101
CI – Sûrat Al-Qâri`ah
[Ang Malagim Na Pangyayari]
بسم الله الرحمن الرحيم
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. ‘Al-Qâri`ah’ – ang oras ng pagkagunaw ng daigdig, na kakalabugin ang mga puso ng mga tao sa pamamagitan ng kalagiman ng pangyayaring ito.
2. Ano bang bagay itong magpapakalabog sa mga puso ng mga tao?
3. Ano ba ang magpapabatid sa iyo hinggil dito?
4. Sa Araw na yaon ay napakarami ng mga tao na sila ay parang nagkalat na mga gamugamo na nagkakandalaglagan sa apoy.
5. At ang mga kabundukan ay magiging katulad ng mga nagliliparang balahibo na iba’t ibang kulay, na kapag ito ay napunta sa iyong kamay at iyong hihipan, ito ay magiging parang mga bula na maglalaho.
6-7. Pagkatapos, ang para sa kanya na naging mabigat ang timbangan ng kanyang kabutihan, ay magiging kalugud-lugod ang kanyang pamumuhay sa ‘Al-Jannah.’
8-9. Subali’t siya naman na naging magaan ang timbangan ng kanyang kabutihan at naging mas mabigat ang timbangan ng kanyang mga kasalanan, ang kanyang patutunguhan ay Impiyernong-Apoy.
10. At ano ang magpapabatid sa iyo, O Muhammad, kung ano ang kaila-ilaliman na ito na tinatawag.
11. Ito ay apoy na pinainit nang sukdulan sa pamamagitan ng paggagatong sa ibabaw nito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment