Sunday, May 16, 2010

Sûrat Quraysh

106
CVI – Sûrat Quraysh [(Angkan ng) Quraysh]

بسم الله الرحمن الرحيم
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1-2. Bilang dakilang kagandahang-loob mula sa Allâh (I), hinangaan ang pagkakaisa ng mga Quraysh at ang kanilang banayad at patuloy na masaganang pamumuhay, at ang kanilang kaparaanan na paglalakbay sa taglamig patungong timog – Yemen, at sa tag-init pahilaga – Sham, nang walang anumang pinangangambahan, at sa pamamagitan nito ay naging madali para sa kanila ang pagkamit ng anumang kanilang pangangailangan.

3. Na kung kaya, nararapat sa kanila na tumanaw ng utang na loob, at sambahin ang ‘Rabb’ na Tagapaglikha na Nagmamay-ari ng Tahanang ito – ang Ka`bah sa Makkah. Na ito ay bilang parangal para sa kanila, upang sambahin nila nang taimtim ang Allâh (I) na Bukod-Tangi.

4. Na Siya ang nagpakain sa kanila upang hindi sila mangagutom at ginawa silang ligtas mula sa pagkatakot at mga panganib.

No comments: