112
CXII – Sûrat Al-Ikhlâs [Ang Kadalisayan]
بسم الله الرحمن الرحيم
[Bismillâhir Rahmânir Rahîm]
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Sabihin mo, O Muhammad: “Siya ang Allâh (I) na ‘Ahad’ – Bukod-Tangi na ang pagsamba ay para lamang sa Kanya, na wala Siyang katambal na kahit na sinuman.
2. “Ang Allâh (I) ay ‘As-Samad’ – ang Bukod-Tangi na inaasahan ng Kanyang mga nilikha sa lahat ng kanilang pangangailangan, Ganap, walang kakulangan at walang pangangailangan.
3. “Kailanman ay hindi Siya nagkaroon ng anak at kailanman ay hindi Siya ipinanganak at wala Siyang asawa.
4. “At kailanman ay walang maihahalintulad sa Kanya, sa Kanyang Pangalan, sa Kanyang mga Katangian at sa Kanyang mga Gawain, na luwalhati sa Kanya na Kataas-Taasan.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment