na ito, subali’t hindi namin sila pinaniwalaan,” at nalinlang ang mga yaong mga ‘Mushrikin’ sa kinang ng daigdig, at tumestigo sila laban sa kanilang mga sarili, na nilabag nila ang Allâh (I) at ang Kanyang mga Sugo.

131. At ang pagpapadala Namin ng mga Sugo at pagbababa Namin ng mga Aklat sa mga ‘jinn’ at mga tao, ay para wala na silang maikakatwiran pa; dahil hindi pinarurusahan ang sinuman sa kanyang kasamaan kung hindi dumating sa kanya ang mensahe, at hindi Kami nagpaparusa ng kahit sinuman mula sa iba’t ibang sambayanan hangga’t hindi Kami nagpapadala ng Sugo sa kanila.

132. At sa bawa’t isa na gumagawa ng pagsunod sa Allâh (I) o paglabag sa Kanya, ay may mga antas batay sa kung ano ang kaniyang nagawa, na kung saan ipararating ito sa kanya ng Allâh (I), at ayon sa nagawang yaon ay tutumbasan siya. At kailanman ang iyong ‘Rabb,’ O Muhammad, ay hindi Niya Nakaliligtaan ang ginagawa ng sinuman sa Kanyang mga alipin.

133. At ang iyong ‘Rabb,’ O Muhammad (r), ang nag-utos sa mga tao na Siya ay sambahin, Siya ay Bukod-Tangi na ‘Al-Ghanee’ – ang Napakayaman na malaya sa lahat ng pangangailangan na Ganap at Walang Kakulangan, na ang lahat ng Kanyang mga nilikha ay nangangailangan sa Kanya sa lahat ng pagkakataon, Siya ang Nagmamay-ari ng napakalawak na awa at habag, na kung gugustuhin lamang Niya na wasakin kayo ay magagawa Niya, at pagkatapos ay palitan kayo ng ibang mga tao pagkatapos ninyong mawasak, na sila ay susunod sa Kanya, na katulad ng Kanyang paglikha sa inyo mula sa lahi ng mga nauna sa inyo.

134. Katiyakan, ang ipinangako ng Allâh (I) sa inyo, O kayong mga ‘Mushrikun,’ na kaparusahan dahil sa inyong paglabag, ay katiyakang magaganap sa inyo, at kailanman ay hindi ninyo matatakasan ang inyong ‘Rabb,’ dahil Siya ang May Kakayahan na ibalik kayong muli, kahit na naging alabok na kayo o naging mga buto na lamang.

135. Sabihin mo, O Muhammad (r): “O kayong mga tao! Gawin na ninyo ang anumang pamamaraan na inyong nais, at katiyakan, na gagawin ko rin ang anumang pamamaraan na aking nais ayon sa itinala ng aking ‘Rabb’ sa akin bilang batas, at walang pag-aalinlangang mababatid ninyo – sa oras na kayo ay parurusahan – kung sino ang mabuti ang kanyang patutunguhan.”

Katiyakan, hindi magkakamit ng pagmamahal ng Allâh (I) at ng Kanyang ‘Al-Jannah’ (Hardin) ang sinumang lumabag sa Kanyang batas at gumawa ng masama, at sumamba ng iba bukod sa Kanya o naglagay ng katambal sa pagsamba sa Kanya.

136. At nagtalaga ang mga ‘Mushrikun’ mula sa mga ilan na mga nilikha ng Allâh (I), na katulad ng mga pananim, mga bunga at mga hayop; na ito ay kanilang inihahandog sa kanilang mga panauhin at mga mahihirap. At nagtalaga rin sila ng ilang bahagi nito para sa kanilang mga sinasamba bukod sa Allâh (I), na tulad ng mga imahen at mga rebulto bilang pag-aalay, na kanilang sinasabi: “Ang kanilang itinalaga para sa kanilang mga sinasamba bukod sa Allâh (I) ay nakararating sa mga ito subali’t hindi nakararating sa Allâh (I)! Samantalang ang itinalaga nilang bahagi sa Allâh (I) ay nakararating pa rin sa kanilang tinatawag na ‘mga katambal!’” Napakasama ang kanilang pamamaraan ng paghatol at pagbabaha-bahagi.

137. Na kung papaano pinaganda ni ‘Shaytân’ sa mga ‘Mushrikin,’ ang pagtatalaga nila para sa Allâh (I) ng ilang bahagi mula sa kanilang mga inaani at mga hayop, at ang ilang bahagi naman nito ay itinalaga nila para sa kanilang mga sinasamba bukod sa Allâh (I); ay ganoon din pinaganda ng mga ‘Shaytân’ sa karamihan na mga ‘Mushrikin,’ ang pagpatay nila sa kanilang mga anak dahil sa pagkatakot ng kahirapan; upang maipahamak ng mga ‘Shaytân’ ang mga magulang sa pamamagitan ng pagpatay ng may buhay na ipinagbawal ng Allâh (I), maliban na lamang kung sa makatarungang paraan.

Na sa ganito sila nilito ni ‘Shaytân’ sa kanilang paniniwala, upang sila ay maligaw at mapahamak.

At kung ninais lamang ng Allâh (I) na ito ay hindi mangyari, ay hindi nila ito gagawin; subali’t ito ay Kanyang itinakda dahil sa batid Niya kung gaano sila kasama at kung saan sila patutungo. Na kung kaya, pabayaan mo sila, O Muhammad, mula sa kanilang mga maling pag-aangkin at pag-iimbento; at walang pag-aalinlangan, ang Allâh (I) ay Siyang huhukom sa pagitan mo at sa pagitan nila.


138. At sinabi ng mga ‘Mushrikin:’ “Ang kamelyong ito at ang mga pananim ay ipinagbabawal, na walang sinuman ang makakakain nito maliban na lamang sa kung ito ay pahihintulutan ng inaangkin nilang batas na nagmula sa mga taga-pangisawa ng mga rebulto at iba pa.
“Na ang (isa) namang (uri) ng kamelyong ito ay ipinagbabawal na sakyan sa likuran at hindi maaaring lagyan ng mga dalahin sa anumang pagkakataon, at ang (isa) namang kamelyong ito ay hindi binibigkas ang Pangalan ng Allâh (I) (sa oras na ito ay kinakatay) at sa anumang pagkakataon.”

At ginawa nila ang bagay na ito bilang pagsisinungaling laban sa Allâh (I), walang pag-aalinlangan, pagbabayarin sila ng Allâh (I) dahil sa kanilang maling pag-aangkin at kasinungalingan laban sa Kanya.

139. At sinabi ng mga Mushrikun: “Ang anuman na nasa loob ng sinapupunan ng hayop na ito na sanggol ay ipinahihintulot sa aming mga kalalakihan at ipinagbabawal sa aming mga kababaihan, kapag ito ay ipinanganak na buhay; at kapag ito naman ay ipinanganak na patay ay pare-pareho itong ipahihintulot sa kanila (na mga kalalakihan at kababaihan).”

Walang pag-aalinlangan, parurusahan sila ng Allâh (I) sa batas na kanilang itinala sa pamamagitan ng kanilang mga sarili na pagpapahintulot at pagbabawal, na ito ay hindi (naman talagang) ipinahintulot ng Allâh (I) para sa kanila.

Katiyakan, ang Allâh (I) ay ‘Hakeem’ – Ganap na Marunong sa pangangasiwa sa Kanyang mga nilikha, na ‘`Aleem’ – Ganap na Nakaaalam sa kanila.

140. Katiyakan na isang talunan at hamak ang sinumang pinatay nila ang kanilang mga anak dahil sa kahinaan ng kanilang pag-iisip at kamangmangan, at pagbabawal sa kung ano ang ipinagkaloob ng Allâh (I) sa kanila bilang pagsisinungaling laban sa Allâh (I).

Katiyakan na lumayo sila mula sa katotohanan, at kailanman ay hindi sila magiging kabilang sa mga taong ginabayan at pinatnubayan.

Paliwanag: Dahil ang pagpapahintulot o pagbabawal ay karapatan lamang ng Allâh (I) na Nag-iisa at Bukod-Tanging sinasamba na Siyang nagpanukala ng batas: ang ipinahihintulot ay ang anumang ipinahintulot ng Allâh (I) at ang ipinagbabawal ay ang anumang ipinagbawal ng Allâh (I), at walang sinuman sa Kanyang mga nilikha, isa o grupo man, ang may karapatang magpanukala ng batas para sa Kanyang mga alipin na hindi Niya ipinahintulot.

141. At ang Allâh (I), Siya ay lumikha para sa inyo ng mga hardin: mayroon sa mga ito ang nakabitin na katulad ng ubas, at mayroon namang hindi, subali’t ito ay nakaangat o nakalaylay sa puno nito na katulad ng datiles (‘Tamr’ o ‘dates’) at mga pananim na iba’t iba ang lasa nito; at ang ‘Zaytun’ (oliba) at ang ‘Rumman’ (granada o ‘pomegranates’) ay magkatulad ang hugis, subali’t magkakaiba ang bunga at lasa.

Kumain kayo, O kayong mga tao, mula sa mga bunga nito, sa panahon ng anihan o kapag ito ay hinog na, at ibigay ninyo ang obligadong ‘Zakâh’ (kawanggawa) para rito, at huwag ninyo itong sayangin sa pamamagitan ng marangyang paggagasta nito o pag-aaksaya at iba pa. Katiyakan, ang Allâh (I), hindi Niya nais ang sinumang mapag-aksaya.

142. At Lumikha Siya ng mga hayop na ang iba ay itinalaga para sa paghahakot, dahil sa laki at tangkad nito na katulad ng kamelyo, at mayroon namang hindi itinalaga para sa pagbubuhat dahil sa liit nito na katulad ng kambing at iba pa.

Kumain kayo sa mga ipinahintulot at ipinagkaloob sa inyo ng Allâh (I), mula sa mga hayop, at huwag ninyong ipagbabawal ang mga ipinahintulot ng Allâh (I) sa inyo mula sa mga ito upang sundin lamang ang mga yapak ni ‘Shaytân’ na katulad ng ginawa ng mga ‘Mushrikun.’ Katiyakan, si ‘Shaytân’ ay malinaw na lantaran ninyong kaaway.


143. Ang mga hayop na ito na ipinagkaloob ng Allâh (I) sa Kanyang mga alipin: kamelyo, baka at ‘ghânam’ (kambing at tupa) ay walong uri, na ang apat mula rito ay ‘ghânam:’ babae’t lalaking tupa at babae’t lalaking kambing.
Sabihin mo, O Muhammad, sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Ipinagbawal ba ng Allâh (I) ang dalawang lalaking ‘ghânam?’” Kapag sinabi nilang, “Oo,” katiyakan na sila ay nakapag-sinungaling hinggil dito; dahil hindi nila ipinagbabawal ang mga babaing ‘ghânam’ (tupa at kambing).

Sabihin mo sa kanila: “Ipinagbawal ba sa inyo ang dalawang uri ng babaing ‘ghânam?’” Kapag sinabi nilang, “Oo,” katiyakan na nakapag-sinungaling pa rin sila; dahil hindi nila ipinagbawal ang lahat ng babaing ipinanganak mula sa mga ‘ghânam’ (tupa at kambing).

Sabihin mo sa kanila: “Ipinagbawal ba ng Allâh (I) ang anuman na nasa sinapupunan ng dalawang uri ng babaing ‘ghânam’ (tupa at kambing)?” Kapag sinabi nilang: “Oo,” katiyakan na nakapagsinungaling pa rin sila: dahil sa hindi nila ipinagbawal ang anumang nasa sinapupunan noong (dalawang hayop na iyon).

Sabihin nga ninyo sa akin na may kasamang sapat na kaalaman, na tama ang inyong inaangkin, kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan hinggil sa inyong pag-aangkin, na ito ay nagmula sa inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha.

144. At ang apat namang uri ng hayop: na ito ay ang babae’t lalaking kamelyo at babae’t lalaking baka. Sabihin mo, O Muhammad sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Ipinagbawal ba ng Allâh ang dalawang uri ng lalaking hayop o dalawang uri ng babaing hayop na ito? O ang ipinagbawal ba ay ang anuman na nasa sinapupunan ng dalawang uri ng hayop na ito, babae man o lalaki? O di kaya, ay nandoon ba kayo, O kayo na mga ‘Mushrikun,’ noong ipinag-utos ng Allâh ang ganitong pagbabawal sa mga hayop?
“Samakatuwid, wala nang hihigit pa ang kasamaan kaysa sa sinuman na nag-imbento ng kasinungalingan laban sa Allâh; upang ilayo ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang kamangmangan mula sa Daan ng Patnubay.

“Katiyakan, ang Allâh, hindi Niya ginagabayan ang sinumang lumampas sa Kanyang itinakdang hangganan, na nagsinungaling laban sa Allâh, at iniligaw niya ang mga tao mula sa Daan ng Patnubay dahil sa kanyang kamangmangan.”

145. Sabihin mo, O Muhammad (r): “Katiyakan, wala akong nakita mula sa ipinahayag sa akin ng Allâh, hinggil sa mga nabanggit ninyong ipinagbabawal na kainin, na ito ay ipinagbabawal na mga hayop; maliban na lamang kung ito ay namatay nang hindi nakatay sa tamang pamamaraan, o dugo na pinatulo, o di kaya ito ay laman ng baboy dahil sa ito ay marumi, o di kaya ay yaong kinatay bilang pag-aalay sa iba bukod sa Allâh na katulad ng kinatay na ang binigkas ay hindi Pangalan ng Allâh (I).

“Nguni’t, ang sinumang napilitang kumain mula sa mga ipinagbabawal na ito dahil sa tindi ng kagutuman, na hindi hinahangad na kainin ito para magpasarap o mabusog lamang, at hindi niya lalampasan ang hangganan ng tindi ng kanyang pangangailangan, ay katiyakang pinatatawad siya ng Allâh (I) at nagmamahal sa kanya sapagka’t Siya ay ‘Ghafour’ – Ganap na Mapagpatawad, na ‘Raheem’ – Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal.”

Paliwanag: katiyakan, naitala sa ‘Sunnah’ ang pagbabawal ng lahat ng mga may pangil na katulad ng mga mababangis na hayop o ibon na may mga kuko na ginagamit sa pandagit, mga asno na pang-‘domestic’ o alagain na ginagamit sa paghahanapbuhay at sa ibang pangangailangan, at mga aso.”

146. At ipaalaala mo, O Muhammad, sa kanila na mga ‘Mushrikin,’ ang anumang ipinagbawal Namin sa mga Hudyo na mga hayop at mga ibon: “Ito ay ang lahat ng mga hindi biyak ang daliri na katulad ng kamelyo, taba ng baka at taba ng kambing, maliban sa taba na dumikit sa likuran at bituka nito, o taba na nahalo sa buto ng pige at taba sa tagiliran o ang mga katulad nito.

“Ang pagbabawal na ito na nabanggit sa mga Hudyo ay bilang kaparusahan mula sa Amin dahil sa kanilang mga masasamang gawain; at katiyakan, Kami ay totoo sa Aming mga sinasabi hinggil sa kanila.”


147. At kapag pinasinunga-lingan ka nila, O Muhammad (r), ng mga lumabag sa iyo na mga ‘Mushrikin,’ mga Hudyo at iba pa. Sabihin mo sa kanila: “Ang inyong ‘Rabb’ na Kataas-taasan ay nagta-tangan ng malawak na pagka-awa at hindi mahahadlangan ang Kanyang kaparusahan sa mga taong masasama na gumawa ng mga kasalanan.”
Paliwanag: At nandirito ang babala sa kanila dahil sa kanilang paglabag sa Sugo na si Propeta Muhammad (r).

148. Walang pag-aalinlangan, sasabihin ng mga nagtambal o sumamba ng iba bukod sa Allâh (I): “Kung ninais (lamang) ng Allâh (I) ay hindi namin magagawa ang sumamba ng iba bukod sa Kanya, kami at ang aming mga ninuno at hindi namin ipagbabawal ang anumang bagay maliban sa kung ano ang ipinagbawal Niya, ay hindi namin ito gagawin.”

At sinagot sila ng Allâh (I), na ang mga panlilinlang na ito ay ginawa na noon ng mga walang pananampalataya na nauna kaysa sa kanila, at sa pamamagitan nito ay tinanggihan nila ang mga paanyaya ng kanilang mga Sugo at sila ay nanatili sa ganoong kalagayan hanggang sa bumaba sa kanila ang kaparusahan ng Allâh (I).

Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (r): “Mayroon ba kayo sa inyong mga ipinagbawal na mga hayop at mga pananim, at sa inyong pag-angkin na ang Allâh (I) ay ginusto Niya na kayo ay lalabag at ito ay Kanyang tinanggap mula sa inyo at naibigan Niya, mayroon ba kayong totoong kaalaman at ito ay maipakikita ninyo sa Amin? Katiyakan, wala kayong sinusunod hinggil sa ‘deen’ (patungkol sa relihiyon o pananampalataya) na ito, kundi ang mga yaong haka-haka lamang ninyo, at kayo ay mga nagsisinungaling lamang.”

149. Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (r): “Sa Allâh (I) ang ganap na katibayan upang patigilin ang inyong mga haka-haka, o kung ginusto lamang Niya ay ginabayan kayo tungo sa Matuwid na Landas.”

150. Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Ipakita ninyo ang mga testigo ninyo na magpapatunay na ang Allâh (I) ay Siyang nagbawal ng anumang ipinagbawal ninyo na mga pananim at mga hayop. Samakatuwid, kapag sila ay tumestigo – bilang kasinungalingan – ay huwag mo silang paniwalaan at huwag mo silang sang-ayunan, na ang mga sinusunod lamang ay ang kanilang mga sariling pagnanasa at tinanggihan nila ang mga talata ng Allâh (I) hinggil sa pagbabawal nila sa ipinahintulot ng Allâh (I), at pagpapahintulot sa mga ipinagbawal ng Allâh (I), at huwag mong sundin ang mga yaong hindi naniniwala sa Kabilang-Buhay na hindi gumagawa para roon, at yaong mga nagtatambal o sumasamba ng iba bukod sa Allâh (I).”

151. Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (r): “Halina kayo at basahin ang anumang ipinagbawal ng Allâh (I) sa inyo: na huwag kayong sumamba bilang pagtatambal sa Kanya ng anuman na Kanyang nilikha; bagkus ay ituon ninyo ang lahat ng uri ng pagsamba para lamang sa Kanya, katulad ng pagkatakot, pag-asa, panalangin at iba pa; at maging mabuti kayo sa inyong mga magulang, maging masunurin at manalangin para sa kanila, at iba pa na mga katulad nito na kabutihan; at huwag ninyong patayin ang inyong mga anak dahil sa pagkatakot na kayo ay maghirap, dahil ang Allâh (I) sa katotohanan ang nagbibigay ng kabuhayan sa inyo at ganoon din sa kanila; at huwag ninyong lapitan ang anumang malinaw na mga malalaking kasalanan, lantad at ganoon din ang lihim; at huwag kayong pumatay ng may buhay na ipinagbawal ng Allâh (I) maliban na lamang kung ito ayon sa batas, na katulad ng pagpatay sa sinumang nakapatay o gumawa ng pakikiapid pagkatapos makaranas ng legal na pag-aasawa, o di kaya ay nag-‘Murtad’ sa Islâm.

“At ang mga nabanggit na ito ang mahigpit na ipinagbawal ng Allâh (I) sa inyo, at inutusan kayo na ito ay inyong ayawan (talikdan); at ito ang kabilang sa mga kautusan sa inyo, na ipinayo ng inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha sa inyo nang sa gayon ay maintindihan ninyo ang Kanyang ipinag-uutos at Kanyang ipinagbabawal.”
152. “At huwag ninyong lapitan, O kayong mga pinagkatiwalaan, ang kayamanan ng ulila maliban na lamang sa ipinahintulot sa inyo para sa kapakanan ng kanyang yaman na siya ang makikinabang nito, hanggang sa maabot niya ang tamang edad, tamang pag-iisip; at kapag umaabot na siya sa ganitong kalagayan ay ibigay na ninyo sa kanila ang kanilang yaman; at maging makatarungan kayo sa pagsukat at pagtimbang, na ito ang tunay na katapatan. At kung nilubos ninyo ang anuman na inyong nakayanan ay wala na kayong pananagutan pa sa anumang pagkukulang; at hindi Kami nagbibigay ng pabigat sa sinuman maliban sa kanyang makakayanan. At kapag kayo ay nagbitaw ng salita ay pawang katotohanan lamang ang inyong sasabihin, na wala kayong kikilingan na sinuman sa inyong mga sinasabi o pagtestigo o paghatol, kahit ang inyong mga sinasabi ay patungkol sa inyong mga kamag-anak, at isagawa ninyo ang anumang ipinag-utos sa inyo ng Allâh (I) upang maisakatuparan ang Kanyang batas.

“At ang mga ipinaliliwanag na ito sa inyo ay kabilang sa mga batas na ipinayo ng Allâh (I) sa inyo; nang sa gayon ay maalaala ninyo kung ano ang inyong kahihinatnan.”

153. “At kabilang sa mga ipinayo ng Allâh (I) sa inyo, na ang Islâm na ito ang Daan na Matuwid tungo sa Allâh (I), na kung kaya, ito ang sundin ninyo at huwag ninyong sundin ang iba’t ibang daan ng pagkaligaw, dahil magkakawatak-watak kayo at ilalayo kayo sa Matuwid na Landas ng Allâh (I). Itong pamamatnubay na ito ay tungo sa Matuwid na Landas na kung saan ito ang iginabay ng Allâh (I) sa inyo upang iligtas kayo sa Kanyang mga kaparusahan, sa pamamagitan ng pagsagawa sa Kanyang mga ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal.”

154. Pagkatapos ay sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Katiyakan, ang Allâh (I) ay Siyang nagkaloob ng ‘Tawrah’ kay Mousâ bilang kabuuan ng Kanyang mga biyaya sa mga mabubuti na sumunod sa Kanyang Relihiyon (‘Deen’) at Kanyang katuruan, at bilang pagsasaad sa lahat ng bagay hinggil sa kanilang Relihiyon (o ‘Deen’), at gabay tungo sa Matuwid na Landas at pagkaawa sa kanila; nang sa gayon, sila ay maniwala sa Araw ng Muling Pagkabuhay at Paghuhukom; na samakatuwid, sila ay gagawa para rito.”

155. At ang Qur’ân na ito na Aklat na Aming ipinahayag sa Aming Propeta na si Muhammad (r), ay punung-puno ng biyaya; na kung gayon ay sundin ninyo ang Kanyang ipinag-uutos at iwasan ang Kanyang ipinagbabawal, at katakutan ninyo ang Allâh (I) na malabag ninyo ang Kanyang kautusan; nang sa gayon ay makaawaan kayo, mailigtas kayo mula sa Kanyang kaparusahan, at makamtan ninyo ang Kanyang gantimpala.

156. At ipinahayag Namin ang Qur’ân na ito; upang hindi ninyo masabi, O kayong mga paganong (walang pananampalatayang) Arabo: “Ibinaba lamang ang Aklat mula sa kalangitan para sa mga Hudyo at mga Kristiyano, na kung kaya, binabalewala namin ang pagbabasa ng kanilang Aklat.”

157. At upang hindi ninyo masabi, O kayo na mga ‘Mushrikun:’ “Kung nagpahayag lamang sa amin ng Aklat mula sa kalangitan, na katulad ng pagkakapahayag sa mga Hudyo at mga Kristiyano, ay mas higit na mapapatnubayan kami sa Tamang Landas kaysa sa kanila.” Samakatuwid, katiyakang dumating sa inyo ang Aklat sa inyong sariling wika na salitang ‘Arabic,’ na ito ang malinaw na katibayan mula sa inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha at gabay tungo sa Tamang Landas, at bilang awa (rin) sa sambayanan na ito. Dahil wala nang hihigit pa sa pagiging masama kaysa sa kanya na tinanggihan ang mga palatandaan ng Allâh (I) at tinalikuran! At sila na mga tumanggi ay walang pag-aalinlangan na parurusahan Namin nang matinding pagpaparusa sa Impiyernong-Apoy; dahil sa kanilang pagtanggi sa Aming mga talata at sa kanilang pagharang sa Aming Daan.

158. Mayroon pa bang inaabangan ang mga tumanggi at humarang sa Daan ng Allâh (I) maliban sa pagdating ng anghel ng kamatayan at ang kasamahan nito upang kunin ang kanilang mga kaluluwa; o di kaya ay ang pagdating [42] ng iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, O Muhammad (r), sa Araw ng Muling Pagkabuhay para hukuman ang Kanyang mga alipin; o di kaya ay ang pagdating ng ilan sa mga palatandaan ng pagkagunaw ng daigdig na nagpapatunay na ito ay mangyayari, na katulad ng pagsikat ng Araw mula sa kanluran? Na kapag ito ay nangyari, hindi na mapakikinabangan pa ng sinuman ang pagtanggap niya ng katotohanan kung siya ay walang pananampalataya bago naganap (ang dakilang palatandaang) ito; at hindi rin tatanggapin ang kanyang mabubuting gawa, maging siya man ay mananampalataya maliban na lamang sa kanyang mga naunang nagawa (bago naganap ang dakilang palatandaang) ito.

Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (r): “Hintayin ninyo ang pagdating nito, upang mapatunayan ang tama sa mali, ang masama sa mabuti, at kami ay kasama rin ninyo na naghihintay.”

159. Katiyakan, ang mga yaong nagkawatak-watak sila sa kanilang Relihiyon (o ‘Deen’) samantalang ito ay nag-iisang Relihiyon lamang sa paniniwala sa Kaisahan ng Allâh (I) at sa pagsunod sa Kanyang batas, at sila ay naging iba’t ibang grupo at mga sekta; katiyakan, ikaw, O Muhammad (r) ay hindi mananagot sa kanila, subali’t ang hatol hinggil sa kanila ay sa Allâh (I) lamang, pagkatapos ay sasabihin sa kanila ang anuman na kanilang nagawa, at gagantimpalaan ang sinumang nagsisi mula sa kanila at naging mabuti dahil sa kanyang kabutihan, at parurusahan ang masama dahil sa kanyang kasamaan.

160. Ang sinuman na makatagpo niya ang kanyang ‘Rabb’ na Tagapaglikha sa Araw ng Muling Pagkabuhay na may mga mabubuting gawa, ang gantimpala ng bawa’t kabutihan mula sa kanyang mga mabubuting gawa ay katumbas ng sampung kabutihan na tulad nito, at sino naman ang makatagpo niya ang kanyang ‘Rabb’ na Tagapaglikha na may mga masasamang gawa, ang isang kasamaan na kanyang nagawa ay parurusahan lamang ng katulad nito (na isa rin), at sila ay hindi dadayain kahit katiting na katiting.

161. Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Katiyakan ako ay pinatnubayan ng aking ‘Rabb’ tungo sa Matuwid na Landas, na magpaparating sa akin sa Kanyang ‘Jannah,’ na ito ay ‘Deen Al Islâm,’ na nagsasaad ng ganap na pamamaraan ng pamumuhay dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay, at ito ang ‘Deen’ ng Kaisahan ng Allâh (I) na siyang ‘Deen’ ni Ibrâhim; at kailanman, si Ibrâhim ay hindi kabilang sa mga nagtatambal o sumasamba ng iba bukod sa Allâh (I).”

162. Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga ‘Mushrikin:’ “Katiyakan ang aking ‘Salâh;’ ang aking pagsasakripisyo na katulad ng pagkatay ng hayop sa Pangalan ng Allâh (I) na Nag-iisa at hindi para sa mga rebulto at hindi rin para sa mga patay at hindi rin para sa mga ‘Jinn,’ at hindi rin para sa iba pa na mga katulad nito na inyong pinag-aalayan na iba bukod sa Allâh (I), at hindi rin sa pangalan ng iba na katulad ng inyong mga ginagawa; ang aking buhay, ang aking kamatayan ay Pagmamay-ari lamang ng Allâh (I) na ‘Rabb’ ng ‘Al-`Âlamin’ (lahat ng mga nilikha).”

163. “Na Siya ay walang katambal sa Kanyang pagiging ‘Ilâh’ (o Diyos na sinasamba) at sa Kanyang pagiging ‘Rabb’ na Tagapaglikha, at wala rin Siyang katambal sa Kanyang mga Katangian at mga Pangalan, at sa pamamagitan ng Kanyang dalisay na Kaisahan ay inutusan Niya ako, ng aking ‘Rabb’ na Kataas-taasan, na ako ang kauna-unahang tumestigo at sumunod at magpasailalim sa Kanya mula sa sambayanang ito bilang Muslim.”

164. Sabihin mo, O Muhammad (r): “Maghahangad pa ba ako ng ibang ‘Ilâh’ bukod sa Allâh (I), samantalang Siya ang Lumikha ng lahat ng bagay, Nagmamay-ari at Nangangasiwa nito? At walang sinumang tao na gumagawa ng masama kundi sa kanya ipapataw ang kanyang kasalanan, at hindi ipapapasan sa sinuman ang kasalanan ng iba, pagkatapos sa inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha kayo ay babalik sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at sasabihin Niya sa inyo kung ano ang hindi ninyo pinagkasunduan hinggil sa ‘Deen.’”

165. At ang Allâh (I) ay Siyang gumawa sa inyo na mga magkakasunud-sunod na mga henerasyon, na hinahalinhinan ninyo ang isa’t isa pagkatapos nilang mamatay, na kayo ay kinatawan dito sa daigdig upang itaguyod ninyo ang buhay dito pagkatapos nila sa pamamagitan ng pagsunod sa inyong ‘Rabb’ na Tagapaglika. At iniangat Niya ang iba sa inyo sa kabuhayan at lakas na higit kaysa sa iba, sa mga antas nito; upang kayo’y subukin sa anumang ipinagkaloob Niya sa inyo na mga biyaya, nang sa gayon ay mapatunayan sa mga tao kung sino ang tatanaw ng utang na loob o kung sino ang hindi.

Katiyakan, ang inyong ‘Rabb’ ay mabilis ang Kanyang parusa sa sinumang lumabag sa Kanya, at katiyakan, Siya ay ‘Ghafour’ – Ganap na Mapagpatawad sa sinumang naniwala sa Kanya, gumawa ng kabutihan at pinagsisihan ang kanyang nagawang pagkakasala, na ‘Raheem’ – Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal sa kanya, na ang katangiang ‘Al-Ghafour’ at ‘Ar-Raheem’ ay kabilang sa mga mararangal at dakilang Pangalan ng Allâh (I).

No comments: